YOUTH 21

108 23 0
                                    

Jeuness P.O.V

Ang mga araw na kasama ko si Cordin ay mga araw na masasabi kong napakaganda at pinakamasaya sa aking buhay. OA man pero iba ang nabibigay na saya niya sa akin,marami akong mga hindi nararanasan na ngayon ay nararanasan kuna kasama siya katulad nalang ngayon alam kung masamang na magsinungaling pero nagagawa ko.HAHA!

Wag na wag niyo akong gagayahin na ang paalam sa magulang ay gagawa nang project pero diretso Mall para gumala bawal yun.

"Saan ang sunod natin?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa paligid namin para naman makapag isip kung saan ang sunod naming pupuntahan.

Nandito kami ngayon sa loob nang  Watson para bumili nang kung anong anik-anik niya kasama na din ako. Alam ko na maiintindihan niyo naman ako kung kayo ay babae parang second house na natin ang Watson.

"Hmmm,window shopping" suggest ko sakanya window shopping muna dahil wala pa akong allowance para bumili hanggang tingin muna tayo ngayon.

Kunot noo niya akong tinignan.

"Bakit naman tayo magwiwindow shopping kung pwede  naman tayong bumili" nakangiting tugon niya sa akin.

Agad akong umiling wala akong dalang pera ayaw ko na ginagastusan ako kung kaya ko naman bumili nang mga iyon hindi nga lang ngayon.

"Wag na pwede naman na maglibot nalang tayo eh pampalipas oras lang." Tugon ko sakanya wala na akong pera dahil sa mga binili kung ito na mga skincare.

Skincare is life.

"Ako na ang bahala" sabi niya sabay hila sa akin kung saan.

Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon basta nagpapahila lang ako sa lalaking ito.

Tumigil kami sa isang clothing store na hindi kalayuan kung saan kami kanina. Maraming mga nakadisplay na mga magagandang damit habang ang interior nang store ay kumikinang sa mga ilaw na nakasabit sa labas kaya kahit sino ay maaatract na pumasok dito.

"Iiwan muna kita dito babe may pupuntahan lang ako saglit." biglang tugon niya sa likod ko. Tinignan ko siya agad.

Hindi na ako napagsalita pa dahil ang loko ay umalis kaagad kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa store kahit na wala naman akong balak na bumili baka bumalik siya dito.

Binati ako ni ateng sales lady pagpasok ko nakayuko tuloy akong naglalakad sa hiya.

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa kakatingin sa mga damit. Busog na busog na nga ang mga mata ko kakatingin mas lalong tumatagal naghihinayang tuloy ako.

Busy ako sa kakatingin nang may bigla nalang nagsalita sa likuran ko.

"Magaling nagpaalam  kay Tita na gagawa nang project pero nandito" biglang tugon ni Lennon sa likuran ko kasama sina Alvara na nasa likod na nasa tabi niya.

Tinignan ko sila nang masama bago ako ako magsalita.

"Bat niyo alam ah?" mataray kung tanong sa kanila.

Bigla nalang ako nilapitan ni Alvara sabay sapak sa akin sa ulo.

"Yawa ka tumawag si Tita tinatanong kung nakarating ka nadaw ba sa bahay. Pasalamat ka mabait ako sinabi kong nasa bahay ka." sabi niya na nakakrus pa ang mga kamay.

"Edi tenkyu,kayo bat kayo nandito?" Siga kung tugon sa kanila.

"Ano sayo itong Mall ah" tugon niya sa akin.

Inikutan ko nalang sila nang mata at bumalik na sa kakatingin sa mga damit. Habang sila naman ay hindi parin umaalis dito may balak pa yatang samahan ako.

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now