Wonder 16 : Fifth's Dimension (part 2)

282 22 8
                                    

One thing to say...this place is huge!

There's a big mansion in front of us. It is not just a big plain mansion because it is covered with gold! Yes, gold! Pwede naman siguro akong pumuslit kahit isa lang ano? Makakabili ako ng isang truck ng fries! My eyes twinkled at that thought.

Anyway, I can't believe it. May ganito pala sa fifth wonder? Kung ikukumpara ko sa seventh at sixth wonder mas malaki dito. Halatang favorite child. Char. At saan naman galing yung favorite child ha Raisha? I facepalm.

I continued walking with an amusement across my face. I stopped when I saw a moderate curve size bridge. I see, before you can go straight to the mansion you need to walk across to it. Hindi naman ito gaanong mahaba, sakto lang.

Lumapit ako sa tulay upang dumaan. The water underneath is breathtaking. It is clear as crystal and reflecting the moon like it's on the groun-wait moon?!

I looked up to see if there's really a moon. But my brows furrowed when I see none. Why?

Nawala ang pagtataka ko nang may dumaan na alitaptap sa mukha ko. Sinundan ko ito ng tingin.

I raised my hands as a saw a firefly above. Hindi ito dumapo sa akin, instead it flew away and directly went to a tree.

My mouth went wide as I saw it. The fireflies covered the whole tree acting like a leaves. Tf! Ang ganda naman dito!

The fifth wonder looks creepy but its dimension is so beautiful.

"Blo Blo Blo..Blo!" Blo suddenly said, glaring me.

"Galit ka ba? Sorry ha wala akong balak manuyo," I said teasing him.

Bigla naman itong pumunta sa ulo ko at katulad kanina ay tumalon-talon ito. Ayos lang naman sa akin dahil hindi naman masakit. Sino ba naman ako para masaktan diba? char

Pero ayon na nga ang laki nitong mansion! It looks lively rin, ibang-iba sa dimension ni Eri. Take note sa labas pa lang 'to, ano pa kaya sa loob.

I decided to walk inside. Maybe there's a way there for me to go back to them. Tsaka mukha namang safe? I mean nevermind. Baka mamaya bigla na lang magpakita sa akin ang fifth wonder. O di kaya 'yung kamukha nung madre do'n sa movie na the nun. Jusme.

I opened the big wide double door. The height of it is maybe around ten feet? I'm not sure.

The cold breeze greeted me when I step my feet inside. "Uh...hello?" I said while surveying the area.

It is dark here and it's hard to see what's inside. I squinted my eyes even more. "Hello? Papasok ha, thank you!" I said while smiling.

THUG!

Napatalon ako sa gulat bago lumingon sa likod. The door closed automatically. Sabi ko nga hindi na 'ko ngingiti. Nanginginig na kinuha ko si Blo sa aking ulo.

"Blo?" he innocently mumbled.

"Shh! Let me hug you." I said. Wala naman sigurong multo dito diba? Acckk sana pala hindi na lang ako pumasok. >_<

Seriously wala talaga akong makita. I mean meron naman kanina pero kasi sumara na yung pinto kaya ngayon wala na.

AH!

Kinuha ko ang talisman sa dala-dala kong bag. Nangapa ako sa dilim ng gamit na madidikitan ko nitong talisman. The corner of my mouth lifted when I got a rock.

Pumilas akong ng isang papel at sinimulan ko na itong sulatan. I wrote 'lamp' in the paper. Pagkatapos ay dinikit ko na ito sa bato.

Viola! May lamp na rin! A smile danced on my lips because of what I did. Now, I can walk freely. Sinauli ko sa bag ang talisman at kinarga si Blo gamit ang kanang kamay ko habang hawak ang lampara sa kaliwa.

Seven Wonders in Kaden HighWhere stories live. Discover now