Chapter 50

32.2K 845 54
                                    

Magkasalubong ang mga kilay na tiningnan ni Mia ang sulat na ipinadala ni Josh sa kanya. She just received it early in the morning. When the maid told her that a parcel for her had arrived, she was skeptical. Hindi niya kasi inaasahan iyon. Josh did not mention the package to her. In fact, kaka-receive lang din niya ng text mula rito, informing her that he already had the check. He was asking if he would send the check to her, or if she was coming back to Iloilo. Sinabi niyang uuwi siya.

Binuksan niya ang parcel. Isang brown envelope ang laman niyon at nakatuping papel. Malakas ang tahip ng kanyang dibdib habang hawak ng mga kamay ang envelope. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang master's bedroom. Doon niya babasahin kung ano ang laman ng sulat. Wala si Micheal at pumasok na sa resort. Naiwan siya sa mansion. She shut the door behind her when she slid in the master's bedroom. She walked to the couch. And as soon as her butt sank in the soft seat, she opened the folded paper. Binasa niya ang nakasulat sa nakatuping papel at nalamang sulat-kamay iyon ni Josh.

Mia,

I'm sorry. I was supposed to give Tita Gilda's letter to you the last time we saw each other in Jasmin Mountain Resort, but it slipped from my mind. I was in a hurry to leave and catch a flight back to Iloilo. Pardon my recklessness. So I just sent you Tita Gilda's letter instead.

Iyan ang huling sulat na ibinigay sa akin ni Tita Gilda bago siya namatay. Mahigpit ang bilin niya na saka ko lamang iyan ibibigay sa iyo kung natagpuan mo na ang iyong tunay na ina.

The envelope was sealed when she handed it to me for safekeeping. It's still sealed up to now.

Let me know if you need any help. I'm just a phone call away.

Always,

Josh

Her eyes darted at the brown envelope that she placed on the mahogany side table. That was Gilda's last letter for her. Na-curious siya kung ano ang laman niyon. It must be something important. Muli niya iyong dinampot at binuksan, hinugot ang nakatuping papel na laman niyon. Nahigit niya ang hininga nang maalala ang taong nagpalaki sa kanya. The woman's death was a great loss for her. And she wrote her a letter. What for? Binuklat niya ang nakatuping papel. She recognized the familiar handwriting. It was indeed Gilda's.

Mia, anak,

Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa iyo. Bago ang lahat ay humihingi ako ng kapatawaran. Alam kong naging makasarili ako. I deprived you of your right to meet your real mother and even hid you from her. I've done things out of selfishness, and fear that Jasmin will take you away from me. Right now, I am asking for your understanding.

Hindi rin naging madali sa akin ang lahat, Mia. Alam mo namang higit pa sa isang tunay na anak ang turing ko sa iyo. Sa nakalipas na mga taon ay tayong dalawa ang naging magkasama. Umikot sa iyo ang mundo ko at gayun din ikaw sa akin. At hindi ko kayang tanggapin na darating ang araw na mawawala ka sa akin.

Nang makilala ko si Jasmin sa pinagtatrabahuan kong ospital sa Iloilo, naawa ako sa kalagayan niya. She was so young and confused. Sa loob nang maikling panahon ay naging malapit ang loob namin sa isa't-isa. Ikinuwento niya sa akin ang buhay niya at humingi ng payo. I gave her all the motherly advice I can give.

Galing sa isang napakakonserbatibong pamilya ang iyong ina. Nang mabuntis siya nang maaga nang hindi pa kasal ay hindi matanggap ng pamilya at itinakwil ang iyong ina. She ran to Isagani, your father, na napilitang tanggapin si Jasmin dahil sa maselang kalagayan. Nag-aaral sa parehong unibersidad sa Cebu ang iyong ama at ina nang magkakilala at naging magkasintahan. Si Isagani ay taga-Iloilo samantalang si Jasmin ay taga-Bohol. Bagama't pinanagutan ni Isagani ang nangyari kay Jasmin, tutol dito ang mga magulang nito dahil natigil sa pag-aaral si isagani na siyang panganay na anak. Nagsama sila hanggang sa kapanganakan ng iyong ina. Hindi naging madali ang lahat kay Jasmin dahil mahirap pakisamahan ang mga biyenan ngunit nagtiis siya. Katunayan, nang manganganak na ang iyong ina ay tanging si Isagani lamang ang naghatid sa kanya sa ospital. Ngunit kaagad din itong umalis.

Until Forever (Published!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon