CHAPTER XIII CAUGHT IN THE ACT

17.8K 251 94
                                    

CHAPTER XIII CAUGHT IN THE ACT.

A/N : mahal ko kayo mga readers :)))) thank you sa inyo. Ay nga pala, wag nyo pagtulungan si Kim. Baka magalit si andrew. Sabunutan nyo na lang sya after nyang manganak. Wahahah joke lamang po.

KIM'S POV

Maaga akong nagising dahil gusto kong mag lakad lakad at syempre gusto ko rin na mapag isa. Hindi ko talaga makalimutan yung sinabi sakin ni Andrew kagabi.

"kim,please hayaan mo naman na magkaroon tayo ng masayang pamilya."

Waaaaaah!!!!! Anong ibig nyang sabihin dun?!!!!! Hindi kaya alam na nya na nagkikita na kami ni jansen?! Oh no!!!!

Andrew's POV

Medyo nalate ako ng gising dahil na rin sa mga nasabi ko kagabi kay kim. Hindi ba ako nagiging OA? Para kasing over over na ako. Baka mamaya nasasakal ko na pala si Kim.

"oh, andrew papasok ka na ba?"

Si manang Rosie na naghahanda ng breakfast.

"opo, si Kim po?"

"ay, maagang umalis maglalakad lakad lang daw muna sya."

"ganun po ba? Sige po manang alis na po ako. Kayo na po ang bahala kay Kim. Pakisabi na kumain sya sa tamang oras."

Kinuha ko na ang bag ko, palabas na sana ako ng mabangga ko yung mesa sa living room at malaglag ang cellphone ni Kim/cp ko. Ewan basta cp ko sya pero nakipagpalit kasi ako kay kim ng cp. basta yun na yun.

"napakaburara talaga ng babaeng to."

Nakita ko na mayroon syang 5 messages at 10 missed calls lahat ng yun ay galing sa isang number 0915*******

"sino naman kaya to?" bubuksan ko na sana yung messages...

"akin na nga yan andrew!!!!"

Biglang hinablot sakin ni Kim yung cellphone. Problema neto?makaagaw wagas naman.

"ang damot mo, titingnan ko lang naman eh."

"bawal!" tsaka tumalikod sakin si kim at umakyat na sa kwarto nya.

May nililihim talaga tong babae na to. At yun ang kailangan kong malaman.

"byeeeeee Wifey!!!! Papasok na ako ha!!!!!!"

Tapos sumakay na ako sa kotse ko. Pero pinarada ko lang yung kotse ko sa kung saan at nagtago sa may puno. Kung kailangang mangawit ako dito titiisin ko malaman ko lang ang sekreto ni Kim. Akala ng buntis na to makakatakas sya sakin. Di nya alam tropa ko yata si detective conan!

"bwahahahaha!" napatakip ako sa bibig ko kasi nakita ko na lumabas ng bahay si kim and this time naka dress sya at flat shoes mukhang may lakad ang isang to ah.

Maya maya lang ay sumakay na sya ng taxi. dali dali naman akong sumakay sa kotse ko at tsaka ko sinundan yung taxi na sinasakyan ni Kim. After 20 minutes ay bumaba si kim sa isang restaurant, syempre bumaba na rin ako sa kotse ko. Pumasok si kim sa loob ng restaurant at umupo sa isang table. Panay ang tingin nya sa phone nya. Malamang na may hinihintay to.

Ako naman pumwesto sa dulo. Pero syempre tanaw na tanaw ko pa rin si Kim.

Aminado ako na kinakabahan ako, hindi ako kinakabahan na mahuli ako ni Kim na sinundan ko sya. Kinakabahan ako na malaman kung sino ang katagpuan nya.

Nagdadasal ako na sana kaibigan nya lang or ate nya lang kikitain nya sa restaurant na to. Sana nga....

Napatingin ako sa pagbukas ng Pinto ng Restaurant at nanigas ako sa kinauupuan ko ng makita ko kung sino ang dumating

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now