YOUTH 16

122 13 0
                                    

Jeuness P.O.V

Matapos ang araw na iyon na pagpunta namin sa bahay nila Mark ay hindi ko na siya ulit nakita. Pero wala naman na akong pakialam sa kanya kaya kahit na hindi na talaga siya magpakita ayos lang.

Ilang linggo na din ang lumipas matapos ang nanyare na yun at hindi ko na kailan man narinig ang pangalan ni Angel na ex pala ni Cordin nalaman ko lang din nung gabi na iyon dahil mukhang bibig nang Mama ni Mark.

Wag na natin pag usapan ang mga bagay bagay na nakaraan na. Focus nalang tayo sa ngayon at bukas.

Matapos namin lumabas mula sa huli naming klase ay agad na kaming dumiretso sa gym ng school. Nagkatuwaan kasi ang grupo nila Vesper na maglaro nang basketball at dahil kasama si Cordin sa banda ay isusuport ko siya ngayon.

Sayang lang at wala akong nagawang banner para sakanya dahil kulang na sa oras at oras din nang klase. Kasama ko ngayon naglalakad sina Alvara na eksayed na eksayted na hindi naman halata sa suot niya may nakalagay na "GO BABYLOVES" tapos papel na may nakasulat na "THREE POINTS,ONE KISS". Oo guyz hindi po siya nakapag handa.

"Mapapanuod ko na si Baby Nathan ko" kilig na tugon ni Ramsey. Agad agad na tumingin kami sa kanya kaya napatigil ito.

Sabi ko na nga ba eh may something sa dalawang ito dahil napapansin ko ang laging pag alis ni Ramsey pagkatapos naming kumain nang tanghalian tapos babalik nalang pag pasukan na may business palang inaasikaso.

"Landi,kayo naba?" Tanong ni Lennon.

Umiling siya sa amin at nilagpasan kami silent means No ganun yun eh kung sila nang dalawa baka ipaglandakan pa niya sa amin pero mukhang mahina siya kay Nathan.

Pumunta sa harapan si Alvara habang naglalakad.

"Ako may Vesper,si Jeuness naman may Cordin,tapos si Ramsey may Nathan na." Tugon niya at dahan dahan na tumingin kay Lennon." Mahinang nilalang Lennon baka isa na din sa The Band ang true love mo,sakopin na natin" tawa tawang tugon nang loka pero tama naman siya halos lahatin na namin ang The Band sayang lang at kulang kami para kay Ethan at Meynard.

Leave one dot irereto ko sila sainyo Haha!.

Pagkarating namin sa gym ay halos mapuno na sa sobrang daming tao parang may foundation na nakakaganap kahit na laro lang naman nila Cordin.

Hindi ko naman siya masisisi dahil medyo sikat din ang The Band sa school dahil sila ang tumutugtog pag may mga event or mga ganap dito sa school asahan muna na may special number sila.

"Jusmeee!Kaloka saan tayo uupo niyan" sigaw ni Lennon na nakahawak sa kanyang sintido.

Tinuro naman agad ni Alvara ang pinakaharap kung saan malapit na malapit ka sa court pero may nakaupo na doon.

"Paano tayo uupo jan may nakaupo na" tugon ko sakanya.

Umiling siya at tumingin sa amin.

"Basic,edi paalisin sila kanina ko pa sinabi kay Vesper na doon tayo uupo kaya halika kana at paalisin natin sila tayo ang dapat na nandoon." matapang na tugon ni Alvara sa amin. Hindi man ako sang ayon sa gagawin namin ay sumama nalang ako nang nagsimula na silang maglakad.

Parang ang bastos naman kasi na paalisin sila samantalang sila ang nauna doon pwede naman kaming sa ibang upuan nalang maupo basta mapanuod namin ang laro nila. Hindi ko pa nga rin alam kung sino ang kalaban nila ang alam ko lang kasi talaga ay maglalaro sila ngayon.

Taas noong kaming naglalakad papunta sa may harapan nauunang naglalakad si Alvara sunod sina Ramsey na patalon talon pa at si Lennon na nasa tabi ko nasa dulo kaming dalawa.

"Kami ang nauna dito,maghanap nalang kayo nang ibang mauupuan" masungit na tugon ni Ate sa amin kasama ang mga kasama niya.

Napakrus nang kamay si Alvara sabay taas nang isang kilay. Kamalditahan mode on.

"Kahapon pa nakareserved ang mga upuan niyong yan para sa laro ngayon." mataray na tugon ni Alvara kila Ate. Hindi na kami pa sumasabat dahil alam naman namin na kaya na ni Alvara yan.

Inikutan lang nang mata ni Ate si Alvara kaya mas lalong ngayong nag aapoy siya. Wrong move ate sa ginawa mo.

"Wala namang nakalagay na mga pangalan niyo dito atsaka paniguradong mga fans lang kayo nang THE BAND na gustong magpapansin sa kanila kaya gusto niyong maupo dito. Lumang style" sabat nang isang pang babaeng nakaupo doon.

Mukhang hindi na makapagtimpi si Ramsey at agad na sinugod sila Ate na aambangan nang sapak.

"Pigilan niyo ako." galit na tugon ni Ramsey habang nakalagay ang mga kamay sa likod na parang gustong hawakan namin at pigilan siya.

Medyo naiinis na din ako kila Ate kaya dali dali akong pumunta sa likod ni Ramsey at hinihimas himas ang mga balikat niya.

"Go lang teh,dika namin pipigilan" bulong ko sakanya.

Baka sila pa nga ang fan na gustong magpapansin kila Cordin dahil kami kahit wala kaming ginagawa pinapansin na kami.

Sasapakin na sana ni Ramsey si Ate na nakaupo ngayon nang may biglang sumigaw mula sa likuran namin na nagpatigil sa aming lahat.

"BABE" sabay sabay na tugon nila.

Sabay sabay kaming tumingin doon as in lahat pati sina Ate na feeling ay napatingin din.

Umuulan nang kagwapuhan yan nalang ang nasabi ko habang tinitignan ang mga magagandang lalaki na papalapit sa amin pero syempre mas gwapo yung nasa gilid. Hindi maalis ang tingin namin dalawa na para bang may glue ang mga mata namin na hindi na pwedeng maalis.

Ganito ba ang pakiramdam nang inlove may mga paru paro na parang nasa tiyan mo at inahabol mo ang hininga mo habang nagkakatinginan kayo. Yung pakiramdam na parang kami lang dalawa ni Cordin ang tao dito sa gym na kahit na mapuno na ito.

"Anong problema dito?" tanong ni Vesper na nagpabalik sa aking sarili.

Ngumuso si Alvara at dali daling lumapit kay Vesper na akala mo batang naagawan nang candy.

"Ayaw nilang umalis doon diba doon ang upuan namin" pabebeng tuno nang boses ni Alvara.

Pinipilit namin na di matawa sa inaakto niya pero itong si Lennon ay hindi na nakayanan at napahiga pa kakatawa.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang