YOUTH 39

123 12 0
                                    

Jeuness P.O.V

Nang dumating ang alas diyes ay nagpaalam ako kay Lennon na magccr lang kanina pa kasi kami naglalakad at nagiikot nakakapagod naman. Pinili kung pumunta sa banyo nang mga Senior High dahil may gusto din naman akong makita kanina pa dapat ako nakarating kung hindi lang ako hinila ni Lennon at hindi na ulit niya binitawan ang hawak niya sa kamay ko.

Matapos kung gumamit nang banyo ay hindi muna agad ako umalis parang bigla ginanahan akong mag ayos ngayon. Binuksan ko ang bag ko atsaka kinuha ang maliit kong kikay kit sa bag ko na naglalaman lang nang isang pulbo at liptint meron din naman akong lip balm pag feeling kong dry ang labi ko. Naglagay lang ako nang kaunting pulbo para maalis ang pagka oily nang mukha ko at lip tint dahil namumutla nanaman ang labi ko inayos ko din ang buhok ko hinayaan ko itong maging buhaghag sa likod ko atsaka ako tumingin sa salamin para makita ang kabuohan ko.

Nakasuot lang ako nang floral na maroon dress na hindi naman masyadong masikip tama lang para makita na may korte din ang katawan ko hanggang tuhod ito kaya naman komportable naman ako at pinaresan nang black na dollshoes.

Pagkatapos ko ay nilakad kuna ang daan kung saan ko balak na pumunta ngayon. Hindi naman siguro mawawala si Lennon doon kung hindi kuna siya babalikan doon at pupunta na ako sa room 28 kung saan kailangan kong pumunta dahil na rin sa pagbabanta ni Angel sa akin at may nagtext pa kaya mukhang importante iyon.

Nadaanan kuna ang room 18 sa first floor kaya malamang ay sa second floor na siguro ang room na iyon. Hindi ako masyadong napaparito kaya hindi ko kabisado ang mga room dito dahil na rin siguro para sa mga senior lang to. Pag akyat ko ay doon ko na nga nakita ang room 20 kaya mas lalo akong ginanahan na maglakad pa dahil pakiramdam ko talaga ay malapit na ako. Habang naglalakad ako ay unti unti akong nakakarinig nang ingay mula sa mga room dito pero hindi ko alam kung saan dahil ang lahat naman ay nakasarado ang mga pintuan. Tumigil ako sa number 27 na room na ang katabi ay ang pakay ko kung bakit ako nandito at ngayon ay alam kuna kung saan nang gagaling ang ingay na kanina ko pa naririnig.

"Ayusin  mo naman kasi ang paglagay,nakakainis ka" sigaw na boses nang babae.

"Ito na kaya ang maayos kong gawa" sagot naman nang isang lalaki.

Mukhang nasa loob sila ngayon nang room 27 dahil malinaw ko silang naiintindihan. Nagtiyaga akong tumayo sa harap nang room na iyon habang hinihintay na mag eleven.

10:30

10:40

10:50

Ang bilis talaga nang oras pag hindi mo napapansin pero pag binabantayan mo naman napakatagal. Tumayo na ako nang tuwid at inayos ayos ang damit ko at ang buhok ko. Saktong mag eeleven nang dahan dahan akong lumapit sa pintuan para sana buksan na iyon nang may bigla nang may bumukas dito nasa gilid ako kaya hindi ko nakita ang mga mukha nang mga lumabas galing sa loob.

"Hay,ewan ko nalang talaga kung hindi niya ito magustuhan nagpakahirap tayong gumawa nito no" tugon nung babae.

Nacurious ako bigla kaya dahan dahan akong sumilit at nagulanta ako nang makita sila.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO" gulat kong sigaw sa kanila. Paano ba naman ako magugulat kung makikita ko sila Ramsey,Nathan,Alavara,Vesper,Meynard,Ethan,Cherry at si Angel ang lumabas ang akala ko ay may kanya kanya silang mga lakad kaya bakit sila nandito LAHAT.

Ang mga loko nagkatinginan lang sa bawat isa at sunod sunod na naglakad na talaga naman nakapila pa at iniwanan akong wala man lang sagot. Nang hindi kuna sila makita ay dahan dahan akong naglakad para pumunta sa harapan ng pintuan sinilip ko ang loob pero madilim lang ang loob nito. Hinakbang ko ang mga paa ko na nakapikit ang mga mata baka may bigla nalang akong makita dito matatakutin pa naman ako. Binuksan ko ang isang mata ko para sumilip madilim parin naman ang kailangan ay buksan ang ilaw kaya yun naman agad ang sinunod kong ginawa pero hindi pa man ako nakakahakbang nang bigla nalang bumukas ang ilaw at dahil sa sobrang gulat ko ay namulat ko ang mga mata ko.

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now