chapter xix i love you

10.7K 234 46
                                    

hi readers! pasensya na ngayon lang nakapag update wag nyo sana akong patayin hehe.

nasa twitter din ako @xandrachill

kim's pov

hindi ko pa rin makalimutan ung sinabi sakin ni andrew kagabi.Akala nya kasi ay tulog na

ako ang hindi nya alam narinig ko ang lahat ng sinabi nya. At nabuo sa isip ko na hinding hindi ko na sya sasaktan pa. Bumangon na ako sa maganda kong kama at chineck ko ang phone ko. pagkatingin ko ay meron na akong 5 missed calls at galing lahat yun kay Jansen sigurado ako. na hinahanap na nya ako. Eto na siguro ang tamang panahon para liwanagin ko ang sitwasyon namin.

hinintay ko munang makaalis si Andrew at tsaka ako nakipagkita kay Jansen. Pag dating ko sa meeting place namin ay nanduon na sya. Habang palapit ako sa kanya ay nakita ko agad yung mga ngiti nya. ngiting masaya. Ayoko sanang gawin to pero kailangan. Para na rin ito sa ikatatahimik ng lahat.

"akala ko hindi ka na darating, tara sweety order muna tayo."

pinaghila pa ako ng upuan ni Jansen.

"ahm, Jansen hindi na ako magtatagal pa, gusto na rin kitang diretsuhin"

sorry Jansen pero kailangan kitang saktan.

"ha? what do you mean?"

tanong ni Jansen habang nakakunot ang noo.

" eto na ang huli nating pagkikita"

-tumulo yung luha ko habang sinasabi ko sa kanya ang mga salitang yan. Ayoko sanang gawin ito pero hindi dahil sa sya ang mahal ko. ayoko lang talagang saktan ang damdamin nya. Pero kung hindi ko naman gagawin to si andrew naman ang masasaktan bakit ba kasi ganito ang love? napaka komplikado.

"bakit kim? may nagawa ba akong mali sayo kaya ayaw mo ng makipagkita pa sa akin?"

nakita ko ung pamumutla ni Jansen alam kong sa mga oras na to ay nasasaktan na sya.

bago ako magsalita ay hinawakan ko muna ang kamay ni Jansen.

"wala Jansen, puro kabaitan nga ang ipinakita mo sakin eh. kaya hiyang hiya tuloy ako sayo. pero kasi Jansen. gusto ko rin kasing bigyan ng masayang pamilya ang baby ko kaya mas pinipili ko si Andrew ang daddy ng baby ko."

hinaplos kn yung mukha ni Jansen. Gusto kong kabisaduhin yung mukha nya kasi alam ko na mamimiss ko sya. Ang tagal ng pinagsamahan namin pero hindi yun Ang naging dahilan para sya ang piliin ko. Mas pinili ko kung saan ako magiging masaya at kung saan kami mas magiging masaya ni Andrew.

"Jansen i'm sorry. sorry for giving you too much pain."

ngumiti sakin si Jansen. pero yung ngiting malungkot.

"yun lang ba ang dahilan mo kaya mo pinili si Andrew?"

tapos ginulo ni Jansen yung buhok ko at tsaka tumingin sa malayo. matagal bago ulit sya nagsalita.

"okay lang Kim alam ko namang mahal mo na si Andrew kasi hindi mo naman sya pipiliin kung hindi mo sya mahal."

tumingin sakin si Jansen tapos dun ko nakita ang pag tulo ng luha nya. eto ang pinaka ayaw kong mangyari sa lahat.

"Jansen sorry talaga."

hinawakan ni Jansen ang kamay ko at tsaka ako niyakap.

"pinapalaya na kita Kim gusto kitang sumaya,at alam ko na mapapasaya ka ni andrew. at alam ko rin na aalagaan ka nya."

"salamat Jansen"

pag kasabi nya nun ay nakaramdam ako ng kakaibang saya. gusto kong isigaw sa buong mundokung gaano ako kasaya ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng malaya,

at dahil huling pagkikita na namin to ni Jansen ay namasyal muna kami sa kung saan saan. inenjoy na namin ang bawat sandali kasi alam ko na pagkatapos nito ay wala ng Jansen sa buhay ko. siguro darating din ang araw na makikipagkaibigan ako sa kanya pero hindi pa ngayon.

Pagkatapos naming mamasyal ay hinatid muna ako ni Jansen sa bahay. Pagbaba ko ng kotse ay nakita ko si Andrew. halatang halata na masama nanaman ang loob nya dahil daig pa nya amg nalugi sa negosyo kung makasimangot.

bago umalis si Jansen ay niyakap ko sya ng mahigpit. at tinapik ang kanyang balikat.. Ngumiti ako at tsaka ako nagsalita

"goodbye Jansen mag iingat ka."

tsaka umalis si Jansen. hinintay ko munang makalayo yung sasakyan ni Jansen tska ako lumapit kay andrew.

Andrew's pov

so eto nanaman? nagkikita naman sila? ganun na lang ba kadali kay kim ang lahat? ganun na kmang ba kung itapon nya ko. Ang sakit lang ha. dahil sa dinami rami ng mananakit sakin ay si kim pa. akala ko pa naman okay na kami nagkamali pala ako. umasa lang pala ako sa wala.

"grabe naman ang pagsimangot mo"

nilapitan ako ni kim at tsaka nya ako hinalikan sa pisngi. para san naman ang kiss na yun? hindi pwede to na dala dalawa kaming mahal nya! dapat mamili sya samin!

"kim, please wag mo naman na akong pahirapan pa. kung si Jansen talaga ang gusto mo sige pumunta ka na sa kanya. kung dun ka masaya hahayaan kita."

eto nanaman kami kailangan ko nanamang magparaya para sa ikakasaya ng taong mahal ko ano ba namang lovestory to?! parati na lang akong dehado!

"bakit naman ako pupunta kay Jansen eh ikaw nga ang gusto kong makasama." sabi ni kim.

"kung ako ang gusto mong makasama bakit ka nakipagkita sa kanya?"

"para magpaalam"~kim

"bakit?san sya pupunta?"-ako

"wala syang pupuntahan. nagpaalam ako kasi di na ako makikipagkita pa sa kanya kasi ikaw ang pinili ko. at kaya kita pinili kasi ikaw ang mahal ko!"-kim

parang napatanga ako sa sinabi ni kim. mahal nya ko?! totoo ba to o nananaginip lang ako? parang sasabog ako sa sobrang saya.

"m-mahal mo ko?"

tanong ko ulit. baka kasi mali lang ako ng dinig. Tapos mapahiya lang ako. Mahirap ng umasa tapos puri kasinungalingan lang naman.

"mahal na mahal kita Andrew barredo!"

totoo nga hahaha mahal din ako ni kim! sa wakas dumating din yung araw na pinakahihintay ko! at yun ay ang sabihin nya na mahal nya ako. sa sobrang saya ko ay pumunta ako sa gitna ng kalye at sumigaw

"mahal na mahal din kita althea kim!"

tapos nilapitan ko si kim at niyakap ng mahigpit na mahigpit. tapos hinawakan ko yung mukha nya

"hindi mo alam kung gaano ako kasaya. hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay na mahalin mo rin ako. araw araw pinagdarasal ko na sana piliin mo ako. thank you kim. you mean the whole world to me. i love you so much"

tsaka ko sya tinitigan at dahan dahang inilapit ko ang labi ko sa labi nya. This is the sweetest kiss ever.

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon