Prologue

1.7K 116 24
                                    

Sabi nila ang Kaden High ay mayroong seven wonders. At first hindi ko ito pinapansin, I mean is it true?

I'm a transfer student, we moved out for some reason and my parents never told me what is it about. I heard that this town has two schools but my parents transferred me here. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa dinami-daming mga eskwelahan ay dito pa nila ako dinala.

Noong unang punta namin dito ay talagang medyo natakot ako. Hindi mo kasi aakalaing eskwelahan ito dahil mas mukha pa siyang haunted house.

Bago ka makapunta sa mismong campus ay dadaan ka muna sa isang malaking gate. The gate is tall and is made of metal pero marami itong kalawang at sa tingin ko ay medyo marupok na. Maski ang karatula na may nakasulat na Kaden High bago makarating sa gate ay halos bumitaw na sa sinasabitan nito.

Pagkapasok sa gate ay sasalubong sayo ang mahabang daan na maraming puno sa gilid. It was creepy lalo na't medyo madilim ang daanan dahil natatakpan ito ng mga puno.

Nag-drive din si papa ng halos two minutes bago makarating sa mismong campus. It has four building one in the east, west, south, and north. Bali kung titingnan sa itaas ay para itong cross.

Sa north ang main building which is 'yong unang napuntahan namin. Kung sa labas ay mukhang luma at parang dinaanan ng ilang bagyo dahil sa dumi at kalat, iba sa loob. Dahil mas malinis dito at maaliwalas.

Malayong malayo sa itsura doon sa labas. Malinis ang brown marble floor at may pa chandelier pa. Modernized ang loob at halatang bagong bago pa. Pero bakit kaya ganoon sa labas?

Anyway, we headed to the Dean's office to get what I needed, the key to my dormitory. I'm surprised since I was a kid super strict na sa akin sila mama in terms of being alone. And now hinayaan nila akong mag-dorm dito.

I bid goodbye to them after they finished their business here. As soon as they left I walked to the east wing where my dorm's.

Luckily wala akong ka-share sa room ko dahil mas prefer ko ang mag-isa.

Going back, simula nang magsimula ang klase ay palagi ko na lang naririnig ang mga kwento tungkol sa seven wonders.

Walang araw na hindi mo maririnig na nababanggit ng mga estudyante 'yan dito.

"Narinig niyo ba? Si Melissa sa class 1-1 ay nawawala daw?"

"What? Bakit?"

"Sabi nila pumunta daw ito sa library."

"You mean sa seventh wonder?"

I don't know her but because of the students talking about her lost ay nakilala ko ito. Maraming nagsasabi na kagagawan daw ito ng seventh wonder.

Seventh wonder, kapag pumunta ka sa library ng saktong ala sais sa pinakadulong parte ng second floor ay may makikita kang kulay puting pinto. At kapag binuksan mo ito ay may kukuha sa iyong nakaitim na nilalang.

I've never been on the library because wala pa namang dahilan para pumunta ako roon, but I love books don't get me wrong.

I'm curious about the seven wonders dahil ngayon lang ako naka-encounter ng ganito. My previous school is normal, after nang discussion puro quiz, exam, etc. and then diretso uwi. But now it's somewhat thrilling knowing there's something like that here.

But I'm still not convinced that it's true because who would believe it? Kung sila na matagal na sa eskwelahan na ito ay naniniwala doon pwes ako ay hindi. Mahirap maniwala sa ganon lalo na't hindi ako naniniwala sa mga paranormal or supernatural activities.

I'm sure na mga estudyante rin lang ang gumawa ng ganon para takutin ang iba.

Now that I have so many theories in my head I decided to go to that seventh wonder at basagin ang pagti-trip ng mga estudyante sa iba.

What will I discover there?

***
charmyxx

Seven Wonders in Kaden HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon