YOUTH 35

113 11 0
                                    

Jeuness P.O.V

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpabaliktad-baliktad dito sa kama at pinipilit na matulog. Matapos kasi nang nangyare doon sa tabing dagat ay hindi na muli kami nagkita ni Cordin hindi ko nga alam kung nakabalik na din ba siya dito. Hindi rin kasi ako nakisabay sa kanilang kumain dahil bigla akong nawalan nang gana. Kaya nandito ako ngayon sa kwarto namin nila Ramsey pinipilit na matulog kahit na alas tres na ng tanghali na tirik na tirik ang araw at magandang maligo ngayon yun na nga ang ginagawa nila Lennon ngayon sa labas mukhang nagkakasaya sila doon ngayon at wala naman akong balak na makisali.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko at nagtalukbong sa kumot para di ako masilaw sa liwanag sa labas nakaaircon naman dito kaya di naman ako maiinitan. Sabi nila kung gusto mo daw makatulog ay magimagine ka muna nang mga gusto mong mangyare sayo tapos hindi mo daw mamalayan nakatulog kana sinubukan ko iyon. Nagsisimula palang akong mag imagine nang biglang nakita ko ang mukha ni Cordin na nasa harap ko at hawak ang kamay ko na sabay kaming naglalakad sa tabing dagat.

Tatayo na sana ako para lumabas na dahil hindi naman ako makatulog dito pero may bigla akong narinig na pagbukas nang pintuan mukhang may pumasok. Hindi ito nagsalita pero rinig ko ang mga yapak niya na papalapit sa akin hindi ko alam pero bigla ko nalang pinikit ulit ang mga mata ko at nagkunwaring nagtulog tulugan. Pinakikiramdaman ko ang ginagawa nang taong pumasok dito saglit na tumahimik tapos nakarinig ako nang biglang pagsarado nalang nang pintuan.

Mabilis akong umupo at inalis ang pagtalukbong nang kumot sa akin. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto hanggang makita ko ang isang paperbag sa may nang kama ko alam ko na wala ito kanina dahil wala naman din akong alam na may dala akong ganun.

Kaagad kong kinuha ang paperbag at binuksan. May laman itong isang floral na off shoulder at isang short na maong na may kasama pang note na agad kong binasa.

Paggising mo suotin mo itong damit. Binili ko iyan para sa iyo.

-Ramsey.

Sumilay sa akin ang malaking ngiti bago  tinignan uli ang damit bagay na bagay ito sa beach attire dahil na natangap ko ay ginanahan tuloy akong lumabas na. Sinuot ko agad ang binigay ni Ramsey bago lumabas. Masasabi kong may taste siya sa fashion at mukhang alam niya ang size ko dahil kasyang kasya ang mga ito sa akin dahil sa medyo hindi ko kaputian ay bumagay sa akin ang damit habang ang dahil hindi naman masyadong naarawan ang mga hita ko kaya medyo maputi ang mga ito na mukhang pwede nang panglaban. Nag ayos na din ako nang kaunti hindi dahil gusto kong pagtinginan ako pero dahil gusto kong presintable akong tignan yun bang mukhang dalaga talaga.

Agad ko silang nilapitan na nagkakasayang naliligo. Mukhang sa sobrang saya nila ay hindi nila ako napansin na papalapit sa kanila.

"Pwedeng sumali" tugon ko na kumuha nang atensyon nilang lahat kita ang gulat sa kanilang mga mata na parang ngayon lang nila ako nakitang nakaganito sabagay ngayon palang naman kami nagkasama sama kaya natural.

"Sexy mo naman jan sarap mong lunurin" saad ni Lennon na kita sa mukha niya ang inis. Minsan na nga lang maging maganda lulunurin pa.

"Bagay na bagay mo,bagay na bagay talaga siyang pumili" komento naman din ni Nathan na ngayon ay katabi si Ramsey na siyang nagbigay nang damit na ito.

"Thank you nga pala Ramsey dito" ngiting tugon ko.

Tinignan niya lang ako na may kunot ang noo pero kalaunan din ay ngumiti na din dahil sa pagtapik ni Nathan sa braso niya.

"Halika kana dito" masiglang sigaw ni Angel kaya napatingin ako sa kaniya pero agad kong inalis nang makitang magkatabi sila at pati siya pala ay nakatingin sa akin. Hindi pa siya nagiisip na baka magalit si Angel kung makita niyang nakatingin siya sa akin. Tss.

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now