CHAPTER XXV A DAY WITH HIM

10K 187 25
                                    

A day With him..

A/N pasensya na sa update ngayon. Wahaha. Bawi ako next chapter. Naiinis kasi ako eh, hahaha. Pero gusto kong mag update . Pampawala lang ng inis. :D

KIM'S POV

Nandito pa rin kami sa Pagudpud Beach, isang magandang umaga ang sumalubong sa akin. At syempre ang gwapong mukha ni Andrew. Sa totoo lang, kanina pa ako gising pero tinatamad pa ako bumangon kasi tinitingnan ko si Andrew habang natutulog, ganito pala yung pakiramdam na pag gising mo eh mukha ng asawa mo ang una mong makikita. Ang sarap pala sa pakiramdam. Pinagapang ko yung daliri ko mula sa noo, kilay papunta sa ilong at sa labi ni Andrew. Ang gwapo nya talaga. Hinding hindi ako magsasawa na makita sya sa tuwing umaga.

Gumalaw si Andrew at tumingin sa akin, tapos ay ngumiti sya sa akin ng ubod ng Cute. Parang puppy lang.

"I Love you.."-andrew

Tapos ay yumakap sa akin si Andrew. Humalik ako sa noo ni Andrew, at tsaka ko sya niyakap ng mahigpit. Siguro ilang minuto rin kaming ganoon. Walang imik, basta magkayakap lang kami. Parang ayaw ko ng matapos ang araw na to, punong puno pa rin ng saya ang puso ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na okay na ang lahat.At hindi ako makapaniwala na sa kabila ng lahat ay nasa tabi ko pa rin si Andrew.

"hubby.."-ako

"hmmm?"-andrew

Mas humigpit pa ang yakap sa akin ngayon ni Andrew.

"kurutin mo nga ako."-ako

"ha?bakit ko naman gagawin yun?"-Andrew

"Kasi baka nananaginip lang ako eh, baka lahat ng saya na nararamdaman ko ay puro panaginip lang. Kaya sige na kurutin mo na ako."-Ako

"Kim, hindi ka nananaginip eto nga oh, nakayakap ako sayo. I love you, I love you, I love you, I love you."-Andrew

"Andrew naman eh, sige na kasi Kurutin mo na ako. "-Kim.

"gusto mo talaga ng kurot?"-andrew.

Biglang bumangon sa higaan si Andrew tapos ay tumingin sa akin, Tingin na nangaakit. Napabangon ako sa higaan at nagsumiksik sa headboard ng kama. Bakit ganito ang inaarte ng taong to? Ano kayang binabalak nya? dahan dahan na gumagapang papalapit sa akin si Andrew.

"A-andrew.. Anong gagawin mo? Pwede ba? Wag mo akong titigan ng ganyan. Tsaka lumayo ka nga sa akin."-ako

Tinakpan ko yung bibig ko ng kumot. Pero nakatingin lang sa akin si Andrew. Sa bawat paglapit nya ay bumibilis ang pintig ng puso ko. Parang anytime ay ready ng sumabog. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Sa totoo lang.. Kinikilig ako. At the same time ay kinakabahan.

"di ba sabi mo kurutin kita?"-Andrew

Mas lumapit pa sa akin si Andrew at tinanggal nya yung kumot na humaharang sa labi ko. Sobrang lapit na sa akin ni Andrew. Hindi na ako makakilos, pati paghinga ko ay pinipigilan ko na. Bakit ganito ang ginagawa mo sa akin andrew? Sa sobrang hiya at kilig na nararamdaman ko ay nagtalukbong ako ng kumot. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Andrew. Akala ko ay ititigil na ni Andrew yung pangungulit sa akin pero nagkamali ako, dahil pumasok din sya sa kumot. Ngayon ay nakatitig nanaman sya sa akin.

"hindi mo ako matatakasan Wifey."-Andrew

Dahan dahan ay yumakap sa akin si Andrew at bumulong sa tenga ko,

"I want to kiss you"-andrew

Nakilit ako sa labi ni Andrew na dumikit sa tenga. Waaah! Feeling ko namumula na ako. Namumula na ako sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Hinalikan akoni Andrew sa Noo.. Tapos sa Ilong.. Papunta sa magkabila kong pisngi hanggang sa Labi. Nakaramdam ako ng kakaibang init ng dumampi yung labi ni Andrew sa labi ko. Hooo! Bukas naman yung aircon pwro bakit ganito kainit! Hahalikan pa sana ako ni Andrew ng biglang..

"Andrew, Kim. Gising na mag breakfast na tayo."

Narinig namin ni Andrew yung boses ng mommy nya. Ganda ng timing ni Mommy. Nandun na eh, sayang naman oh. Hahaha. Di bale next time na lang.

"kainis di pa natuloy. Tara na wifey breakfast na tayo. "

Tumayo na si Andrew at nagsuot ng tshirt. Nagpunta muna sya ng Cr kaya naiwan ako ngayong mag-isa. Ang init pa rin ng nararamdaman ko. Parang gusto kong maligo sa swimming pool na punong puno ng yelo. Nakakahiya, bakit ganito katindi yung nararamdaman ko? Bakit ayaw mawala nung init sa katawan ko? Naaaah! Kainis!

Bumangon na lang ako sa higaan at nagayos na rin ako ng sarili ko.

ANDREW'S POV

Kumakain kami ngayon kasama ang buong family. Ang dami na naming napagkwentuhan.. Tulad ng pagbalik ni Kim sa school kapag nakapangak na sya, pati kung ano ang ipapangalan namin kay baby. Pero hindi pa nga namin alam kung anong gender ni Baby eh. Pati na rin yung mga negosyo ng pamilya namin ay napag usapan na rin namin. May mga pagkakataon pa nga na nag aasaran sina mommy at daddy. Tapos napikonnsi mommy kaya ayun todo suyo si Daddy. Kinuha ko yung momment na yun para masolo si Kim. Hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming lumayo saglit sa pamilya namin. Gusto ko lang makausap ang asawa ko.

"wifey, gusto ko pag lalaki yung anak natin Andrei ang ipapangalan natin sa kanya tapos kapag babae.. Hmm.. Kimberly. "

Tumingin sa akin si Kim. Yung tingin na nagtataka.

"bakit parang ang lungkot naman ng boses mo dyan? Diba dapat masaya? May problema ba andrew?"

Hinawakan ni Kim yung pisngi ko at tsaka sya yumakap sa akin. Ewan ko rin eh, di ko alam sa sarili ko kung bakit bigla na lang nagiba ang mood ko, pakiramdam ko kasi ayoko ng malayo kay Kim at sa magiging anak namin. Pero may pakiramdam ako na darating ang araw na magkakahiwalay kami. Hindi ko alam kung bakit at kung kailan. Bigla akong nakaramdam ng takot.

"wala namang problema, sana.. Maging kamukha ko yung magiging anak natin. Para kapag wala na ako.. Maaalala mo pa rin ako, at sana lumaki syang mabait na bata."

"Andrew, ano ba yang sinasabi mo? Bakit ka naman mawawala? Tigilan mo na nga yang pag eemo mo dyan.Tara! Higa tayo sa buhangin!"

Pero bago ako humiga ay may isinulat muna ako sa Buhangin.

I LOVE YOU KIM.

Tapos ay nagsulat din si Kim sa buhangin

I LOVE YOU TOO ANDREW.

Niyakap ko si Kim, tapos ay hinalikan ko sya sa noo pagkatapos ay sa labi. Kasabay ng malakas na hangin ay ang malakas din na pagmamahal ko para sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Kim at tsaka ko ito hinalikan.

"Thank you kim, thank you for making me happy. Thank you for coming into my life. Hindi man ako ang ideal husband for you. But I'll do my best just to make you happy. Kahit na buhay ko ibibigay ko sayo maprotektahan lang kita at ang magiging anak natin. Kim, itsumademo issho ni itai.. Aishiteru." ( I want to be with you forever..I love you)

Niyakap ko si Kim ng mahigpit na mahigpit. Pangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat maging mabuting asawa lang kay Kim. At sabay naming tutuparin ang aming mga pangarap.

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon