MaS Entry 39

98.8K 3.9K 220
                                    

2nd chances? Hindi madali iyon para sa mga nasaktan ng husto. Pero sa kaso namin ni Pierre, hindi naman iisa lang ang may kasalanan. Pareho kaming nagkamali, ako hindi ko agad sya pinakawala noong mga panahon hindi na pala nya ako mahal. Sya naman umalis sya at hindi nya alam na may responsibilidad pala sya sa akin, pero wala namang kaso sa akin iyon. Ayos lang na ako nalang ang umako ng lahat dahil ako ang may malaking kasalanan saming dalawa.

Hindi ko tinanggap ang gusto nya na maging isang pamilya kami kahit iyon naman talaga ang gusto ko noon. Pero naisip ko lang kasa, paano pag dumating ang oras na makahanap na sya ng babaeng mamahalin higit pa kay Artemis? Baka hindi ko kayanin ang sakit na maidudulot nito.

At isa pa, bata pa kami. Marami pang pwedeng mangyari sa hinaharap. Walang may alam sa susunod na mangyayari.

"Happy 17th birthday!!"

Bungad nila Mama, Papa, at nila Kuya pag kababa ko sa hagdan.

Wala selebrasyong magaganap. Dahil ilang oras nalang naman ay aalis na kami.

Lumapit ako sa kanila at Kiniss ko si Artemis, saka niyakap si Mama at Papa.

"Happy birthday, I love you bunso" sabi ni Kuya Mj ng yakapin ko sya.

"Love you too kuya" sagot ko saka sya kiniss sa pisngi.

Si kuya Miguel naman ay kiniss ako sa noon saka ako binati. Niyakap ko sya ng mahigpit, first time akong kiniss ni Kuya Miguel, at first time ko syang niyakap ngayon.

Pagkayari ay sabay sabay kaming nag breakfast. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang habang nag aalmusal. Panay rin ang bilin ni Mama kay kuya Mj, si Kuya Mj lang kasi ang maiiwan sa pilipinas.

Pagkayaring kumain ay dumiretsyo ako sa kwarto ko para maligo. Balak kong pumunta sa school na pinapasukan ko dati.

Pag bukas ko ng pinto ng kwarto ko ay ang dalawang malaking vip Luggage bag ang unang kong napansin. Napa buntong hininga nalang ako, dumiretsyo na ako sa banya saka naligo.

Pagkayari kong mag ayos ay lumabas na ako mg kwarto.

"Ma aalis muna po ako" paalam ko kay mama saka binuhat si Artemis.

"San ka pupunta?" Tanong ni Mama, habang busy sa pag aayos ng mga dadalhin namin.

"May pupuntahan lang po ako sandali" sabi ko saka hinalikan sa pisngi si Artemis bago inilapag sa kandungan ni Mama si Artemis.

Lumabas na ako saka pumara ng tricycle, at nagpahatid sa school. Ilang minuto nalang at mag lulunch time na, naglakad ako papunta sa room.

"Kallen!"

Napalingon ako ng may tumawag sakin at nakita ko si Ma'am Nestlee, ngumiti ako sakanya saka sya binati.

"Hello po Ma'am"

"Hi, kamusta kana?" Tanong nya,

"Okay naman po Ma'am" sagot ko

"Nabalitaan ko kay Madam Principal, mag aaral karaw sa ibang bansa" tanong ni Ma'am

. tumango ako bilang sagot

"Opo, sa London po kasi nadestino si Papa" sagot ko

"Gawin mo ang lahat para magkapag tapos ng pag aaral, para sa anak mo at para sa pamilya mo. Huwag mong pansinin ang sasabihin ng ibang tao. Gusto ko pag nagkita ulit tayo ay professional kana, at aasahan ko na magiging estudyante ko rin ang anak mo" sabi nya, napangiti ako sa huling sinabi nya.

"Salamat po Ma'am. Asahan nyo po, gagawin ko ang lahat para mapatunayan sa lahat na hindi porque may anak na ako sa batang edad ay hindi na ako pwedeng mangarap. Aabutin ko lahat ng pangarap ko, hindi para mag malaki kung hindi para ipakita sakanila na hindi pa tapos ang buhay ko. Dahil nag umpisa palang ito noong inilabas ko ang anak ko"

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon