Wonder 3 : The sixth wonder

617 48 3
                                    



"Are you really going?" Stella asked

We're now at the canteen taking our break. Hindi namin kasama si Rei dahil paalam nito ay may kailangan siyang gawin.

We're talking about the sixth wonder and my plan to go there. "Do you want me to come?" She asked again.

Umiling ako. "Ayos lang ako mag-isa, salamat."

"Pero bakit ka ba pupunta doon? May hihilingin ka? We all know that seven wonders is true. Everybody here in Kaden High believes it's true."

"I just transferred here a few days ago and I don't really know more about the seven wonders. But I want to wish something and that is my goal going there. Thank you for telling me that pero buo na ang loob ko na pumunta doon."

"Ano bang hihilingin mo at parang desperada kang gawin lahat para sa hiling na iyon?" She innocently asked.

If only I could tell her the truth I would.

"It's something personal to me, I can't say it I'm sorry."

Tumango ito. "I understand, basta ipangako mo sa akin na magiging okay ka ha?"

"Yes, yes I will."

Narinig naming tumunog ang school bell sign na tapos na ang break at bumalik na sa klase.

"Magkita na lang tayo bukas." Sabi ko kay Stella bago tumayo upang bumalik sa classroom.

Wala pang masyadong tao sa classroom nang marating ko ito. Mukhang wala rin dito si Rei dahil hindi ko makita ang bag nito.

Nakahalumbaba akong umupo sa aking upuan at bumuntong-hininga.

"Something's wrong?" Napatalon ako mula sa pagkakahalumbaba nang makita sa aking harapan ang bastos na lalaki. What is he doing here?

"Anong ginagawa mo rito?" Bulong ko bago tingnan ang paligid. Medyo parami na rin nang parami ang mga tao dito, nagsisibalikan na sila mula sa canteen o kung saan man sila pumunta habang break time.

"Just checking you." He replied

"Checking me? Para saan?"

Nakapahalumbaba itong tumingin sa akin. "You won't go there right?"

Kumabog ang dibdib ko sa tanong nito. Narinig ba niya ang usapan namin ni Stella?

Dahil sa kaba ay iniwasan ko ito nang tingin. "Diba nag-okay na nga ako kahapon?" Sagot ko

Hindi ito sumagot at mabagal na tumango lang. "Pwede ka pala lumabas ng library?" Pagiiba ko ng usapan

"Yes. Lagi naman ako nalabas ng library at nakikihalubilo sa mga estyudante but they can't see me." Paliwanag nito

"Ah, okay." Sagot ko

Ibig sabihin may iba ring wonders na lumilibot sa paligid? Pero bakit hindi ko sila makita? Bakit ang bastos na ito lang?

"I know what you're thinking, you won't be able to see them unless you'll meet them. But don't think of meeting them it'll be dangerous and it's for your own safety too, understand?" Muli na namang paalala nito sakin.

Kahapon niya pa ako sinasabihan tungol doon at sa totoo lang ay naririndi na ko. Hindi ko alam kung ano ba talagang meron para pagbawalan niya ako ng ganito. Pero katulad nang sinabi ko kay Stella kanina buo na ang desisyon ko pumunta roon dahil para rin naman ito sa sarili ko. Ayokong ma-involved sa kahit sino mang parte ng seven wonders.

"Ang kulit mo talaga ano? Sinabi na ngang hindi ako pupunta! At tsaka umalis ka na dito may klase ako." Pagtataboy ko para makatakas sa kung ano pang sasabihin niya.

Seven Wonders in Kaden HighWhere stories live. Discover now