YOUTH 13

131 13 0
                                    

Jeuness P.O.V

Matapos naming kumain ay napagpasyahan namin na wag munang umalis para magkwentuhan ang dapat na sa classroom kami kakain ay napunta dito sa Cafeteria. Kilala kuna din ang lalaking nasa dulo ang sabi sa akin ni Cordin ay siya daw si Mark na kababata niya shy type at tahimik lang siya ni hindi man lang siya kumikibo nakatingin lang siya sa malayo na mukhang may iniisip na malalim.

"Bagay kayong dalawa ni Ramsey" biglang tugon ni Lennon kay Nathan na napatigil bigla. Kitang kita naman sa mukha ni Ramsey na nabigla din pero tama naman si Lennon bagay naman talaga sila tahimik si Nathan maingay naman si Ramsey,medyo may katangakaran si Nathan samantala si Ramsey ay maliit. Bagay perfect couple.

"Tumigil ka nga" tulak ni Ramsey kay Lennon na todo tawa ngayon.

"Diba lalakero ka Ramsey,isama mo naman si Nathan sa koleksyon mo kawawa naman oh" pagsasama ni Alvara sa pag iinis kay Ramsey na mukhang umuuobra naman. Dahil sa pang aasar nang dalawa ay nagwalk out ang lola niya habang si Nathan nakayuko mukhang may gusto din kay Ramsey dahil kanina ay di niya mapigilan ang pag ngiti niya.

"Tara na" tugon nang napakagwapo kong boyfriend.

Mababaliw ako sa lalaking ito napakagwapo lalo na sa malapitan kitang kita ang pagkakinis ng mukha niya ang mga mata niyang namumungay,ang ilong niyang medyo may katangusan habang ang labi niyang mamulamula pa.

Bigla akong nagising nang tawagin niya uli ako sa pangalan ko. Tumango nalang ako at nagpaalam na kami kila Lennon na natitira pa doon.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya. Napagdesisyunan namin na sa mga kaibigan nalang muna namin ipaalam ang tungkol sa amin. Masyado kasing maraming chismosa at pakealamera dito sa Campus.

"Garden" tugon niya sabay hila sa akin papunta sa Garden nang school.

Hindi pa man kami nakakarating ay tanaw kuna ang mga nagsisitaasan na mga puno nang Narra na pinapalibutan ang buon Garden habang sa loob namin ay samut saring mga bulaklak at halaman ang nakatanim dito. May nakatayong maliit na fountain na ginagawa din nilang wishing fund kung saan pwede kang humiling na pwedeng matupad. Kaya naman parang nasa ibang lugar ka pag pumasok ka para siyang paraiso.

Umupo kaming dalawa sa silong nang puno. Napakapresko dito napakasariwa ng hangin.

"Hmmm,ang ganda dito" tugon ko sakanya na nakatingin sa mga bulaklak. Hindi ito ang unang beses ko na pumunta dito,dito ang tambayan namin nila Ramsey pag nagcutting kami nang subject o kaya naman pagvacant namin.

"Lagi kitang dadalhin dito" tugon niya.

Nakangiti ko siyang tinignan ang makasama ko siya dito ngayon parang mas lalo pang gumaganda ang lugar. Kahit araw araw kami dito hinding hindi ako magsasawang pumunta dito kong kasama ko siya.

"Bakit mo ako nagustuhan?" tanong ko sakanya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Hindi ka naman mahirap magustuhan pero siguro dahil mabait ka at yung attitude mo ikaw yung taong na nakapalawak nang isip atsaka napakaganda mo." tugon niya.

Awww masyadong matamis baka langgamin ako niyan.

"Paano pag nakita kang mas maganda sa akin,mas open minded" tugon ko sakanya. Gusto ko siyang tanungin nang mga bagay na gusto ko na kami lang ang nakakarinig.

"Hindi mangyayare yun,hindi na ako makakahanap nang iba no" tugon niya.

"Bolera ka pero pag may nalaman man akong niloloko mo ako ipapasunog ko bahay niyo" biro ko sakanya.

"Gago ko nalang pag niloko kita..." tugon niya pero hindi na niya naitulong nang biglang tumunog ang cellphone niya na mukhang may tumatawag. Nagpaalam siya sa akin na sasagutin niya lang iyon kaya mag isa ako ngayon na nakaupo dito.

Sakto malapit na ang finals namin kaya ibig sabihin ay bakasyon nanaman. Nakagawian na namin nila Ramsey na magtravel pag bakasyon pang apat na beses na namin tong magtravel nang mag kakasama at balak kong isama si Cordin dahil pag aalis kami ako nalang lagi ang mukhang naligaw dahil kanya kanya sila nang dala nang mga jowa niya kaya third wheel ako palagi kila Vesper at Alvara pag nagdate sila.

Dahil sa tuwa ko ay hindi ko napansin na may kasama na pala akong nakaupo ngayon. Dahan dahan kong tinignan kong sino ang nakaupo sa tabi ko.

"Niloloko ka lang niya" biglang tugon niya. Tumingin ako sa paligid namin kung sino ang kausap niya pero walang tao kaya mukhang ako nga ang kinakausap niya.

Atsaka anong sabi niya niloloko ako nino?ni Cordin?Haha nakakatawa hindi mangyayare yun.

"Paano mo nasabe?" pagtataray ko sakanya.

"Kababata ko siya,kilala kuna siya simula bata kami at alam kong mahal niya pa si Angel." tugon niya sa akin at dahan dahan na tumingin.

Ano ba ang sinasabi niya?Si Angel ba yung ex girlfriend niya ah.

"Kung nandito ka para sirain siya sa akin umalis kana" inis kong tugon. Baka wala lang siyang magawa kaya nanggugulo siya sa aming dalawa ni Cordin.

Mahina siyang natawa at biglang nabaling ang tingin niya sa bracelet ko.

"Ilang babae na ang binigyan niya nang ganyan" tugon niya habang nakatingin parin sa bracelet ko.

Dali dali kong nilagay ang kamay ko sa likod ko.

"Magkaibigan kayong dalawa bakit mo siya sinisirahan ah?" tanong ko kay Mark na nakaupo parin.

"Hindi ko siya sinisira sayo nagsasabi lang ako nang totoo" tugon niya at tumayo na. "Sinasabi ko sayo na habang maaga pa wag kang masyadong mahulog sakanya dahil baka masaktan ka lang sa huli" huling tugon niya at umalis na siya nang tuluyan.

Ano ba ang sinasabi niya alam kong hindi magagawa sa akin ni Cordin na lokuhin pero paano pag niloloko lang pala niya ako anong mararamdaman ko.?

Hindi ko alam basta ako gusto ko siya ngayon at hindi na iyon magbabago. Wag muna tayong mag isip nang kung ano ano na makakapagpalito sa atin hayaan natin sila na gumawa nang motibo at aaksyon nalang tayo pag nandoon na tayo sa sitwasyon.

Lumipas pa ang ilang minuto bago bumalik si Cordin na di maipinta ang mukha niya. Nag away ba sila nang kausap niya. Kinuha niya lang ang bag niya at umalis na siya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now