YOUTH 5

216 23 6
                                    

Jeuness P.O.V

Kagigising ko lang at ang bunganga nanaman ni Mama ang naririnig ko sa labas ganyan niya inuumpisa ang araw kung hindi ako ang sinesermunan si Kuya.

Hindi na ako nag abala pang tignan ang mukha ko sa salamin at dire diretso na akong lumabas para mag almusal.

Pagkalabas ko mas lalong lumakas ang boses ni Mama dahan dahan akong bumaba sa may hagdanan namin dahil baka sa amin mabunto ang galit ni Mama.

Habang dahan dahan akong humahakbang ay yun naman ang biglang tingin ni Mama sa gawi ko kaya umakto nalang ako nang normal.

"Isa kapa" sabi niya nang makababa na ako kamot batok nalang ako tignan niyo na paniguradong kasali na ako sa pagsesermon niya.

Umupo ako sa tabi ni Kuya na tahimik na kumakain nang hotdog at sinangag kumuha na din ako nang sa akin.

"Bakit nanaman Ma?"mahinang sabi ko na agad siyang tumingin sa amin ni Kuya.

"Napapansin kong medyo late ka nang nakakauwi Maria ipapaalala ko lang sayo na babae ka." Tugon ni Mama. Napanguso nalang ako nang tawagin niya ako sa first name ko nandidiri ako.

Huminto si Mama sa pagsasalita mukhang napagod na sa pagsesermon. Nakagawian na namin ni kuya na pag nagsesermon si Mama ay hindi na ako nagsasalita dahil hahaba at hahaba ang sasabihin niya hindi siya magpapatalo sayo kaya better to keep your mouth close.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong nag paalam kila Mama na maliligo na ako inutusan pa akong na ako daw ang maghuhugas nang plato syempre binilisan ko ang pag akyat para makaiwas.

Nasa huling step na ako nang hagdanan namin nang biglang sumigaw si Mama. Bigla akong natalisod sa sinabi niya.

"Bilisan mo naghihintay yung manliligaw mo sa labas"sigaw niya. Agad akong tumingin kay Mama at mabilis na bumaba ulit.

Isa lang naman ang taong sira ulong manliligaw ko. Hindi ko na inisip ang itsura ko dali dali akong lumabas nang bahay at doon ko nga nadatnan siya na nakaupo doon sa upuan namin na bato ang walang hiya nakadekwatro pa.

Lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Agad siyang tumayo at nginitian ako.

"Anong ginagawa mo dito" nakadikit na kilay kong sabi.

"Sinusundo ka" tugon niya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

Hindi niya ako sinagot dahil bigla niyang kinuha ang bag niya sa may upuan at bigla akong hinila. Agad akong pumiglas sakanya pero masyado siyang malakas kaya wala na akong nagawa kundi magpahila sakanya.

Mabilis kaming nakalabas ng bahay at sa pagkakataon na iyon ay binitawan na niya ang kamay ko. Tinignan ko siya agad nang masama aalis lang pala kakaladkarin pa ako. Doon lang nagsink in sa akin na aalis na siya kaya agad akong napatanong.

"Aalis kana?" malungkot kong tanong sakanya. Pero bakit ka nga ba ako biglang nalungkot tama lang yun na aalis na siya para naman tumahimik na umaga ko. Umagang umaga nastress ako sakanya.

"Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin. Agad akong tumangi sino ba siya atsaka okay na din naman na wala siya dito.

"Gustong gusto ko kaya umalis kana." pagtataboy ko sakanya pero nanatili siyang nakatingin sa akin. Kaya bigla akong nahiya pangit ba ang itsura ko may laway pa ba ako.

Lumaki ang mata ko nang maalala ko na wala pa akong kahit hilamos kaya agad agad akong napahawak sa mukha ko gamit ang dalawang kamay ko ay tinikpan ko ito at mabilis na umalis.

Nakakahiya malay mo may laway o gulo gulo ang buhok ko kaya siya nakatitig sa akin.Tapos baka ipagkalat niya sa buong School yung nakita niya.

"Your so cute in you're bareface" pahabol na sigaw niya kaya mas lalo akong nahiya.

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko agad kong sinarado ang pinto at tumalon sa kama ko. Nakakahiya!.

Nang napagod ako sa kakagulong gulong ay doon ko palang naiisipang tumingin sa salamin.

Parang pugad nang manok ang buhok ko sa sobrang gulo may nakaguhit pang tuyong laway sa may ilalim nang baba ko isama mo pa ang sumisigaw na pimples ko sa may pisngi na balak pa atang gumawa nang angkan.

Nang matapos akong mag ayos ay nagpaalam na agad ako kay Mama at kay Kuya. Matagal nang hiwalay ang mga magulang ko kaya kami nalang tatlo ang nasa bahay si Papa ay nasa bago niyang asawa. Okay lang naman sa amin iyon ni Kuya dahil narin siguro matatanda na kami at alam na namin ang mga sitwasyon kaya medyo close din kami kay Tita Joy na bagong asawa ni Papa.

Pagkalabas ko ay muntikan na akong napatalon nang makita ko parin si Cordin na nakasandal sa may gate namin. Ang akala ko ay umalis na siya kanina pa ng iniwan ko siya dito sa labas dahan dahan akong lumapit sakanya mukhang malalim ang iniisip niya dahil nakatingin lang ito sa baba.

"Anak ka nang tatay mo" panggugulat ko sakanya. Tumingin ito sa akin na walang ekpresyon ang mukha kaya agad akong nakapagtanong sakanya.

"May problema ka?" tanong ko sakanya atsaka ako nagsimulang maglakad baka malate pa kami sa mga klase namin.

Umiling siya sa akin at sinundan ako mukhang may problema siya kaya siya nagkakaganyan tahimik at parang lutang dahil pag okay siya ngayon kanina niya pa ako kinukulit. Hindi na ulit ako nagsalita at hinayaan ko nalang na bumalot ang katahimikan sa aming dalawa kahit na hindi ako sanay kahit na medyo maingay ako at madaldal alam ko parin kung anong oras ko iyon ipapakita hahayaan ko siyang mag iisip muna hindi ko na din binalak na magtanong sakanya dahil ayaw ko siyang pilitin sasabihin at sasabihin niya sa akin ang ano mang iniisip niya na walang pangungulit ko.

Bumuntong hininga siya at nagsimulang magsalita kaya napatingin ako sa kanya.

"Kaninang umaga biglang tumawag si Angel gusto daw niya akong makausap tungkol sa aming dalawa,hindi ako pumayag.Ngayong araw di ang dating nang kaibigan ko mula sa probinsya" pagkwekwento niya.

Sino si Angel?Anong meron sa kanila ni Cordin?Bakit nila kailangan pag usapan ang tungkol sa kanilang dalawa.

Ang daming tanong sa isip ko pero minabuti ko nalang na ibahin ang usapan ayaw kong magmukhang nanghihimasok.

"Di dapat masaya ka kasi darating na ang kaibigan mo.Anong pangalan niya?" nakangiting tugon ko sakanya na agad din naman sinuklian ng ngiti.

"Mark" tipid na tugon niya. Palihim ko siyang tinignan at ganun nalang ang ginhawa ko ng makita ko siyang nakangiti na.

"Matagal na kayong magkaibigan?" tanong ko sakanya.

Tumango ito"Kababata ko si Mark naging kaklase kami nung elementary at nahiwalay lang nung lumipat siya ng probinsya dahil doon na magtratrabaho ang papa niya." tugon niya.

Huminto siya sa harap nang gate kaya napahinto din ako humarap ako sakanya para magtanong pero naunahan na niya akong magsalita.

"Mauna kana na pumasok sinundo lang talaga kita sa inyo para malaman ko at makasiguradong ligtas kang makakarating dito sa School.May pupuntahan pa ako kaya mauna kana" tugon niya at umalis na siya nang hindi man lang ako nagpapasalamat sakanya sa pagsundo niya sa akin.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now