CHAPTER IX DEBUT

19.4K 275 41
                                    

Author's note:

Hello po sa inyong lahat! Gusto ko lang mag thank you sa lahat ng patuloy na nag babasa ng story ko, mga nag cocomment, nag vovote, nagfan. Thank you! Pasensya na rin sa mga typo errors. Baguhan lang po kasi ako.

GODBLESS!

KIM's POV

Hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kagabi, kasi ang sweet sweet ni andrew tapos nag palit pa kami ng cellphone. Ramdam ko na ako lang ang babae sa buhay nya. Naligo muna ako tsaka nag bihis, lalabas na sana ako ng mapadaan ako sa calendar na nasa table ko.

BIRTHDAY KO PALA NGAYON! It'S my 18th birthday!

Sa sobrang daming nangyari, nakalimutan ko na ang birthday ko. Umupo muna ako sa bed ko. Tapos ngumiti. Baliw lang eh noh? Hehehe ngingiti lang uupo pa. Pero seryoso, napaisip din kasi ako kung ano ang gagawin ni andrew para sakin... Syempre birthday ko ngayon eh. Malay naman natin pakiligin nanaman nya ako. Yiiie. Hihihi

"makalabas na nga."

Lumabas ako ng kwarto ko. Pagbaba ko, nakita ko si andrew sa livingroom. Nag aayos ng gamit nya. Nakauniform na rin sya. Ang gwapo talaga ni Papa 'A' hahahah.

"goodmorning drew"

Tumingin sakin si andrew tapos nag smile sya. Ang cute cute nya! Para syang aso hahaha pero yung aso na cute ha!

"goodmorning din wifey :)" tapos hinaplos nya yung pisngi ko. Tumingin sya sa wrist watch nya.

"wifey, i have to go.kaso malalate na ako eh. May exam pa kasi ako. Bye, mag ingat ka ha. Si manang rosie na pala ang maghahanda ng breakfast mo. Kailangan ko lang talaga umalis ng maaga. Kumain ka ng marami ha. Yung fresh milk nasa ref, inumin mo yun ha. Tapos may fruits din dyan kumain ka. Tapos wifey, kung gusto mo mamasyal pasama ka kay manang.wag kang aalis ng mag isa.bye wifey"

Hinalikan nya ako sa pisngi. Pero hindi ko magawang ngumiti. Nasa front door na si andrew ng bigla syang bumalik. Nabuhayan ako ng loob.

"at wag kang magpapantalon kapag aalis ka ha."

Umalis na si andrew,

"walang happy birthday?"

Kahit na ang sweet ni andrew ngayong umaga. Hindi ko magawang ngumiti at kiligin. Kasi, nakalimutan nya yung birthday ko. Yung simpleng happy birthday lang masaya na ako eh. Yung maalala lang nya yung birthday ko okay na eh, pero hindi nya naalala :((

"ang aga aga nakasimangot ka. "

Si manang Rosie.

"po? Hindi naman po eh."

"wag mo ng ikaila. Happy birthday kim"

"salamat po. Buti ka pa manang alam mo na birthday ko. Pero si..."

"pero si andrew, hindi nya naalala? Hay nako, anak baka masyado lang maraming iniisip si andrew kaya nakaligtaan nya.Pagpasensya mo na yung alaga ko."

Huminga ako ng malalim.

"ano pa nga po ba ang magagawa ko? Kundi ang intindihin sya."

Plastic din pala ako. Kasi kahit na sinabi ko kay manang na okay lang, pero deep inside.. Masakit sakin yun. Asawa mo ba naman makalimutan ang birthday mo?!

"halika na, kain na tayo. Pinaghanda kita ng agahan."

"salamat po manang."

Wala akong kibo habang kumakain. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko.

Kung mahalaga ba ako kay andrew?

Kung baby lang ba ang habol nya sakin?

Kung bakit nya nakalimutan yung birthday ko?

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon