YOUTH 25

94 15 0
                                    

Jeuness P.O.V

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Cordin matapos niya akong sunduin dito sa sakayan ng jeep. Balak namin lumabas ngayong sabado para bumawi sa isa't isa sa mga araw na hindi kami magkasama namiss kuna din naman siya kaya agad akong pumayag nang niyaya niya ako kanina. Magrurush nalang siguro ako mamayang gabi para sa finals.

Walang buhay ang mga mata niya pero nakangiti siya sa akin ngayon. Masama ba ang pakiramdam niya ngayon kaya tinignan ko siya nang may pag aalala.

"Okay ka lang ba?" sabi ko. Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko para sumakay nang jeep.

Habang nasa loob kami ng jeep ay wala itong kibo habang nakatingin sa labas mukhang malalim ang iniisip niya. Hinayaan ko nalang siya baka may inisip lang siya ngayon.

Pagkapasok namin sa Mall ay akala ko gagawin niya yung mga dati namin ginagawa pag nandito kami sa Mall o kahit saan pa.

Ang maghawakan ng kamay habang nakapalupot sa braso niya ang isa ko pang kamay. Ganun kami lagi pero iba ngayon naninibago ako sakaniya. Nang hindi kuna natiis ay agad akong huminto sa paglalakad para mapatingin siya sa akin.

"May problema kaba?" malumanay kong tanong sa kanya.

"Pasensiya kana babe may inisip lang ako" sabi niya. Napahawak siya sa sintido niya para mas lalo akong mag alala sakaniya.

"Umuwi nalang kaya tayo sa ibang araw nalang tayo lumabas pag okay kana. Wag kang mag alala ayos lang naman sa akin eh" saad ko. Tingin ko kasi ay hindi namin maeenjoy ang pamamasyal dito kung may iisip siya o ano pa man.

Humarap siya sa akin at hinawakan ako ang aking balikat sabay iling.

"Ayos lang ako atsaka nandito na tayo para umuwi pa" tugon niya sabay ngiti sa akin kaya napangiti nalang din ako.

"Kung ganun ay tara na" masayang tugon ko nilagay ko sa harap naming dalawa ang kanang kamay ko na agad naman niyang kinuha gamit ang kanan din niyang kamay kaya ngayon ay magkahawak na kami nang kamay pinalupot ko naman din ang kaliwa ko sa braso niya kaya naman ang dalawa kong kamay ay nakahawak na sakanya.

Masaya kaming naglalakad ngayon papuntang quantum para doon maglaro ng mga arcade games nang biglang tumunog ang ringtone ni Cordin na may tumatawag.

"Sagutin ko lang ito" bitaw niya sa akin sabay sagot sa telepono.

Tumango nalang ako naglakad ito nang ilang hakbang habang kausap ang nasa telepono. Hindi ko marinig ang mga pinaguusapan nila kaya wala akong kaidi-idea kung bakit pagbalik niya dito sa akin ay balisa na ito.

Malito lito ko siyang tinignan habang inieksamin ang buo niyang katawan mukhang okay naman dibale lang sa kanyang mukha na ngayon na may tumutulong pawis.

"Hmmmm..babe sorry ah meron kasi akong importanteng pupuntahan ngayon eh. Sorry pero pwede bang next time nalang tayo mamasyal" tugon niya sa akin ngayon na balisa parin.

"May nangyare ba?..Oo okay lang. Puntahan muna importante iyon next time nalang tayo mamasyal marami pa naman oras." hindi ko pinahalata ang pagkadismaya sa aking boses dahil ang buong akala ko ay makakasama ko siya ngayon pero may biglaan siyang pupuntahan.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang labi at bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Thank you babe. Iloveyou" masayang tugon niya.

"Tawagan mo ako kung nakarating kana ah" saad ko sakaniya bago siya umalis. Tango lang ang natanggap kung sagot mula sa kanya nang hindi ko makita ay muli na akong naglakad mag-isa.

Napabuntong hininga nalang ako habang nililibot ang kabuoan nang mall ng magisa. Magiging masaya siguro kung kasama ko siya ngayon na naglilibot. Halos ilang minuto na ang nakakalipas nang umalis si Cordin kaya marami rami na din akong napuntahan dito sa loob.

Nang magsawa na ako sa first floor ay agad akong sumakay nang elevator para pumunta naman sa fourth kung saan nandoon ang mga luxury brand. Sasaktan ko nalang siguro ang sarili ko sa pagwiwindow shopping ng mga bag at mga damit dito.

Libang na libang ako sa pagiikot nang may mahagip ang mga mata ko na bunto nang isang tao na kung hindi ako nagkakamali ay kilala ko may kasama itong magandang babae na matangkad na nakasuot nang blue dress na hanggang itaas nang tuhod niya may hawak ang mga ito nang ice cream habang masayang naglalakad. Ang lalaking iyon ay si

Mark

Maraming pumasok sa isip ko dahil nakita ko siyang may kasamang babae. Ang akala ko ba ay sila ni Alanine ngayon pero bakit hindi siya ang kasama niya ngayon. Hindi kaya....hindi kaya playboy ang lalaking ito kaibigan ko si Alanine kaya hindi ako papayag na lokohin lang siya nang mokong na ito.

Mabilis akong gumamit nang hagdanan para mahabol silang dalawa kung saan ang punta nila. Tumakbo agad ako nang makarating ako sa first floor papunta sila ngayon sa isang sulok kaya dali dali akong sumunod doon pero ganun nalang ang gulat ko nang makita ko siya na nakaupo sa mahabang upuan na tahimik palinga linga pa ito sa paligid niya na mukhang may hinahanap o ano. Lumapit sila Mark at yung babae sa kanya kaya agad siyang napangiti may inabot na ice cream ang babae sa kanya na agad naman niyang tinangap.

Ang akala ko ba ay importante ang pupuntahan niya pero bakit nandito siya ngayon kasama nila. Wala pa naman isang oras nang magpaalam na aalis na siya pero bakit nandito siya tapos naba niyang puntahan ang pupuntahan niya. Pero kung tapos na bakit hindi man lang siya nagtext sa akin ang sabi ko sakanya may text siya at higit sa lahat bakit hindi niya ako pinuntahan. Totoo ba na may importante siyang pinuntahan o dahilan niya lang iyon para mahiwalay sa akin.

Bakit nandito ka sa loob nang Mall Cordin na kasama sila habang masayang masayang kumakain nang Ice cream.

Parang sinasaktan ang puso ko dahil sa kung ano ano nalang na masasama ang pumapasok sa isip ko. Ayaw na ayaw ko itong pakiramdam na ito.

Thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now