Wonder 1 : The seventh wonder

1.2K 93 51
                                    

Naglalakad akong mag-isa papuntang classroom. I'm wearing the famous school uniform which is white long sleeves with a necktie that's similar to my skirt, the knee plaid cream white skirt. I'm also wearing black stockings para makagalaw ako ng komportable at white rubber shoes.

Ever since na nag-transfer ako dito ay wala pa akong nagiging kaibigan. Though meron isang babaeng nag-approach sa akin pero hindi pa kami ganoon ka-close. I'm an introvert person just so you know. I'm having a hard time dealing with people.

Narating ko ang tapat ng classroom, pumasok ako at umupo sa upuan ko na malapit sa bintana. Wala pa ang adviser namin kaya maiingay pa ang mga kaklase ko.

As usual nakarinig na naman ako ng mga kwento tungkol sa seven wonders. Sa lahat ng wonders na iyon ang library ang pinakasikat. I think. Ang tawag pa nila dito ay 'The Depths of Library'. Ito ang seventh wonder ng school. Hindi ko pa alam ang sixth to first dahil yung seventh lang ang kadalasang naririnig ko.

Kapag daw pumunta ka sa second floor ng library at nagawi sa pinakadulong parte nito ay may makikita ka daw na puting pinto. At kapag pinasok mo ay may sasalubong sayo'ng madilim na paligid at may magpapakitang nakaitim na nilalang.

Sounds unbelievable for a person like me who doesn't believe in supernatural beings. Mas kapani-paniwala pa ang science dahil may evidences at explanations ito.

Wala pa raw nakakabalik mula rito kaya nagtataka ako kung saan nila nakukuha ang ganung kwento kung wala naman palang nakakabalik. Diba parang ang imposible?

Kaya napagdesisyunan kong puntahan ito mamayang uwian at tingnan kung totoo ba talaga ito. To see is to believe ika nga.

Gusto ko ding malaman kung bakit nawawala ang mga estudyanteng napupunta roon. Malay natin kung hindi naman pala wonders ang dahilan no'n. Baka may taong ginagamit ang wonders na 'yon para makagawa nang masama o pag-tripan ang ibang estyudante.

Natigil ako sa pag-iisip nang makita kong pumasok na ang adviser namin. Napabuntong-hininga na lang ako bago tuluyang ilabas ang notebook at makinig.

***

Uwian na at heto ako naglalakad patungo sa library. Kaunti na rin ang mga estyudanteng nakikita ko sa daan, pasado alas-sais na rin kasi ng hapon. Malamang ang iba ay nasa kani-kanilang dormitory para magbihis at magpahinga o di kaya'y papunta na sa canteen.

Isa sa mga rule dito sa Kaden High ay ang pagkain sa hapunan. Ang canteen ay hanggang 7:30 lang, kapag lumagpas ka sa oras na iyon ay hindi ka makakapasok sa canteen at ang masaklap pa ay hindi ka nakapaghapunan. Pero dahil nandito ako para i-discover kung totoo nga ba ang seventh wonder, I think I'm sacrificing my supper.

Pero sa tingin ko naman ay hindi ito totoo kaya hindi rin ako magtatagal doon. Iniisip ko rin kung sakali na totoo nga iyon anong gagawin ko?

Wala naman akong maisip gawin. Hays.

Hindi ko namalayang nakapasok na ako sa loob ng library at tinitingnan ang paligid. May mga estudyante pa rin dito pero kakaunti na lang at ang iba ay paalis na.

Nagtungo ako ng hagdan papuntang second floor. Inakyat ko ito at sumalubong sa akin ang maalikabok na parte ng library. Wala masyadong nagpupuntang estudyante dito dahil halos lahat ng mga information na kailangan nila ay nasa ibabang shelf. Though meron pa rin naman dito  kahit papaano.

Medyo may kadiliman ang ibang parte dahil ang ilaw ay narito lang sa gitna. Madilim sa magkabilang dulo.

Hinanap ko ang cellphone ko sa bag para gawing flashlight. Sinimulan kong hanapin ang sinasabi nilang pinto pero kahit nakarating na ako sa magkabilang dulo nitong floor ay wala pa rin akong nahahanap.

Seven Wonders in Kaden HighWhere stories live. Discover now