YOUTH 10

162 19 0
                                    

Jeuness P.O.V

"Siraulo kaba" inis kong tugon sakanya.

"Ang daya mo naman yun nga ang deal kung matalo ka sa nga games na lalaruin natin sasakay ka sa may carousel." tugon niya sabay turo doon sa may Carousel na pambata. Sira nalang ang sasakay pang matanda jan hindi lang dahil pambata pero dahil mas malaki pa siya kaysa sa Carousel parang ginawa lang talaga para sa mga 10 hanggang pababang edad na bata.

"Paano pag ikaw ang natalo sasakyan mo yung oh" pagtuturo sa mga nakahilerang maliliit na kotse na para lang sa mga 3 or 5 years old yung kotseng gumagalaw lang. Kung tutuusin pwede pa ang one years old dahil pwede naman siyang hawakan.

"Cge deal hindi naman ako magpapatalo" tugon niya at nilahad ang kamay na agad kong tinangap.

"Deal" tugon ko. Hindi rin naman ako magpapatalo no.

Matapos nun ay sabay kaming pumunta sa may counter para bumili na nang token pero ang kuya niyo galante dalawang card ang bili. Agad niyang binigay sa akin ang isang card.

Una naming nilaro ang  Mortal kombat Arcade Machine kong saan may kalaban kami. Dinikit kuna ang card ko doon sa iscanning para makapagsimula na ako.

Ginamit ko ang kapangyarihan nang mga kamay ko pero natalo ako gusto ko pang magtake two pero hindi na pumayag ang loko. Patalon talon pa ng malamang natalo ako dahil panalo siya.

Ang pangalawang nilaro namin ay Mario Kart at sa pagkakataon namin na ito ay ako ang panalo kaya todo talon din ang lola niyo.

"1-1" tugon ko.

Hindi niya ako pinansin at pumunta nalang sa may driving game. Pikon siya dahil natalo dali dali akong pumunta doon at nagsimula na din. Bago ako nagstart tinignan ko muna siya.

"Kung sino ang maunang makapunta sa finish line siya panalo" tugon ko. Tumango lang siya kaya nagready na din ako hinawakan kuna ang manibela kahit na wala akong alam sa pagmamaneho ay siguro naman siya din.

Nagsimula na kami at focus na focus kaming dalawa kaya diko makita kong nasaan na siya habang ako naman ay bangga dito bangga doon hindi pa ako nakakalayo layo. Pinagpatuloy ko parin ang pag ikot ikot nang manibela nang marinig ko ang sigaw ni Cordin na kinagulat ko.

"I won" sigaw niya. Tinignan ko ang monitor nasa finish line na nga siya habang ako ay hindi pa nakakalahati ang daan. Sabi ko nga wala akong pag asa pag tungkol sa driving eh buti nalang laro lang baka pag sa totong buhay kanina pa ako tigok.

"1-2" tugon niya na nakangiti. Ang kaninang inis ko ay napawi agad paano ba naman ang ngiti nang lokong ito.

Ang paghuli naming nilaro ay ang basketball na alam ko naman na hindi ako nanalo may rule kasi kami na 1 meter distance doon sa court kaya ang ending siya ang nanalo.

"Ang daya mo" ngusong tugon ko.

"Bakit?Lumaban ako nang batas ah" tugon niya sa akin.

"May palaman laman kapa kasing 1 meter distance eh" inis kong tugon.

"Wala ka nang magagawa. Tara na punta na tayo doon sa Carousel" tugon niya sabay hila sa akin palabas.

"Wait lang akala ko nagbibiro ka lang" tugon ko habang nagpupumiglas umupo ako para di kami makalakad pero ang loko mabilis na kinuha ang isa ko pang kamay at doon na ako hinila papunta sa may Carousel.

"Baka masira ko lang yan,mas mabigat at mas mataas pa ako kaysa doon sa sasakyan kong kabayo" tugon ko. Mukha wala na talagang makakapigil sa lalaking ito dahil hila hila niya ako ay nagmumukha tuloy akong batang ayaw umuwi kinakaladkad lang buti nalang ay madulas ang tiles kaya medyo naenjoy ko din.

Tinapat na niya ang card niya doon sa iscanning at doon na bumukas ang gate nang Carousel. Wala din mga batang sumasakay dito kaya mas lalo ako nahihiya.

Tinignan ko siya "Sigurado kang gagawin ko to?" tanong ko sakanya.

Tumango lang ang loko kaya wala na akong nagawa dahan dahan akong sumakay sa Carousel habang nakayuko dahil sa hiya. Masyadong maliit ang kabayo kaya nakatapak pa ang mga paa ko sa sahig kahit na nakaupo na ako.

Tumunog na ang Carousel na udyat na para magsimula na siya umiikot na siya kaya marami na ang nakakakita sa akin dahil mag isa lang akong nakasakay dito.

Napataas ako nang ulo nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Jeuness" pagtatawag niya. Kasunod nun ang sunod sunod na pagclick nang camera niya tawang tawa pa ang loko gaganti din ako sayo humanda ka.

Nang huminto na ay agad agad akong umalis at sinuntok sa tiyan si Cordin.

"Walang hiya ka" tugon ko.

"Bakit ang cute mo nga doon eh" patawa tawang tugon niya sabay pakita nang kuha niya proud pa ang loko.

Sa unang picture ay nakanganga ako dahil pagkatawag niya sa akin ay agad na niyang clinick habang ay isa naman ay masama ang tingin ko sakanya.

"Tara na nga" hila ko sakanya dahil masyadong nang maraming tumitingin sa amin.

Napagpasyahan namin na magtambay sa may Dairy Queen para pampalipas oras at syempre siya nanaman ulit ang nagoorder ngayon.

Nahihiya na nga ako dahil ang dami na niyang nagastos sa akin habang ako ni piso walang nagastos dahil walang dalang pera. Doon sa binili niya palang sa foodcourt hindi na biro ang mahal tapos sa pagbili pa nang card sa Play House kanina tapos ngayon gagastos nanaman siya pwede naman kaming bumili nalang sa labas ng tig-lilimang dirty ice cream.

Pero kahit ganun inaamin ko nagenjoy ako ngayon ko lang kasi nakaranasan ang mga ganitong bagay dibale nalang kila Ramsey na nakakasama ko din naman mag mall pero hindi tulad ngayon na kami lang dalawa ni Cordin. Iba yung saya sa tuwing nakikita ko ang mga tawa at ngiti niya at iba din ang pag aalaga sa akin.

Masarap pala sa pakiramdam ko may nagpapasaya sayong special na tayo parang ang sarap mabuhay. Hindi lang ako binigyan ni Lord ng manliligaw binigyan niya din ako nang kaibigan na mahangin nga lang.

Hindi ko alam kung sapat naba iyon dahilan pero wala naman sigurong masama kung papapasukin ko siya sa buhay ko.

"May sasabihin ako" biglang tugon ko kaya napatigil siya. Kanina sabi ko sasabihin kuna ngayon pero bakit hindi ko pa man nasasabi parang umuurong na dila ko.

"Ano yun?" tanong niya.

"Sinasagot na kita"

"Wala naman" tugon ko. Sana naman ay hindi na siya magtanong pa baka mamayang uuwi nalang kami doon ko nalang sasabihin.

Buong oras kong inisip kung ano ang sasabihin ko kaya diko na napansin na palabas na pala kami nang Mall at papunta na ngayon sa Sakayan. Kabadong kabado ako parang ang tibok nang puso ko lang ang naririnig ko.

"Ingat ka" tugon niya sa akin nang papasok na ako sa tricyle.

Nginitian ko siya naghiram muna ako nang pera sakanya para pambayad nang tricyle. Paalis na kami pero hindi ko parin nasasabi at hindi ako matatahimik kung hindi ko pa masasabi ngayon.

Huminga muna ako nang malalim at dahan dahan na lumabas sa tricyle gulat naman niya akong tinignan ibubuka palang sana niya ang bibig niya nang bigla ko siyang niyakap at sabay bulong na.

"Simula ngayon akin kana"

Pagkatapos nun ay mabilis uli akong pumasok at sinabi kay Kuya na alis na kami. Iniwan namin ang nanigas na Cordin isang malaking ngiti ang biglang sumilay sa mukha ko.

MAY BOYFRIEND NA AKO!SANA KAYO DIN.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now