CHAPTER XVI DATE AGAIN

18.3K 303 192
                                    

A/N At dahil sobrang kawawa na si Andrew... Haha eto ng update ko.

--->> si kim pala habang nakikipagdate at naguguluhan

CHAPTER XVI DATE AGAIN

KIM'S POV

It's been two weeks.. Dalawang linggong di nag uusap ng matino.. Puro sticky notes pa rin kami. Super nahihirapan na ako. Bakit naman ba kasi sobra kung makadrama si Andrew.Miss na miss ko na talaga sya

-_-

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng maalala kong may date pala kami ngayon ni Jansen. Nag ayos ako ng sarili ko. Simpleng ayos lang.. Wala kasi ako sa mood na mag paganda. Wala na akong pakielam kung pangit na ako sa paningin ni Jansen. Basta ang mahalaga sakin ngayon eh magkaayos kami ni Andrew.Nagtext na rin ako kay Jansen na malalate ako ng dating. Kung pwede nga lang sabihin na wag na lang kaming tumuloy. Pero, tinamaan naman ako ng hiya.

Pagbaba ko sa living room. Nakita ko si Andrew na nagbubutones ng polo nya. Papasok na sya sa school. Tumingin sya sakin pero bigla ding umiwas. Parang wala na talaga ako sa kanya :((

"ahm..Andrew..ahm.. Pwede ba akong umalis ngayon?"

Sana wag syang pumayag.. Sana magalit sya sakin. Hahaha! Parang tanga lang ako. Hinihiling ko na sana wag pumayag si Andrew. Kasi... Kapag hindi sya pumayag ibig sabihin nag cacare sya sakin.

"okay"

Tsaka sya lumabas ng bahay. Okay? Yun na yun? Hahayaan nya akong umalis kasama si Jansen? Waaaaah!!! I hate you Andrew Barredo! Napakasungit mo talaga!!! Napakaduwag!!!

Padabog akong lumabas ng bahay. Pag labas ko ng bahay nakita ko si Andrew. Nasa gate lang nakatayo.

"oy, sundo mo nasa kanto"

Tsaka nya tinuro yung kotse ni Jansen. Tiningnan ko si Andrew, walang emotion yung mukha hya. Poker face. Tapos sumakay na sya ng kotse nya. Nakakabwist talaga tong araw na to! Una si Andrew ang sunget sunget sunget tapos si Jansen naman naduwag na rin. Ayun nasa kanto lang. Ano ba namang mga lalakeng to?

Sumakay ako na ako sa car ni Jansen. Hindi kami nagkikibuan ni Jansen sa buong byahe pero hindi kami magkagalit noh! Sadyang ayaw lang namin magpansinan

"sweety, nandito na tayo :)"

Bumaba kami ni Jansen sa isang lugar.. Lugar na paborito namin.. Lugar kung saan kami nag celebrate ng 2nd anniversary namin. Lugar na nagpapaalala kung gaano kami kasaya noon.

"naalala mo ba sweety.. Dito tayo nagcelebrate ng 2nd anniversary natin?"

Hinawakan ni Jansen yung kamay ko tapos ngumiti sya sakin. Sa ginawa ni Jansen.. Bumalik ang lahat ng ala ala nung masaya pa kami. Nung hindi pa komplikado yung sitwasyon. Nung sobrang mahal na mahal pa namin ang isa't isa. Pero kahit ganun hindi ako nagsisisi sa kinahinatnan naming dalawa. Dahil may dalawang angel na dumating sa buhay ko. Ang magiging baby ko, at si Andrew. Kahit na hindi sya mukhang angel. Kahit na tinitiis nya ako ngayon. Alam ko darating ang araw na magkakaayos din kami.

"naalala ko nga octupus pa yung binigay mo sakin na stuff toy. Kainis ka ang pangit naman nun eh! Hahaha"

"ginawa ko yun kasi alam kong maiinis ka. Hahah. Pero, syempre kahit na iniinis kita. Love pa rin kita :)"

Kinilig ako sa sinabing yun ni Jansen. Pero ngayon ko narealize na mas grabe pa ring magpakilig si Andrew. Yung tipong wala naman syang ginagawa kinikilig na ako. Lalo pa, kapag may ginagawa na sya! Haha. Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako.

"you're smiling, bakit?"

Tanong sakin ni Jansen.

"h-ha? W-wla masaya lang ako"

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon