Wonder 11 : White Talisman

296 23 0
                                    

Katatapos lang ng klase namin kaya ngayon ay naglalakad kami ni Rei papuntang library. Nagulat ako dahil bigla itong sumama sa akin. Hindi ba't magka-away sila? Hindi ko mapigilang hindi umirap dahil feeling ko ay pagtutulungan ako ng dalawa para asarin.

"Bakit ka nakasimangot Rai? May problema ba?" Kalabit sa akin ni Rei

"Wala naman, tinatamad lang akong pumunta doon," baka asarin niyo na naman ako! Sabay nguso ko.

Totoo namang nakakatamad pumunta doon para kasing hindi nauubos ang mga alikabok nakakaiyak lang linisin. T_T

Nang makarating sa library ay kaunti na lang ang mga estyudante as usual. Umakyat kami at hinanap ang painting na dinaanan namin ni K noong nakaraan. Hindi pa kasi alas-sais kaya dito kami dadaan.

"I thought there's a white door?" he asked

"Tuwing alas-sais lang 'yon lumalabas. Tinuro sa akin ni K ang daan na 'to," paliwanag ko. Pero napasimangot din dahil sa naalala. That damn perverted ghost! Gwapo sana kaso manyak bwct!

"Kanina nakasimangot ka ngayon naman namumula, tell me Rai dahil ba sa akin 'yan?" pagbibiro nito na mas lalo kong kinasimangot.

"Assuming ka rin ano? Tsaka sinong hindi mamumula eh ang init dito," singhal ko. Mamatay na mamula habang iniisip ang lalaking 'yon!

"Eto naman nagbibiro lang. Ang cute mo mainis,"

"Ha? Ano 'yun?" tanong ko dahil hindi ko narinig ang huling sinabi nito.

"Wala sabi ko maganda ka sana, slow lang."

"Aba't!"

Narating namin ang library na inaasar ako nito. Yung totoo hobby na ba nilang asarin ako? Tsk.

Nanlumo naman ako sa nakita dahil sobrang dami na naman ng kalat at alikabok! May sumpa ata 'tong library kakalinis ko lang kahapon! T_T

Pero teka nasaan si K?

"Miss mo na naman ako? Tsk. Tsk. Tsk."

Napatalon ako sa bigla dahil may nagsalita malapit sa tenga ko.

"Ulol mamatay na talaga maka-miss sayo." nakalutang ito at nakalagay sa likod ng ulo niya ang dalawang braso habang nakadekwatro. Nakangisi habang nakatingin sa akin. Sana nasa sixth wonder na lang ulit kami, mas tahimik siya doon! T_T

Lumapit ito sa akin at inikutan ako. He always do this ano bang meron?

"Hmm," saad nito habang tinitingnan ako taas-baba na kinunutan ko ng noo.

"Anong meron?"

"This, parang lumaki."

Nanlaki ang mata ko dahil ang kamay nito ay nasa dalawang dibdib ko at pinipisil ito. "Bastos ka talaga!" sigaw ko sakanya

Lumipad ito palayo at nang-aasar na nakangiti sa akin. Bwct na multo 'to!

Kinuha ko ang walis sa tabi at hinabol ito. "Halika ditong yawa ka!" sigaw ko

"Bleh habulin mo 'ko,"

"Talagang hahabulin kitang bastos ka!"

Nadaanan namin si Rei na ngayon ay naguguluhang nakatingin sa amin. Tumigil si K sa paglipad dahil nakita nito si Rei.

"What are you doing here? Hindi ka welcome dito," masungit nitong saad

"I know. May gusto lang sana ako itanong," sagot ni Rei

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa likod ni K. Napansin ako ni Rei kaya sinenyasan ko itong wag maingay. Nang makakuha ng tyempo ay hinampas ko ng slight lang naman si K gamit ang walis sa likod.

Seven Wonders in Kaden HighWhere stories live. Discover now