Mas Entry 58

95.3K 2K 676
                                    

Ang bilis ng mga pangyayari. Pati ako naguguluhan kanina lang nasa bahay kami, at parang pumikit lang ako ay nasa harap na kami ng isang judge at isang kurap lang ay nasa bahay na nya kami nakahiga sa napakalaking kama at kapwa walang saplot.



Napatingin ako sa kaliwang kamay ko at tinitigan ang singsing na isinuot nya sakin kanina. 18 carat white gold ito at punong puno ng diamond. Sa itsura pa lang mg singsing ay alam kong milyon na ang halaga nito.



Napatingin ako kay Pierre na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Kita ang saya sa mukha nya kanina habang nakaharap kami sa judge, at hindi nya binitawan ang kamay ko kahit sandali na para bang tatakbuhan ko sya sa oras na bitawan nya ang kamay ko.





Hindi ko alam kung tama na nag padala ako sa nararamdaman ko. Alam kong kahit sino naman sa kanila ang pakasalan ko ay may masasaktan pa rin.


Kanina binura lahat ni Pierre ang marka ni Castle sakin. Lahat ng parte ng katawan ko dinaan ng labi nya at minarkahan ng pangalan nya.



Bigla kong naalala si Castle. Alam kong masasaktan sya pag nalaman nya ito. Ako ang may gustong mapaaga ang kasal pero eto ako at nag pakasal sa iba.




Tinangal ko ang braso ni Pierre na nakayakap sa bewang ko at dahang dahang tumayo. Dumiretsyo ako sa banyo, napangiwi ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Ang hulo ng buhok ko, kinapa ko ang leeg ko at ang ibabaw ng dibdib ko puro pulang marka at si Pierre ang may kagagawan nito.




Naligo ako at nag suot lang ng robe dahil mukhang wala pa naman akong damit dito sa bahay ni Pierre. Pag kayari kong maligo ay hinanap ko ang damit ko kanina, para kuhanin ang cellphone ko.



Tulog pa rin si Pierre pagkatingin ko sa kama. Lumabas ako sa kwarto nya at pumunta sa kusina. Alas dos pa lang ng madaling araw at hindi ko alam kung gising pa si Castle sa oras na ito.



Hinanap ko ang number ni Castle sa phone ko. At atras sulong ang kamay ko kung pipindutin ko ba ang number nya para tawagan. Huminga ako ng napakalalim at saka tinouch ang phone ko at nanginginig na inilapit ang cellphone sa tenga ko.


Limang beses nag ring bago nya sagutin. Tahimik sa kabilang linya, kaya kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nararamdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko at ang bigat ng pakiramdam ko.





"C-castle" nanginginig ang boses na sabi ko sa kabilang linya.




"Tama naman ang naging desisyon ko diba?" Malungkot na sabi nya






"C-castle, I'm s-sorry" yung kaninang luha na pinipigilan ko ay tuluyan ng dumagsa pababa sa pisngi ko. Ayokong saktan si Castle pero gusto kong mahanap nya ang kaligayahan na nararapat sakanya.





"Kaya ko to Kallen, mawawala rin ito. Ang mahalaga sakin ay napasaya kita."


Lalo akong naiyak sa sinabi nya. Ang sabi ko hindi ko sya iiwan, ang sabi ko ayaw kong masira ang buhay nya dahil lang sakin. Pero ano to?




"Castle. Castle, mangako ka sakin na hindi ka gagawa ng ikakasakit mo. Castle sorry talaga" umiiyak na sabi ko, ang hirap ang hirap makita ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi mahalin ka pero sa bandang huli sasaktan mo lang?




"Shhhh... Stop saying sorry my love. Kaya ko to, i'll go back to US for good" sabi nya



"Kailan ang alis mo?" Tanong ko saka pinunasan ang luha.





"Day after tomorrow" sagot nya




Pareho kaming natahimik. Sumisinghot pa rin ako habang nasa tenga ko ang phone.



Mom at 16Where stories live. Discover now