YOUTH 2

360 24 16
                                    

Jeuness P.O.V

Mag isa akong nakatayo ngayon sa stadium nang school  saan nagaganap ang mga sport event.Hindi naman ito kalakihan may nakapalibot na mga upuan sa buong stadium kaya magandang manuod pag may event sa gitna naman ay may nakalagay na stage kung saan nakaukit ang buong pangalan nang school.

Iniwan ako nang mga magagaling kong mga kaibigan para sabayan yung tubol na nireto nila sa akin. Pwede naman akong tumakas kung hindi lang nila tinakbo ang bag ko nang mga sira ulo kong kaibigan ibibigay daw nila doon sa lalaki para wala akong takas. Way na din siguro para makilala ko agad kung sino siya.

Nabubulok na ako dito sa gilid nang may mahagip ang aking mata na lalaki na hindi naman katangakaran na nakasuot din nang uniform namin habang suot suot  ang aking bag sa kanyang harapan. Kahit na malayo pa siya ay kitang kita na kung gaano kalakas ang kaniyang karisma at kagwapuhan.

Ewan ko ba medyo malabo na ang mga mata ko pero pag may gwapo lumilinaw bigla.

Nilibot niya ang kaniyang mata mukhang hinahanap ako kaya ako na ang lumapit sakanya gusto ko nang umuwi para maabutan ko pag yung naghihihaw sa amin.

Tumigil ako sa kaniyang harapan kaya bigla siyang napatigil at napatingin sa akin. Nagkita ang aming mga mata kaya nahiya ako bigla  nagkatitigan kami nang ilan pang minuto nang ako na mismo ang nagsalita.

"Pwede kuna bang makuha bag ko" tanong ko sakanya pero wala man lang itong sinagot pero nakatingin parin ito sa akin.

Iniisip ko tuloy kung meron ba akong dumi sa mukha o kaya naman may mali sa mukha ko,bakit kanina pa siya nakatingin sa akin.Ngayon lang nakakita nang babaeng maganda.

"Kuya" pagtatawag ko sakanya.

Pumikit muna ito at umiling bago nagsalita. BALIW

"Cordin" sabi niya habang nakalahad ang kamay.

Tignan mo itong lalaking to bag ko lang ang kinukuha ko tapos ngayon nagpapakilala. Ayaw ko naman maging bastos kaya naman tinangap ko at nagpakilala na din.

"Jeuness" tugon ko.

May taste din pala ang mga loka-loka yun sa mga lalaki ang akala ko kanina mga tambay sa kanto lang ang kilala nila meron din palang mga gwapo.Oo na gwapo na siya sa kurte palang nang kaniyang mukha makikita muna na perfect ang shape ang mga kilay niya na di naman kakapalan na dinaig pa ako dahil nakaayos ang mga iyon,ang ilong niyang matangos mga matang akala mo may magnet dahil pag nagkatinginan kayo mahirap nang kumawala.

Agad kong binawi ang kamay ko.

"Pwede ko naba makuha bag ko?" Tanong ko ulit sakanya na agad naman niyang binigay.

Nginitian niya ako bastos man pero iniwan ko siya dahil agad na akong nagsimulang maglakad.

"Akala ko ba sabay tayo" panghahabol niya na nakahawak pa ngayon sa necktie niya.

"Oo ito na nga" tugon ko na tinuon nalang ang tingin sa dinadaanan namin.

Medyo kaunti nalang ang mga naglalakad dahil kanina pa naman ang uwian. Dinaig pa namin ang may patay sa sobrang tahimik namin dalawa.

Nakasunod lang siya sa akin na halos hindi naman kalayuan sa akin habang ako ito iniisip kong anong ulam namin mamaya.
Atsaka wala naman sinabi sina Ramsey na kakausapin ko siya ang sabi lang sabay kami.

"Friend ka nila Alvara" sulpot niya bigla sa tabi ko kaya medyo napaurong ako.

Tss.

"Oo,sila ba nagpakilala sa akin?" Tanong ko kahit na halata naman dahil wala naman mang bubugaw sa akin kung hindi sila lang.

"Friend ko boyfriend niya,bigla kang nakwento na single kapa daw." Tugon niya.

"Oo,ikaw single pa?" Tanong ko sakanya pero ayaw kong magmukhang na interesado ako sakanya no wala lang talaga kausap ngayon.

Mahina siyang napatawa"Hindi ako sasabay sayo ngayon kung alam ko na may magagalit" tugon niya.

So meaning single pa nga siya tumango tango nalang ako.

Mahirap nang maniwala sa panahon ngayon lahat nang lalaki mabubulaklak ang mga bibig,kaya ka nilang paibigin sa kanilang mga sinasabi kaya be alert sa mga manloloko.

"Sa gwapo mong yan walang magagalit,wag ako" birong tugon ko sakanya pasalamat siya na hindi ako sanay sa tahimik kaya dadaldalin ko siya ngayon.

"Hahaha. ayaw mong maniwala na single pa ako" tugon niya.

Tumango ako "Imposibleng single ka"tugon ko.

Mahina siyang napatawa kaya agad ko siyang tinignan nakita ko nanaman tuloy ang mukha niya habang nakangiti. Di ko mapaliwanag pero ang ngiti niya talagang nakakaloka mas lalong lumiliwanag ang mukha niya.

"Hindi ako katulad nang mga ibang lalaki jan na manloloko at g*go ibahin mo ako"seryosong tugon niya.

Hindi ka nga ba iba sa kanila.

Daldal lang siya nang daldal habang naglalakad kami parang hindi siya lalaki dinaig pa niya ako sa sobra niyang ingay at daming tanong. Balak atang niyang gawan ako nang Bio-data sa kung ano anong tinatanong tungkol sa akin.

"Pag ba niligawan kita sasagutin mo ako?" Biglang tanong niya kaya napatigil ako.

Tignan niyo na hindi siya iba sa mga lalaking kakilala ko alam ko na ang susunod na itatanong niya pag sinabi kong pwede niya akong ligawan.Itatanong niya"So tayo na".

"Tutok muna ako sa pag-aaral,hindi kami mayaman kaya mahalaga na makapagtapos ako nang pag aaral." Tugon ko.

Muli nanaman siyang tumawa.Kanina ko pa napapansin na palatawa itong lalaking ito kanina pa tumatawa eh.

"Hindi naman kita bubuntisin eh," tugon niya.

Agad siyang nakatanggap nang hampas sa akin. Kahit na ngayon palang kami nagkakilala tatamaan ka talaga sa akin.

"Apaka bastos mo" nakadikit kilay kong tugon sakanya.

"Bakit?,pwede ka parin naman makapag aral habang nililigawan kita atsaka hindi naman ako magiging sakit nang ulo" tugon niya na may panguso nguso pang nalalaman mukhang baboy.

"Alam mo pa sa akin" tugon ko na aambangan nanaman sana siya nang hampas pero agad siyang nakaiwas syempre hindi ako sumuko inabot ko siya at dali dali siyang hinampas.

Hindi ko na siya pinansin hanggang makarating kami sa sakanyan papunta sa barangay namin.Ayaw ko man siyang pansinin pero bastos ko naman kung hindi ako magpapaalam sakanya.

"Uwi na ako"walang ganang tugon ko.

"Ingat ka ah,atsaka bukas pala magsisimula na akong manligaw sayo kaya mag ingat ka sa pag uwi." Tugon niya sabay takbo paalis.

"Hindi pa ako pumapayag" sigaw ko.

Tumawa lang siya tapos wala na finish na nawala na siya dahil na din sa daming tao.

Sira ulo sino ba siya para ligawan ako na hindi pa ako pumapayag atsaka FYI hindi pa ako nagpapaligaw sa kahit sino. Tingin ko nagbibiro lang yun.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora