Chapter VII Andrew's girl?

24K 228 28
                                    

Si barbie --->>>

Andrew's POV

4am pa lang gising na ako. Kahit na antok na antok na antok na antok pa ako, pinilit ko pa ring bumangon. Pero, 8am pa naman ang klase ko. Gumising lang ako ng maaga kasi ipaghahanda ko ng breakfast si Kim. hindi kasi ako magaling mag luto kaya kailangan kong gumising ng maaga para kung sakali na magkamali ako. Mauulit ko para naman maayos ang ipapakain ko kay Kim.

"andrew! Naku kang bata ka. Ako na ang magluluto!"

Gising na si manang Rosie.

Tama naman eh, kung tutuusin kaya naman ni manang rosie ang magluto. Actually, trabaho to ni manang Rosie. Pero, dahil para to sa asawa ko... Ako ang magluluto.

"okay lang ho manang. Kayang kaya ko na ho ito."

Habang piniprito ko yung bacon.

"ewan ko ba naman kasi sayong bata ka, at bakit ka nag asawa ng maaga."

"nandito na po ito eh, wala na po akong magagawa."

"oh sya, maglalaba muna ako." Binitbit na ni manang ang basket na may laman na mga maruruming damit.

Ang hirap palang mag luto. Natatalsikan ako ng mantika sa noo, sa kamay, sa mukha. Ang kalat kalat pa ng table. Dagdag pa na nahiwa yung daliri ko ng kutsilyo. Sobrang hiraaaap! Gusto ko na nga lang ipatapos ito kay manang. Pero, kapag naaalala ko na para to kay Kim.

Ginaganahan ako.

Tumingin ako sa wall clock. Shemay! 6:30 na pala! Malalate na ako! Binilisan ko ang kilos ko.para na nga akong service crew sa isang fastfood chain sa sobrang bilis kong kumilos.

"goodmorning :) mukhang masarap yang niluto mo ah"

Gising na si kim. Nakapantulog pa sya tapos gulo gulo ang buhok pero kahit ganun.. Ang ganda nya pa rin.

"ah, gising ka na pala. Maupo ka na kim. Ready na ang breakfast."

"sumabay ka na sakin andrew." umupo na si kim sa pwesto nya.

"sige kim, kumain ka na. Aayusin ko pa kasi tong mga kinalat ko tsaka malalate na rin ako eh. "

Tatalikod na sana ako ng bigla syang magsalita.

"yiiiiie... Niluto mo lahat to para sakin???? Love mo na ako noh?" Sabi ni kim na nag simula ng kumain.

"kapal mo naman. Kaya ko ginawa yan para sure ako na kumakain ka. Para rin naman sa baby natin noh. Atsak-"

"hahahaha! Tama na drew! Ang dami mo namang sinabi." Nagpatuloy sya sa pagkain.

"infairness ha. Masarap." Salamat naman at nagustuhan nya.

"thank you, ah. Kim sige maliligo na ako. Kumain ka ng marami ha."

Tsaka ako pumunta sa room ko at hinanda ang pampaligo ko.

KIM'S POV

alam kong nahihirapan na si andrew. Pero kinakaya nya lang. Sa totoo lang, hindi masarap yung niluto nya. Yung bacon halos masunog na. Yung soup sobrang alat. Yung corned beef matabang. Pero kahit ganun. Pinilit kong kainin at sinabi na masarap ang luto nya. Kasi, alam ko na pinaghirapan nya to. Kitang kita ko sa mukha nya. At syempre..ayoko syang masaktan.

"oh, bakit di kayo magkasabay ni andrew kumain?"

Tanong sakin ni manang rosie.

"naliligo na po sya eh. Malalate na daw po kasi sya sa school."

"ganun ba. Grabe naman yang batang yan. ang tigas talaga ng ulo. Sabi ko sa kanya ako na lang ang magluluto para hindi na sya mahirapan eh. Alas-kwatro pa lang gising na sya."

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon