CHAPTER I the past

45.1K 457 40
                                    

Kim's POV










Nagising ako ng biglang may pumasok na liwanag. Dinilat ko ang aking mga mata at doon ko nakita si mommy na nakatayo sa tapat ng bintana. Inayos pala ni mommy yung kurtina kaya nakapasok sa bintana ko yung liwanag. Isa lang din ang ipinahiniwatig nyan.. Umaga na. Pero sa isip ko sana hindi na lang ako nagising dahil sa problema na kinakaharap ko ngayon. Humiga akong muli at sa pag pikit ko ay naalala ko nanaman ang pinag mulan ng lahat...







"Hi Sweety!" Sumalubong sa akin si Jansen habang hawak hawak ang stuffed toy na Octopus. Inabot nya sa akin ito at tsaka humalik sa Pisngi ko. Napangiti naman ako sa ginawa nya. Sya nga pala si Jansen Ramirez ang boyfriend ko, Alam nyo ba na ang swerte swerte ko kasi sya ang naging boyfriend ko. Palagi nya kasing pinaparamdam sa akin na ako lang ang babaeng mamahalin nya.








"How's your day?" tanong ko sa kanya. Nandito kasi ako ngayon sa bahay nila, Wala lang pumasyal langbako ngayong araw dahil wala din naman akong ginagawa sa bahay namin.







"Okay lang naman, pero nakumpleto na rin yung araw ko kasi nakita kita" hinawakan ni Jansen ang baba ko sabay ngiti na parang nakakatunaw. Ako naman ay inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya.







"Ang sweet mo talaga, Ay Sweety! Nga pala bago ko makalimutan.. Debut pala ni Karen sa Friday. Sama ka! Para makilala mo yung isa pa naming friend ni Carla. Sigurado ako matutuwa yun kapag nakilala ka nya. Palagi kasi kitang kinekwento sa kanya eh." umayos na ako ng upo para makita ko kung ani ang magiging reaksyon ni Jansen sa sinabi ko.









"Sweety.. Gusto ko sana, pero hindi kasi ako pwede eh. Aalis kasi kami ni Kuya Jairus May pinapaasikaso kasi sa amin si Daddy." sabi ni Jansen habang hawak hawak ang kamay ko. "Promise! Next time babawi talaga ako" dugtong pa nya. Ako naman ay tumango na lang bilang pag sang ayon sa sinabi nya.








"Oh basta Sweety, mag iingat ka sa party na yun ha. I'm sure madaming boys dun kaya mag ingat ka huwag kang lalayo kay Carla" Bilin sa akin ni Jansen na ngayon ay nakaakbay na sa akin.









Mabilis na lumipas ang araw at friday na. Simpleng black dress lang ang isinuot ko tapos light make-up lang wala din naman akong ganang mag ayos ngayon dahil wala din namang dahilan para mag paganda ako kasi wala naman dito si Jansen.









"Hay, Carla nasaan ka na ba?" Naiinip kong sabi. Mag isa lang ako ngayon sa table kasi wala naman akong gaanong kakilala dito. Ay hindi meron pala! Sa bandang dulo kasi ay nandoon si Barbie Buenavista. Schoolmate namin ni Karen at Carla noong High School kami kaya lang ay matindi ang galit sa akin nun. Ewan ko ba kung bakit, Siguro ako kasi ang Valedictorian tapos salutatorian lang sya.








"Hey Baby!" lumingon naman ako sa likuran ko para makita kung sinong papansin ang nag salita. Bigla ngang uminit ang ulo ko ng makilala ko kung sino yung epa, na nag salita. Si Andrew Barredo pala. Ex boyfriend ko sya kaya lang nagkahiwalay kami kasi babaero sya! Nalaman ko kasi na tatlo kaming pinagsasabay sabay nya. Kaya hanggang ngayon ay inis na inis pa rin ako sa kanya.








"Umalis ka na nga Andrew! Wala akong panahon na makipag usap sayo" tumayo ako at naglakad sa kabilang side para makalayo ako sa makulit na Andrew na yan. Wala nanaman yang magawa kaya ako ang ponagtitripan.











"Uy, Kim Wait lang naman. Ano ba? Galit ka pa rin sakin hanggang ngayon? Kalimutan na natin yun." Sumunod pa rin sa akin si Andrew at pilit na nakikipag usap sa akin. Ako naman, wala pa rin akong pakielam sa mga sinasabi nyang walang ka kwenta kwenta.








"Just Leave her alone Andrew, Hayaan mo na ang maarteng babae na yan. Sya na nga ang nilalapitan sya pa ang mag mamaganda. Tss.. Hindi naman maganda" Umextra bigla si Barbie. Nakahalukipkip pa sya habang nakatingin sa akin. Ano bang problema ng babaeng yan? Palaging pa epal eh.








"Wala kang alam Barbie kaya huwag kang makisali dito!" Sagot ko naman kay Barbie. Tapos yung magaling na babae ay hinawakan ako sa braso na sobrang higpit. "Aray! Barbie ano ba?! Nasasaktan ako!" pilit 'kong tinatanggal yung kamay nya sa braso ko.








"Talagang Masasaktan ka kapag kinalabam mo ako!" pinanlakihan ako ng mata ni Barbie. "Hey! Chill lang kayo. Let's Go Barbie" hinila na ni Andrew palayo sa akin si Barbie. Ako naman ay bumalik na lang sa table ko at nag hintay na lang na dumating si Carla.






Thirty Minutes na rin ang nakalipas simula nung nagtalo kami ni Barbie. Pero hindi pa rin ako nakaligtas sa mga masasamang tingin sa akin ni Barbie. Hindi ko talaga malamn kung bakit ba ang tindi ng inis sa akin ng babaitang yan. Pero di ko na lang pinatulan yung pag tingin nya sa akin ng masama dahil sigurado akong susugod nanamn yun dito at aawayin ako.








"Ma'am, Tikman nyo po ito" may waiter na lumapit sa akin at inaalok ako na tikman yung mga drinks. "Mamaya na lang may hinihintay pa kasi ako eh" Pagtanggi ko sa Waiter pero mukhang makulit talaga dahil nilapag pa nya sa table ko yung mga drinks. "Ma'am okay nga po ito eh. Uminom po muna kayo para hindi kayo mainip" Ngumiti sa akin yung Waiter. Tiningnan ko sya ng maigi. Mukhang okay naman si Kuyang Waiter baka ayaw nya lang talaga na mainip ako kaya naman kinuha ko na yung isang baso. "Okay, sige na pwede ka ng umalis" uminom na lang ako para umalis sya at hindi na ako kulitin. Pero after 5 minutes ay nakaramdam na ako ng matinding pagkahilo.









Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang katawan at Ulo ko. Kaya naman bumangon ako pero, napansin ko na kumot lang ang Tanging saplot sa katawan ko. Syempre nakaramdam ako ng kaba at takot. Tapos tumingin ako sa bandang kaliwa ko at doon ko nakita na si Andrew ang katabi ko at mahimbing na natutulog! Ano pa nga ba diba? Halatang may nangyari sa aming dalawa. Tumayo na ako agad at nagmamadaling nag bihis at umalis sa place na yun. Gulong gulo ang isip ko noon, wala akong matandaan kung anong nangyari at paano nangyari ang lahat ng ito.








--------





Noong araw na matuklasan ko na may nangyari sa amin ni Andrew, hindi na ako nag abala pa na kausapin sya. Siguro naman ay wala syang naaalala, malamang na sobra din syang nalasing kaya nawala na rin sya sa sarili nya. Siguro hindi nya rin maalala kung sino yung babae na nagalaw nya. Malaking problema kapag nalaman nya na ako ang babaeng yun, at mas malaking problema kapag nag bunga yung pagkakamali na iyon. Sana naman hindi ako ako mabuntis.





Hiyang hiya ako kay Jansen, kay mommy, at ate.. At sa sarili ko..





Pumasok na lang ako sa school kahit na medyo masama ang pakiramdam ko, kinakabahan na nga ako eh dahil madalas na ang pag sama ng pakiramdam ko. Pero pilit mo lang iyon na binabalewala siguro ay nasobrahan lang ako sa pag-iisip ng nangyari sa amin ni Andrew. Dapat na pilitin kong bumalik sa normal ang kilos at ang buhay ko.







Agad naman akong dumiretso sa canteen dahil nag text sa akin si Jansen at niyayaya akong mag breakfast. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari sa amin ni Andrew o hindi na. Pero kasi, nakokonsensya ako.. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Naku! Bahala na nga.





Sa canteen..





"sweety, parang maputla ka ah.okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Jansen, na halata naman sa tono ng boses nya na nag-aalala sya para sa akin.






Sasagot na sana ako ng biglang umikot ang sikmura ko. Tumakbo agad ako sa bathroom. Tsaka ako sumuka. Bago ako pumasok kanina ay Dumaan muna ako sa drug store. Tsaka ako bumili ng Pregnancy test. Kabado ako, Ilang araw na kasing masama ang pakiramdam ko. Pati sina mommy nagtataka na. Sumusuka pa ako every morning. Plus.....







Delayed ako.





Nakapikit ako habang hawak ko ang pregnancy test. Hinihiling ko na sana ay wag mag bunga yung kamalian namin ni Andrew. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa oras na mabuntis ako.









Ayan na.... Sana negative. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at sobrang nanlambot ako sa nakita ko..





Pero nang tingnan ko ang Pregnancy Test, may lumabas na dalawang guhit dito. Napahigpit ang hawak ko sa Pregnancy test at nanghihina ako na umupo sa sahig. Lalong gumulo ang takbo ng utak ko. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula at kung paano ko ipagtatapat sa kanilang lahat ang kondisyon ko ngayon.





----






"Kim, Bumangon ka na dyan at mag bebreakfast na" Muli akong dumilat at nakita ko si Mommy na papalabas na ng kwarto ko. Hindi ko na namalayan na nasobrahan na pala ako sa pag-iisip ng pinag mulan ng lahat ng ito. Ito na ang katotohanan, Katotohanang, nakagawa ako ng isang pagkakamali. At alam ko sa sarili ko na hindi ko na maililihim pa.









"Pero, Paano ko sasabihin kay Mommy?" Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko at nag simula nanamang umiyak. Sobrang bigat talaga ng nararamdaman ko ngayon dahil sa wala rin akong mapagsabihan ng problema ko. Iniisip ko nga na sana panaginip na lang ang lahat ng ito.










"Kim! Ano na? Mag bebreakfast na tayo!" dali dali kong pinunasan ang mukha ko na basang basa ng aking mga luha. Kasi naman bigla na lang pumasok sa kwarto ko si Ate Arianne, sya ang panganay 'kong ate. "Uy, Kim.. Ayos ka lang ba? Bakit parang umiiyak ka?" hinawakan ako ni Ate sa balikat at piliy nya akong pinaharap sa kanya.









"Ate.." Hindi ko na napigilan pa at bigla 'kong niyakap ng mahigpit si ate habang umiiyak. " bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari?" hinawakan ni Ate ang pisngi ko at pinapahid nya yung mga luha na dumadaloy sa pisngi ko. "Ate, natatakot ako" Yumakap pa ko ulit kay ate Arianne ng sobrang higpit. "Ha? Saan ka naman natatakot? Sabihin mo kay Ate, tutulungan kita" sabi ni ate habang hinahaplos ang buhok ko.







"Ate..Buntis Ako."

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon