Wonder 4 : Trapped

523 45 2
                                    

"Raisha!"

"Raisha!"

I heard both of them called my name.

Dali-dali akong lumapit sa salamin at kinalabog ito. "Rei! Nandito ako! Tulungan niyo ko please!" Pero tila hindi ako nito naririnig.

Lumapit ang dalawa kay Eri. "Ayos ka lang ba Raisha?" Sabay nilang tanong na nagkatinginan pa.

"Hindi ako 'yan! N-nandito ako tulungan niyo ko!" Buong lakas kong sigaw pero wala pa ring nangyari.

"It's futile Raisha they can't hear you."

"Palabasin mo ko dito!" She ignored me

"Ayos lang ako Rei, anong ginagawa mo rito?" Sagot niya kay Rei

"Mahabang kwento mamaya ko na lang ipapaliwanag sayo ang mahalaga makaalis muna tayo rito." Sabay hila ni Rei kay Eri.

Pero humawak sa kabilang kamay si K. "Anong nangyari?" He asked

"U-uh an-"

"Pwede ba? Mamaya mo na siya tanungin." Singit ni Rei

Teka nakikita siya ni Rei?! Paano?

Tumango si K at walang imik na lumabas sa cr. Niyaya na ni Rei si Eri na lumabas at magtungo sa dorm ko.

Nang makarating ay pinaupo nila si Eri sa kama.

"So, what happened?" Agad na tanong ni K. Tumingin na rin si Rei kay Eri na nanghihingi ng sagot.

"I-I want to wish something but when I got there and wished, nothing happens." Paliwanag ni Eri

Fvck that is not true! Muli ay kinalampag ko na naman ang salamin. "K! Tulungan mo ko! K!" Sigaw ko

I feel so hopeless when none of them hear my call. What should I do? Dito na lang ba ako habang buhay? I need to do something!

"I told you not to go there right? Bakit ka pa rin pumunta?" Seryosong tanong ni K

"I told you too I want to make a wish." Sagot ni Eri

Nakakairita dahil kahit ang boses at kung paano ako kumilos at magsalita ay gayang-gaya niya.

"Isa pa wala namang nangyari sa akin." Dagdag nito

K seems not convinced on what she's saying. Tinititigan niya pa rin ito ng mariin.
Habang si Rei naman ay hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha.

Dahan dahan nitong hinawakan ang kaniyang dalang parang arnis. "Why are you looking at me like that?" She said

"You're not Raisha." Pagkasabi non ni K ay siyang pagtingin nito sa kwintas kung nasaan ako.

Nabuhayan ako ng loob kaya muli kong kinalampag ang salamin. "Nandito ako! Tulungan niyo ako!" Muli kong sigaw

"Anong sinasabi mo ako to si Raisha." Sabi ni Eri pero napatigil ito nang biglang lumitaw sa harap namin si Rei. Nakatingin ito sa kwintas at biglang hinablot mula sa leeg ni Eri. Para akong masusuka sa bilis ng pangyayari dahil nawalan ako ng balanse sa pagtayo at nagpagulong-gulong sa loob ng kwintas dahil sa likot ng paghawak ni Rei.

Kingina makalabas lang ako dito papaikutin ko rin tong si Rei katulad nang ginawa niya sa akin.

Nakabalik si Rei sa kanina niyang pwesto habang hawak-hawak ang kwintas kung nasaan ako. Nakita ko naman mula sa salamin ang nanlalaking mata ni Eri. It's weird for me to see my body doing something and I'm not the one who's controlling it.

"I know that's you Six." Buntong-hiningang sabi ni K. Six?

Dumako ang tingin nito sa kwintas at tila alam niya kung nasaan ako dahil magkasalubong ang aming titig.

Seven Wonders in Kaden HighМесто, где живут истории. Откройте их для себя