Wonder 10 : Student Council's former President

322 22 16
                                    

"That's all for our today's class, you may now take your break." our teacher in philosophy said as she gathered her things and then walked out of our classroom.

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko ganon din kami ni Rei. Habang inaayos ang gamit ay biglang sumagi sa isip ko kung ano yung ginawa ko sa puso ng sixth wonder.

K said that it is easy to break because it's like a glass pero bakit nahirapan si Rei na sirain ito? Anong mahika ang sinasabi ni Rei na nakabalot doon? Another mystery to solve is the voice I've heard that time. For some reason it was very familiar.

"Rai? Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala dyan," rinig kong saad ni Rei ng makabalik ako sa ulirat. I gave him a small smile before fixing my things again.

"I'm fine, let's go?" I asked him. Tumango ito.

Pagkadating sa canteen ay as usual hinanap ng mata ko si Stella. Sa mga nakalipas na araw ay siya ang lagi kong kasama lalo na kapag break time. Kahapon lang siguro hindi kami nagkasabay may ginagawa siguro?

But anyway sa mga araw na iyon ay hindi ko itatanggi na naging komportable na ako sakanya. It's like we're sisters sometimes. Kung dati ay ilag ako dito dahil sa trust issues ko sa mga dati kong kaibigan ngayon, I can say that little by little I'm conquering it.

Nang madating ang lamesa ay nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa likod ko. I sighed, bago ko pala makalimutan she confessed to me that she have a crush on Rei.

"Ay Rei! Buti naman pumasok ka na!" bungad niya nang makalapit kami sakanya. Kita ko ang kaunting pagpula ng mukha nito. Juiceko kilig na kilig ang babaeng 'to.

"Ah...oo may inasikaso lang," saad ni Rei sabay kamot sa batok. Agad na tumayo si Stella para bigyan ito ng mauupuan. Seriously?

"Uhh...ako na nakakahiya,"

"Ano ka ba ayos lang! Tsaka eto na oh nakuha ko na,"

"Salamat,"

"Nasaan yung sa'kin?" Singit ko

"Nandon oh kumuha ka na lang," turo nito sa kabilang lamesa. Tingnan mo 'tong babaeng 'to dumating lang si Rei kinalimutan na ko.

Nakasimangot akong naglakad papuntang kabilang lamesa at kinuha ang upuan bago bumalik sakanila.

"So Rei ano ba yung ginawa mo?" Rinig kong tanong ni Stella pagka-upo ko. Bigla kaming nagkatinginan ni Rei ngunit agad ding umiwas ng tingin.

"Ahh...ano tungkol lang iyon sa pamilya namin,"

"Ahh ganon..." Tango-tanong sagot ni Stella.

"Eh ikaw? Kahapon hindi kita nakasabay ha, anong ganap mo?" singit ko.

"Kahapon lang naman ah eto naman miss mo agad ako?" she chuckled

"Hindi lang ako sanay na walang maingay sa tabi ko." sagot ko na kinasimangot niya.

"Kahit kailan ka talaga Raisha!" reklamo niya na tinawanan ko lang

"Pero kasi busy ako kahapon mayroon pinapagawa sa amin si Ms. Saveda sa theater room." buntong-hininga nito. "Tsaka mahirap rin talaga maging parte ng student council," dagdag pa niya

"Part ka pala ng student council?!" gulat kong tanong

"Ay gulat na gulat? Parang hindi estyudante ng Kaden High?"

"Emz sorry na lumilipad isip ko."

"Nako Raisha, so ayon na nga Ms. Saveda pointed us to decorate the theater room dahil may event daw sa Monday," she said.

"Bakit hindi mga taga theater club ang gumawa non?" Tanong ko

"Nagpa-practice kasi sila doon sa gym kasi nga diba may event,"

Seven Wonders in Kaden HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon