MaS Entry 18

88.9K 2.8K 168
                                    

Tahimik na pinag mamasdan ni Pierre si Kallen mula sa malayo. Nag alala sya sa kinilos ng dalaga kahapon. Kitang kita nya ang takot sa mata ng dalaga.

Kaya ng nakita nya itong parang wala sa sarili habang nag lalakad ay sinundan nya ito. Gusto nyang malaman ang nasa utak ng babae. Gusto nyang damayan ito sa problema nito. Katulad ng dati.

Katulad ng dati. Natawa sya sa kaisipang iyon. Ang tanga nya, dahil iniwanan nya ang nag iisang taong nag mamahal sa kanya. Totoo ngang nasa huli ang pag sisisi. Kung hindi sana nya sinunod ang mama nya. Edi sana kasama nya pa ang taong mahal nya. Edi sana nadadamayan nya ito ngayong sa problemang dala nito. Edi sana masaya sya ngayon. Edi sana buo sya ngayon. Pero nangyari na ang nangyari. Kahit anong hiling nyang bumalik ang oras ay imposible na.

Tinignan nyang muli ang babaeng nakaupo sa duyan sa ilalim ng mayabong puno. Nakatulala ito habang nakatingin sa kawalan.

Ito ang lugar na madalas nilang puntahan noon. Dito sila pumupunta pagkayari ng klase, pag wala silang pasok sa school o pag libre ang oras nilang dalawa. Dito sila madalas mag date, mag lambingan, mag away at mag kwentuhan tungkol sa pamilyang plano nila pag dating ng panahon.

Ito ang lugar na itinuring nilang pag aari nilang dalawa.

Pinilit nya ang sariling huwag puntahan ang babae ng makita nya itong umiiyak. Nahihirapan sya sa nakikita nya, nasasaktan syang makita ito na ganoon.

"TANG INA MO, PIERRE WAYLAND! KUNG SANANG NANDITO KA EDI SANA NAGING MADALI ANG LAHAT! EDI SANA HINDI AKO NASASAKTAN NGAYON! EDI SANA HINDI AKO NAG IISA!! PERO BAKIT MAS PINILI MONG KALIMUTAN AKO!!"

Para syang binuhusan ng malamig na tubig ng marinig nya ang sinigaw ni Kallen. Nakatayo ito sa upuang gawa sa kahoy. Umeecho ang boses ng babae sa buong paligid.

"KAKALIMUTAN KITA KATULAD NG GINAWA MO! PERO SISIGURADUHIN KONG MAS SASAYA AKO NGAYON KAYSA NOONG KASAMA KITA! "

Baliw sya kung sasabihin nyang hindi sya nasaktan sa mga narinig nya. Pero alam nya na nararapat lang sa kanya ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

"Basta makita lang kitang maging masaya. Magiging masaya na rin ako Kallen" sabi nya sapat lang para sya ang makarinig. Tinignan nya ulit si Kallen , bago umalis at tinalikuran ang babaeng mahal nya at ang lugar kung saan sila bumuo ng mga pangarap nila.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon