Wonder 13 : The fifth wonder

313 23 11
                                    

Misteryo pa rin sa akin ang lalaking bumisita sa amin noong nakaraang araw. For some reason napaka-familiar niya. Sino ba siya? Bakit kakaiba ang suot niya? All black kasi alam mo 'yon parang sa mga vampire stories. Tsaka bakit galit na galit at mukhang takot sila mama na makita siya? Ako?

Isa pa yung kwintas, bakit ganoon na lang ang reaksyon ni mama nang makita ko ito? Hayys.  Gusto ko sanang hingiin ang ganda kasi.

Nagbibihis ako ng PE uniform dahil malamang PE namin ngayon. I rolled my eyes as I looked at my thigh being emphasize. Ang chola kita ang binti, hindi pa naman ako sanay sa ganitong suotan. Bakit ba kasi ganito yung PE uniform namin? Argh. Monday na Monday tapos PE? jusq

Ilang linggo na ako dito sa Kaden High pero ni isa sa mga kaklase ko ay wala man lang ako naging ka-close. Bukod kay Rei syempre. Speaking of Rei, linggo ng gabi ako nakabalik. Bago dumiretso sa dorm ay pumunta muna ako sa library para daanan sila.

Luckily pagkadating ko ay bumalik na siya sa normal. Nadatnan ko silang as usual nagtatalo habang sinusuway ni Eri na huwag maingay dahil inaantok daw ito at gustong matulog. Sa aming tatlo kaming dalawa lang talaga ni Rei ang hindi pa nagtatalo. Maybe because we're not that close to have an argument? Pero hindi ko rin naman ka-close si K.

I sighed once again before leaving the locker room. Dumiretso ako sa gym kung saan kami magkakaroon ng activity.

Nang makarating ay halos kumpleto na rin kaya nagsimula nang magsalita ang teacher namin. "Good morning, class."

"Good morning, Sir!"

"Magsi-upo muna kayo." katulad ng sabi niya, umupo kami.

"Madali lang naman ang gagawin niyo. This is your first performance task. Since we're done discussing the topics, the following schedule of our class will just be the day of you're doing the tasks. Yes, sa araw lang na iyon pwede niyong gawin ang mga pinapagawa ko. Don't worry, I promise you that it's easy to the point that you can just finish it within the given time."

"So for today, since you're all thirty in the class I expect that all of you have fifteen pairs. May absent ba?" he asked. Sinagot naman ito ng president namin at sinabing wala.

"Okay that's good. So we will have a physical fitness test. Find a partner then do the test by pair. Did you understand?"

"Yes, Sir!"

Tumango ito. "Okay so let's start. You have two hours to complete the activity. Reminder that you need to complete it within those hours. The things you need is here—beside me," he motioned his hands. "Lastly, don't hesitate to ask me if you have questions." umupo ito sa isang silya malapit sakanya.

Nagsimula nang magsitayuan ang mga kaklase ko habang ako ay nakaupo pa rin. Hinahanap ng mata ko si Rei pero hindi ko ito mahagilap. Saan na naman kaya iyon? Ang sabi ay wala daw absent kaya malamang nandito 'yon. Pero bakit wala siya? Baka naman nag-cr? o kaya nagbibihis pa?

Ayoko namang lapitan 'tong mga kaklase ko. Bukod sa nahihiya ay baka ma-awkward-an pa sila sa akin. Emz, weird kasi ako mag-approach minsan. Sabi nila

Dapat ba ako na ang unang lumapit? Tumatakbo kasi ang oras. Mamaya hindi ko pa matapos yung activity. Pero kasi ma-pride chicken ako. Sa sobrang taas ng pride ko baka umabot na 'yon sa langit. Charot.

"Nice thighs." someone spoked at my back. I mentally rolled my eyes as I heard his voice. Of course, who will it be? The most perverted person—ghost I've ever known.

Nilingon ko ito at tinaasan ng kilay. "Ang bastos mo talaga!" I exclaimed then slapped his shoulder. Pero nakaiwas ito kaya naman sunod-sunod ko itong ginawaran ng hampas.

Seven Wonders in Kaden HighWhere stories live. Discover now