Wonder 27: Kaden

149 12 14
                                    

Finally! Finally makakalibot na rin ako! Acckk.

Pero syempre bago makalibot kailangan ko munang dumaan sa library. This has been my hobby since I met K.

Alas-syete pa lang ng umaga pero madami na ang estudyante dito sa labas. Some are preparing their booths and some are already strolling with the opened booths.

Mas maganda maglibot mamaya dahil mas madaming booth ang bukas lalo na sa hapon. Kapag umaga kasi ay nakatuon ang mga estudyante sa mga programs.

Katulad na lang ng mga tournaments sa sports, academic, and pageant. Usually, the program will start at eight am and will end at noon.

Scheduled ang mga programs na mangyayari kada araw. Katulad kahapon opening remarks ang nangyari sa pang-umaga na schedule samantalang sa hapon ay mga booths.

For this day ang alam ko ay magbubukas ang mga tournaments at magtatagal ito ng limang araw. So sa pang-huling araw which is closing ceremony i-a-announce nila kung sino ang mga mananalo at ang mga makakatanggap ng rewards sa buong week ng festival.

Biglang sumagi sa isip ko na kasama pala akong mag-perform sa closing ceremony. Jusq pwede bang mag-back out? Hindi pa naman ako nakakapag-practice. Tinatamad ako huhu.

Buntong-hininga kong binuksan ang pinto at dumiretso sa tabi ni Eri.

"Oh bakit nakasimangot ka?" tanong niya. Instead of answering her, I messed my hair out of frustration.

Napatigil ako nang mapansing siya lang ang nandito. "Nasaan sila?"

Inirapan niya ako at halukipkip na dinantay ang ulo sa kaniyang kamay na nakapatong sa lamesa habang nakatitig sa akin.

"Bakit, may dumi ba sa mukha ko?" hinawakan ko ang aking mukha at kinapa-kapa ito.

She sighed. "You appear to have forgotten your responsibility in this library, Seven claimed." hala oo nga! Napangiwi ako nang makitang parang tambakan na ng basura ang lugar.

"You won't be able to leave the library until it is clean, he stated." what?

"Ano kamo?" Paano na yung paglilibot ko?

"Well, remember the contract? He mentioned that you will know what would happen to you if you disobey him."

Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa mga sinabi ni Eri. Lintik na multo talaga 'yon!

"Nasaan ba siya ngayon?"

"They went to enjoy the festival," she shrugged. Wow, ako 'yung estudyante pero mas nauna pa siyang mag-enjoy sa festival!

"They?" tanong ko. "Yes, he went together with Rei." Ang galing. Akala ko ba mag-kakampi kami at mag-kaaway sila?

"Eh ikaw?" tanong kong muli habang inaabot ang walis at dustpan. "Paalis na rin," Tumayo siya sa upuan at naglakad palabas. Ngunit bago isara ang pinto ay lumingon ito pabalik sa akin. "Bilisan mo mag-linis."

Napasimangot naman ako dahil akala ko ay yayayain niya ako.

Buntong-hininga kong sinimulan ang paglilinis. Grabe, paano naging makalat 'tong library eh mga multo ang mga 'yon. Ako at si Rei lang ang tao dito.

Inisa-isa ko ang pagsalansan ng mga libro sa lalagyan. Bakit ba laging makalat dito.

I shook my head and went in his table. I touch the table and swept my fingers on it. Ngumiwi ako nang makita ang makapal na alikabok sa aking daliri.

Kumuha ako ng isang tela para punasan ang lamesa. Ngunit napatigil ako nang makitang bukas ang drawer ng lamesa.

Nag-aalangan 'man ay binuksan ko ito at sinuri ang loob. There's nothing except of dust and a picture frame, wait...picture frame?

Seven Wonders in Kaden HighWhere stories live. Discover now