CHAPTER XVII ANG PAGBABALIK

17K 313 123
                                    

CHAPTER XVII ANG PAGBABALIK

A/N muli po akong humihingi ng dispensa. Hehehe busy lang po sa pag-aaral at masakit po ang aking puson. Gusto ko na syang tanggalin.btw, eto na po ang update ko.

Salamat pala sa mga nag follow sakin sa twitter @xandrachill

Hahaha eto na talaga.

KIM'S POV

Maaga akong gumising para maghanda ng breakfast. Oo, ako ang maghahanda ngayon ng breakfast hindi para sa sarili ko kundi para sa taong palaging naghahanda ng masasarap na almusal para sakin.

Tama kayo, para to kay Andrew. Sana maramdaman ni Andrew na gusto ko na talagang makipag ayos sa kanya. Gusto ko ng bumalik yung dating masaya naming samahan. Sana sa gagawin kong to, mapatawad nya ako. At maging okay na ang lahat.

Maya maya lang gising na si Andrew. Halatang nagulat sya ng makita nya ako na nagluluto. Pero, umiwas din sya ng tingin. Bumalik yuung emotion ng mukha nya, yung mukha na walang pakielam at mukhang wala ng nararamdaman. Aaminin ko naging malungkot ako, kasi akala ko matutuwa sya sa ginagawa ko pero hindi pala. Akala ko nga bigla nya akong yayakapin at sasabihing "tama na wifey, okay na tayo :)" pero eto.. Wala, deadma effect pa rin ang gwapo kong mister.

"ahm, andrew upo ka na. Luto naman na tong breakfast eh."

Umupo na si andrew sa pwesto nya. Tsaka sya nagsimulang kumain. Tahimik na tahimik lang sya habnag kumakain, ako naman nag iisip ng pwede kong sabihin sa kanya para naman makapagusapa kami. Kasi kung Sya ang hihintayin kong magsalita, sigurado ako mapapanis ang laway ko kakahintay sa kanya.

"drew, masarap ba luto ko?"

"okay lang"

"ah.. Anong oras ka uuwe?"

"depende"

"depende saan?"

"basta"

Biglang tumayo si Andrew at kinuha ang bag nya. Di nya gaanong naubos yung niluto ko. Siguro hindi masarap. Pero okay lang atleast tinikman nya.hindi na ako nakapagsalita pa kasi diretso alis na sya. Ni hindi nya nga ako nilingon eh. Bah.. Mukhangmahihirapan akong manligaw kayAndrew ah. Mukhang bumabawi ang loko. Pero, ngayon ko narealize na ang sakit din pala kapag binabalewala ka ng taong gusto mong mapansin ka. Yung tipong parang wala ka lang sa kanya. Yung kulang na lang sabihin sayo na ayaw ka nyang makita at makausap. Pero hindi ako susuko. Liligawan ko sya ng bonggang bongga. Bwahaha!

ANDREW'S POV

Haaaay. Ang ganda naman ng araw ko ngayon. Ganado tuloy akong pumasoksa classroom. Wala pang gaanong tao. Pero pansin ko lang, yung iba kong classmate nakatingin sakin. Ganun na ba ako kagwapo? Haha. Umupo na ako sa pwesto ko. Malapit kasi yung pwesto ko sa bintana. Syempre nakatingin lang ako sa bintana habang nageemote. Pero masaya talaga ako! Kasi naman nag luto si Kim ng breakfast kanina! Alam ko na bumabawi sya, or gusto na nyang magkaayos kami. Yan ang gusto kong isipin pero may isang bagay na gumugulo sakin. Hindi kaya nakokonsensya lang sya sa mga ginawa nya? Na ang totoo, hindi naman nya talaga nakita yung halaga ko. Kundi dahil sa naguguilty lang sya. Kung yun lang din naman ang dahilan nya mas mabuti pang wag na lang syang makipagayos sakin.

"ay nako bakla! Ang daming gwapo dun! Kung ako sayo sumama ka na!"

"bakla, baka naman marape ako dun?!"

"echusera to, feeling mo ang ganda mo? Eh ang chaka chaka mo naman!"

Napalingon ako sa maiingay na bakla kong classmate. Oo! May MGA bakla akong kaklase ewan ko ba bakit ko sila naging classmate. Pero, okay naman sila. Mababait naman kaya lang hindi ako gaanong nakikipagkaibigan sa kanila.

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon