CHAPTER VIII Bantay Sarado

20.1K 224 37
                                    

KIM'S POV







Pag baba ko sa dining area, hindi si andrew ang una kong nakita kundi si manang Rosie.





"oh, kim halika ka na kumain ka na. Nagluto ako ng almusal para sayo."







Tuloy pa rin sa pag hahain si manang Rosie. Tatanungin ko kaya kung nasaan si Andrew? Baka naman isipin nito ni manang na type ko si Andrew.





"si andrew kasi maagang umalis, baka daw kasi malate nanaman sya, eh napagalitan pala sya ng maestra nya kahapon."



Si manang Rosie na ang nag salita. Ayos to si manang ah. Nababasa nya siguro yung nasa isip ko.



"oh, kim kumain ka na."



"sabay na ho tayo manang." pag aya ko kay manang



"tapos na ako anak. Mamamalengke pa kasi ako. Ikaw muna ang bahala dito sa bahay ha? Babalik din ako agad."



"opo."





Mag-isa ako ngayon dito sa bahay. Malungkot pala kapag nag iisa.





"nakakainip naman."





Tinatamad naman ako mag fb,twitter,formspring at tumblr. Ayoko din manood ng movies at hindi rin naman ako inaantok.

Naalala ko yung text ni barbi buenavista kay andrew. Pero di ko sure kung si barbi buenavista nga yun hehehe tamang hinala lang ako. Pero isang Barbi lang naman ang kilala kong malandi eh.





Biglang may lumabas na bumbilya sa taas ng ulo ko.







"alam ko na!"



Pumunta ako sa kwarto ko at naghanap ng mga luma kong damit. Nakita ko yung jacket ko, shades at wig. Yung wig kasi ginamit ko yun nung play namin.





"ayos na to.humanda ka sakin andrew kapag nalaman ko na naglalandian kayo ni barbi. Kakalbuhin ko kayo parehas!"





Nag pants, rubber shoes, jacket, at nag shades ako. Lumabas na agad ako ng bahay. Kailangan makaalis ako bago pa dumating si manang. Nag iwan na lang ako ng note na nagsasabinh namasyal lang ako saglit.





Tsaka ako nag taxi. Sa taxi ko na rin sinuot yung wig ko, kinakabahan ako sa gagawin kong to. Paano kung makilala ako ni andrew? Baka sabihin pa nya na sinusundan ko sya. E bakit? Gusto ko lang naman makasiguro na di nya ako niloloko no! Baka mamaya may iba pa pala syang anak bukod sa magiging baby namin, syempre kawawa naman ang baby ko kapag nagkataon. At syempre......





Kawawa din ako.







After 30 mins. Ay nasa tapat na ako ng gate ng university. Pero lumipat ako ng pwesto baka kasi akalain ng guard eh mandurukot ako. Kaya tumayo ako sa may gilid sa tabi mg puno. Siguro 15 mins. Ma akong nakatayo sa labas ng may nakita akong familiar na kotse. Pag mamay ari ni barbi buenavista.

hindi kaya tama ang hinala ko na sya ang babae ni andrew? O baka nagkataon lang? Sana nga nagkataon lang.













BARBI'S POV



Bababa na sana ako sa car ng makita ko na may kakaibang nilalang na nakatayo sa may gilid ng puno. Parang familiar sya sakin.





"cathy, nakikita mo yung babae na yun sa may puno?"



"opo maam"



"puntahan mo at picturan mo. Tapos tsaka ka bumalik. Pero, wag kang magpapahalata na pinipicturan mo sya."



"okay po"





Si cathy, Personal julalay ko. Syempre, ang mga chix na katulad ko ay dapat na may julalay.





"maam eto na po ang picture"





Zinoom ko yung picture nung girl.. At hindi nga ako nagkamali...



"Althea Kim"





nabuhay nanaman ang galit sa dibdib ko. ano nanaman kaya ang ginagawa ng babaeng yan dito? Nakakairita talaga sya! At bakit naman ganyan ang ayos nya? Nakashades, jacket at wig?!! Nababaliw na ba sya?!!!





Naalala ko yung text ko kay andrew kagabi. Hahahaha! Baka sya ang nakabasa o kaya naman naghihinala na to si althea na may ibang babae ang asawa nya. Pagkakataon ko na to!





I dialed andrew's number.





"hello, andrew... Pwede mo ba akong sunduin dito sa labas ng school? Masama kasi ang pakiramdam ko. Parang nahihilo ako. Si cathy naman, masama din ang pakiramdam nahawa yata sakin.please andrew please..."





Pasweet kong sabi kay andrew. Yung tipong pampaawa. Sinabihan ko na rin si cathy na magsakitsakitan.





Maya maya lang ay kumatok sa window ng car si andrew.sabi ko na nga di nya ako matitiis. Tsaka ako lumabas ng car.





"ano bang nararamdaman mo?" inalalayan agad ako ni andrew.



"ang sakit sakit kasi ng ulo ko" tapos kumapit ako sa braso ni andrew.





"tara na sa clinic."





Tapos inakbayan ako ni andrew, hahahah! So saya nakikiayon ang pagkakataon sakin! Tiningnan ko si althea na nasa may puno at mukhang tanga. Nakashades man sya. Alam ko na nakatingin sya sa amin at alam ko rin na nag ngingit ngit na sya sa inis! Poooooooor althea!



















KIM'S POV



Tama ako, si Barbi buenavista nga ang babae ni andrew, nakita ko kung paano sila maglandian, habang si barbi ay nakakapit sa braso ni andrew, ang magaling ko namang asawa ay nakaakbay kay malanding barbi. Sa totoo lang, hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanila. Ayokong aminin sa sarili ko na nagseselos ako. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na naiinis lang ako dahil nga sa mag kakaanak na sya at nagagawa pa nyang mambabae.





Umuwi na lang ako. Ayoko ng mabwisit pa. Dagdag pa na nahihirapan na akong huminga dahil sa naka pants ako. Nakalimutan ko na buntis ako. Kawawa naman ang baby ko. Dali dali akong umuwi kasi dapat makapagpalit ako agad ng damit baka naiipitna yung baby ko.





Pag dating ko, nakasalubong ko si manang.



"susme kang bata ka kim! Bakit ka nag pantalon!!!! "



Gulat na gulat si manang.



"saan ka ba galing?!"





"namasyal lang po. Sige po magpapalit na po ako ng damit."



Dirediretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng dress. Hinaplos ko yung tyan ko. Lumaki na pala yung tyan ko. Halatang buntis na ako.



"sorry baby, kung naipit kita. Sorry, yung daddy mo kasi! May babae! Ang kapal ng mukha nya baby!"



Napaiyak na ako.





"bakit ba ako umiiyak?bakit ko iniiyakan ang babaerong andrew na yan?!"





humiga ako sa kama at umiyak ng umiyak. ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Kahit anong pigil ko na wag umiyak at wag masaktan... Wala, ganun pa rin nararamdaman ko.





Mga isang oras na siguro akong nakahiga lang. ayokong makipag usap kahit na kanino. Ilang beses na rin akong kinatok ni manang pero hindi ko sya pinagbuksan at sinasabi ko lang na inaantok ako. Ayokong tanungin ako ni manang kung bakit namumula ang mata ko. Alangan namang sabihin ko na umiyak ako dahil sa pambababae ni andrew.





"kim! Ano bang nangyayari sayo? Open the door! Masama ba ang pakiramdam mo?"





Boses ni andrew yun ah. Bakit nandito na sya agad? Maaga pa ah.





Hindi ako sumagot. Mayamaya narinig ko na lang na binubuksan nya yung pinto ng kwarto ko.





"kim!"





Yumakap sya sakin.







"ano ba andrew!"



Umupo na lang ako. At tiningnan ko sya ng masama.







"ano bang nangyari sayo? Sabi ni manang nag pantalon ka daw kanina. Alam mo namang buntis ka di ba? Dapat palagi ka lang nakadress tsaka di ka na raw lumabas ng kwarto mula pa kaninang pagdating mo. Saan ka ba nanggaling? Sinong kasama mo?"



Kung pakikinggan mo si andrew at titingnan. Mukha syang nag aalala. pero sa twing maaalala ko yung pambababae nya, gusto ko syang sapakin.napaka plastic nyang tao. Mapagpanggap!



"oh, bakit ganyan ka makatingin sakin?"





Tanong ni andrew, wow! Maang maangan pa!



"kung nakakamatay ang bawat pagtingin ko, siguro ngayon, nakaburol ka na!"





Tumayo ako at nag punta sa terrace ng room ko. Sumunod naman si andrew.



"ano!? Ano bang sinasabi mo ha? Ano bang nangyari kasi."



"wag ka ng magpanggap andrew! Nakita kita kanina. Si barbi buenavista ang babae mo! Napakasama mo!"



Umiyak nanaman ako, ano ba naman yan. Bakit ba ako nagpapakita ng kahinaan sa lalakeng to. Dapat sinasampal at tinatadyakan ko na sya ngayon.



"ano bang sinasabi mo? Wala kaming relasyon! At saan mo naman kami nakita?"



"pumunta ako kanina sa school nyo, nagbabakasakali na mali ang hinala ko na may iba ka. Pero nakita ko, kung paano mo akbayan si barbi! Manloloko ka!"





Habang ako umiiyak sya naman tawa ng tawa





"hahahahahahahahahahahahaha!"





"anong nakakatawa ?! Natatawa ka kasi mukha akong tanga? Natatawa ka kasi naloko mo ko?!"



"hahahahahahahahahaha joker ka kasi hahahahahahahah"





Tawa pa rin ng tawa si andrew.



"bahala ka nga dyan!"





Padabog akong naglakad. Nakakainis talaga sya kahit kailan!!!! Magsama sila ni barbi!





Napatigil ako sa paglalakad kasi hinawakan ako ni andrew sa braso. Tapis nakatingin sya sakin ng sobrang seryoso pero nakakatunaw.



"bakit ka nagkakaganyan? Nagseselos ka noh?"



Nagseselos? Ako nagseselos?!



"hahahahahaha! Patawa ka! Bakit naman ako nagseselos?!"



Umiwas ako ng tingin kay andrew.



"kasi.. Mahal mo na ako."





Niyakap nya ako Tapos dinikit nya yung ilong nya sa ilong ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, mahal ko na nga ba si andrew? O sadyang nakakainis lang ang lalaking to?



"hindi kita mahal! Wag ka lang sanang nanloloko! Pero, kung gusto mo mag girlfriend okay lang! Di kita pipigilan."





"wala kaming relasyon ni Barbi"



Mas lalo nyang hinigpitan yung yakap nya sakin.





"di ako naniniwala! Kaya ka lumalapit kay barbi kasi buntis ako, kasi mataba na ako. Kasi di na ako maganda at sexy.kaya ka nagkakaganyan!"



"bakit? Sexy at maganda ka ba dati?"





"nakakainis ka talaga!"





Sumimangot nanaman ako.





"joke lang hahaha. Syempre maganda at sexy ka. At hindi ako magsasawang sabihin sayo na ikaw ang pinakamaganda at seksing buntis sa buong mundo."





"inuuto mo lang ako!"





Kumalas ako sa pagkakayakap nya sakin pumunta ako sa sulok ng terrace.





"hindi kita inuuto, kaya lang naman ako nakaakbay nun kay barbi dahil masama ang pakiramdam nya. Inaalalayan ko lang sya."



"eh bakit magkatext kayo?"





"eh kasi magkaibigan lang naman kami."







"ah basta lumayo ka sa kanya."









"bakit?gustomo ikaw lang ang lalapit sakin?hahahaha"







"ewan ko sayo! Di ka na nag bago! Kaya nga tayo naghiwalay dati dahil babaero ka! Hanggang ngayon babaero ka pa rin!"







"dati yun wifey, nag bago na ako. One woman man na lang ako ngayon."





"siguraduhin mo lang! Dahil susuntukin talaga kita!"





Dahil naging okay naman kami ni andrew sabay na kaming nag dinner pag katapos nun.. Kwentong kwentuhan tsaka nya ako hinatid sa kwarto ko.





"oh ayan, matulog ka na masama ang magpuyat para sa buntis."



Ginulo ni andrew yung buhok ko.



Pumasok na kami sa kanya kanyang kwarto. Ewan ko, pero parang kakaiba tong araw na to. Nalungkot ako, sumaya at... Kinilig. Hahaha! Lumabas ako ng room ko dahil nauuhaw ako. Nakita ko na bukas yung pinto ng kwarto ni andrew. Sumilip ako ng konti. At nakita ko sya sa harap ng computer. Tapos sobrang kalat ng kwarto nya. Hindi pa pala sya natutulog gumagawa pa sya ng project nya.





Bumaba ako sa kitchen at uminom ng tubig tapos pinagtimpla ko na rin kape si andrew. Tsaka ko dinala sa room nya.





"kape ka muna"





"thank you, akala ko natutulog ka na?"





"nauhaw kasi ako kaya pumunta muna ako sa kitchen tapos naisipan ko na rin na ipagtimpla ka ng kape."





Umupo ako sa kama ni andrew.





"pasensya ka na ha makalat. May tinatapos pa kasi ako eh."





"gusto mo tulungan kita?"





"wag na. Matulog ka na. Ayaw kong napupuyat ka. Halika na ihahatid na kita sa room mo."





"hahatid mo pa ako eh magkatapat lang naman ang kwarto natin."





"baka maligaw ka eh.. At mapunta ka sa puso."





Tumingin ako kay andrew, ang cute ni hubby! Kasi bigla syang nag blush!





"puro ka talaga kalokohan!"



Nasa tapat na kami ng kwarto ko.. Pero parang ayaw ko pang matulog, gusto ko pang makasama si andrew.





"kim."





Inaabot sakin ni andrew ang cellphone nya.





"para saan to?"





"palit tayo ng cellphone. Para naman mapanatag ka na hindi kita niloloko. Binura ko na din sa phonebook ko lahat ng number ng babae dyan including barbi.





Binigay ko rin rin yung cellphone ko sa kanya.



"goodnight kim."



Hinalikan ako ni andrew sa pisngi. Tapos, pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Habang nakahiga ako ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Aminado ako na walang araw na hindi ako kayang pakiligin ni andrew. Araw araw na lang yata masaya ako, araw araw na lang kinikilig ako. Araw araw na lang magaan ang pakiramdam ko. Sana palagi na lang ganito.





Natulog ako ng nakangiti :)))








END OF CHAPTER.

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now