CHAPTER XXII UMUWI KA NA PLEASE

10.7K 222 43
                                    

CHAPTER XXII UMUWI KA NA PlEASE

KIM'S POV

Nagising ako sa sunod sunod na katok ni ate sa kwarto ko. Pagtingin ko sa clock. 2am pa lang. What the?! Anong problema ni ate at kumakatok sya ng ganitong oras?

"kim, open the door please."

Narinig kong sabi ni ate mula sa labas ng pinto ng kwarto ko, sinuot ko ang bunny slippers ko tapos pupungas pungas ako lumapit sa pinto at pinagbuksan ang makulit kong ate.

"ate, ano ba yun? It's 2 am! What is it this time?

Huminga ng malalim si ate tapos nakapameywang na at nakataas pa ang kilay.

"ate Kim, pasensya na po ha. Buti ka pa hindi naiistorbo ang tulog. Kasi ako kanina pa hindi makatulog dahil sa ingay ng asawa mo sa labas. Pwede bang puntahan mo sya sa labas bago pa yun masiraan ng ulo!"

Tapos walang sabi sabi na umalis si ate sa harap ko. Ako ang naiwan na mag isa. Maya maya lang ay may narinig akong kumakanta na ewan galing sa labas. Pumunta ako sa window ko .Nakita ko si Andrew na kumakanta habang sumasayaw. Anong kabaliwan yan?

"mag cha cha ng with a smiling face mag cha cha ng naka nganga, cha-charap ang buhay

just cha cha cha with dabarkads"- andrew

Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya sa ginagawa nya eh. Pero kasi naman nakakatawa talaga ang itsura nya. Para syang bakla na ewan. Hindi ko alam kung bakit nya to ginagwa. Hindi alam ni Andrew na nakasilip ako sa bintana. Maya maya lang ay tumigil na sya sa ginagawa nya at kumapit sa gate.

"kim, sana naririnig mo ako. Wala na akong pakielam kung mag mukha man akong tanga dito sa labas ng bahay nyo. Gagawin ko ang lahat mapauwi ka lang. At hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama.okay lang Kahit maging ermitanyo pa ako sa tagal ng paghihintay ko dito. Kahit pa may dumating na tiga mental hospital dito, magpupumiglas ako maiuwi lang kita."

Maya maya ay may kinuha na gitara si Andrew. At nagsimula na syang mag strum ng gitara. At sa bawat stanza ay humihinto sya at tsaka magsasalita..

Ilang beses ng nag-away

Hanggang sa magkasakitan

Na 'di alam ang pinagmulan

"kim, alam ko na ilang beses na tayong nag-away. Kahit na mga simpleng bagay lang pinagtatalunan natin. Pero kahit ganun masaya ako kapag kasama kita. Kasi alam kahit na nag-aaway tayo sa bandang huli ay magkakaayos din at tayo pa rin ang magkasama."

Pati maliliit na bagay

Na napag-uusapan

Bigla na lang pinag-aawayan

"kahit ang tigas ng ulo mo, kahit na kinokontra mo ako sa bagay na gusto ko at ganun din naman ako sayo.. Isa lang ang sasabihin ko sayo... Mahal na mahal pa rin kita. Para sa akin ikaw ang babae na gusto kong makasama habang buhay.. Ikaw ang perfect girl para sa akin. Hindi si barbi o kahit na sino pang babae dyan.

Ngunit kahit na ganito

Madalas na 'di tayo magkasundo

Ikaw lang ang gusto kong makapiling

Sa buong buhay ko

"hinding hindi ako mag sasawa sayo. Kahit maging lumba lumba ka pa, balyena, dolphin, sea lion, elephant, tiger o kahit ano pa man yan.. Ikaw pa rin si Kim, ang babaeng mahal na mahal ko. Gusto ko ikaw ang makikita ko sa umaga, ikaw rin ang gusto kong makatabi sa higaan. Lahat ng bagay na tungkol sayo ay hinding hindi ko pagsasawaan."

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano

Ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinasampal mo ako't

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon