CHAPTER XVIII DATE WITH HUBBY

16.8K 273 100
                                    

CHAPTER XVIII DATE WITH HUBBY

A/N hi!!! :)))))) parang ang bagal para sakin ng linggong to. Tss. Btw, eto na update ko! Salamat sa inyong lahat :)

ANDREW'S POV

Pasipol sipol pa ako ng umalis sa kitchen, syempre butihing tiga luto nanaman ako ng almusal ng maganda kong misis! Hehehe. Ganadong ganado nga ako eh. Ganito siguro talaga kapag masaya ka! :) di talaga ako makapaniwala na okay na kami ni Kim, hindi ako makapaniwala na bumalik sya sakin.

Naabutam ko sya sa garden na nagdidilig ng halaman, hindi ko agad sya nilapitan.. Tiningnan ko muna sya habang nagdidilig. Nakaramdam nanaman ako ng saya kasi nakita ko na unti unti ng lumalaki yung tyan ni Kim, unti unti ng lumalaki yung baby namin. Di ko tuloy maiwasang hindi maexcite. Aaminin ko, ang laki ng pinagbago ko.. Nung una ayokong panagutan yung magiging anak namin. Ayaw kong makasama si Kim. Kasi ayokong maputol ang pagiging buhay binata ko. Pero, nagbago na ang isip ko. Masaya din pala ang magkapamilya. Lalo na kung alam mo na magiging masaya kayo.

Hep! Hep! Mga bata! Maganda pa rin ang magtapos muna ng pag-aaral bago magboyfriend. Mag ipon muna kayo tapos tsaka mag asawa! Hahaha seryoso po ako!

"haay naku andrew. Alam ko naman na nagagandahan ka sakin kaya ka nakatitig ng ganyan."

Tumingin na sakin si Kim. Tinigil nya muna ang pagdidilig nya at umupo sandali. Kahit na pawis na pawis na sya, ang ganda ganda nya pa rin. Kahit na mukhang pagodna sya, iba pa rin ang dating nya. Oh my gulay! Hot mama ka talaga wifey!

"excuse me lang althea, di ako nagagandahan sayo, natatabaan oo, kumain ka na nga lang"

Nilapag ko na yung pagkain sa table. Grabe tong babae ba to kungmag feeling. Pero, may point naman sya eh. Araw araw na lang yata nagagandahan ako sa kanya. Inalalayan kong makaupo si Kim. Tapos nilagyan ko ng pagkain yung plate nya. Swerte ah! May yaya/asawa sya!

"ayan wifey pwede ka ng kumain."

Umupo ako sa tabi ni Kim, tapos tinitigan sya.

"wag mong sabihing papanoorin mo akong kumain? Sabayan mo kaya ako."

"sasabay ako kung susubuan mo ako :)"

Waaah! Ang sarap talagang mag lambing. Kinikilig ako! Hahaha.

"oo na sige na."

Sinubuan nga ako ni Kim, kaya mas ginanahan akong kumain. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam ng may nag-aalaga sayo, at may sasakay sa paglalambing mo. Bwisit kasi yang Jansen na yan eh bakit ba kasi bumalik yan, binawasan nya pa yung mga araw na dapat masaya kami ni Kim.

"hubby! Sumipa si Baby."

Nilapit ko yung tenga ko sa tyan ni Kim, tapos hinalikan ko yung medyo malaki na nyang tyan. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, pakiramdam ko daddy na daddy na ako.

"hello, baby.. Si daddy to. Kamusta ka na dyan sa loob? Behave ka lang ha. Wag mong papahirapan si Mommy ha. Tsaka dapat pag labas mo kamukha kita ha. Wag kang kukuha ng mukha sa mommy mo kasi papangit ka kapag nangyari yun."

Boogsh! Binatukan ako ni Kim. Tapos pag tingin ko sa mukha nya, nakasimangot sya.

"bwisit ka, parang sinabi mo na napakapangit ko. Kainis ka talaga."

"ikaw naman di na mabiro.hahaha."

Hinalikan ko yung noo ni Kim. Minsan talaga kailangan kong tumanggap ng mga batok at sipa galing kay Kim. Humanda lang talaga sakin to kapag nakapanganak na. De, joke lang syempre di ko sya magagawang saktan. LOVE ko yan eh. Oy!oy! Wag kayong maingay kay Kim. Secret lang muna natin to ha.

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now