CHAPTER XXIII The Proposal

10.6K 218 46
                                    

ANDREW'S POV

"Andrew.."

"Andrew..gising"

"hmmmm?"-ako

Ginigising ako ni Kim. Dinilat ko yung right eye ko, tapos tumingin ako kay Kim.. na nakatitig sa akin.

"bakit?"

niyakap ko yung unan na nasa tabi ko. Antok na antok pa ako. -_-

"anong bakit? uuwi na tayo, malalate ka na kaya sa class mo! bumangon ka na kasi eh!"

hinahatak naman ngayon ni Kim yung tshirt ko. waah!! ang sakit sakit ng ulo ko! sobrang inaantok pa talaga ako eh!

"hindi ako papasok tulog pa tayo"

tapos ay niyakap ko sa bewang si Kim. Maya maya lang ay naramdaman ko na tumayo na si Kim sa kama.

"Gusto yata nito na magkagalit nanaman kami eh, ang aga aga pinapainit ang ulo ko!"

napatayo naman ako agad. hehe alam nyo namang ayoko ng away o gulo diba? Gusto ko ng mapayapang mundo. Dapat laging nagmamahalan.

"eto na babangon na nga eh."

"babangon ka rin pala nagpatagal ka pa."

pagbaba namin ay nagdireretso si Kim sa may frontdoor. Napahinto naman ako kasi naman wala pa akong mumog at hilamos tsaka diba breakfast muna? hindi ba dito uso yun?

"Kim, gutom ako kain naman tayo oh."

umupo muna ako sa sahig at pinatong ang ulo ko sa may sofa, grabe sumasakit ang ulo ko sa sobrang antok.

"wala ng breakfast breakfast, sa bahay na. Tara na kasi."

hinatak ni Kim yung braso ko. Ako naman, walang nagawa sumunod na lang ako sa gusto ni Master Kim.

Pagdating sa bahay ay naligo na agad ako para naman mawala ang antok ko, tapos ay bumaba na ako. Pero pagbaba ko sa living room ay naabutan ko si Kim na nakatulog na sa sofa. Binuhat ko muna sya para dalhin sa kwarto nya. Kawawa naman ang mahal ko, baka mangawit sa sofa.

pagkatapos nun umalis na ako ng bahay. Actually, wala naman kaming gagawin ngayon sa school. Mid-term exam namin ngayon eh. Kaya nagmadali na ako papunta sa school at agad na tinapos ang exam. Buti na lang Nakapag aral ako bago pa man kami nag-away ni Kim kaya alam ko na papasa ako sa exam :)

Hindi ako agad umuwi ng bahay. May mga bagay akong dapat na asikasuhin malalaman nyo rin yan mamaya.

KIM'S POV

Pag gising ko ay nasa kama na ako, Siguro nilipat ako dito ni Andrew.Naglakad lakad muna ako sa buong kwarto parang ang sakit kasi ng balakang ko eh. Tapos kinuha ko yung cellphone ko. Pagtingin ko ay may text sakin si andrew.

Wifey, punta kayo ni Manang dito sa school. May event pala kami dito kailangan ng relatives. Nakalimutan kong sabihin sayo. I love you.

Frm: Hubby

"Eto talaga si Andrew, bakit naman nya nakalimutan?'

Nagbihis na ako agad, at umalis na kami ni manang. Nagtaxi lang kami. Ewan ko ba, Bigla na lang akong kinabahan para kasing may iba sa araw na to. Parang may mangyayari na hindi ko mawari. Napansin ko na lang na medyo mabilis magpatakbo si manong driver. Bigla nanaman tuloy akong kinabahan.

"Manong, hinay hinay lang po sa pagdadrive."

hindi nakinig si manong kasi ang bilis bilis nya pa ring magpatakbo ng taxi. Hanggang sa narinig ko na lang yung sirena ng police car. at mukhang kami ang hinahabol.

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now