YOUTH 33

109 12 0
                                    

Jeuness P.O.V

Ngayon na mag isa lang ako naglalakad ang dami kong naiisip na kung ano ano dahil narin siguro sa marami din pumapasok sa isip ko ngayon tulad nang ano kayang ginagawa namin ngayon ni Cordin kung magkasama kaming dalawa masaya kaya kaming dalawa. Siguro masaya din kami tulad nila ngayon na pinapayongan siya ni Cordin habang masayang naguusap. Naiisip ko din naman kung gaano kasaya din naman ang mag-isa mas nakakaisip ka nang mga bagay bagay na hindi mo magagawa pag may kasama ka. Mas naaapreciate ko ang paligid na napapalibutan nalang kami nang malalaking dahon at malayo na sa mga bahay bahay kaya napakapresko nang simoy nang hangin isama mo pa ang masasayang tawa nilang lahat.

Nasa unahan sina Lennon at Meynard na mukhang may relasyon dahil hindi naman siguro aksidente ang lagi nilang pagtatabi at pagsasama hindi kalayuan sakanila sina Alvara at Vesper na nagtatawanan din ngayon nasa kanilang ang isa payong sunod din naman sa kanila sina Cherry at Ethan na tahimik lang sa paglalakad habang hawak ni Ethan ang payong din na isa. Katabi nila sina Angel at Cordin na masayang nagkwekwentuhan kung saan nandoon ang pangtatlong payong sunod nila sina Ramsey at Nathan na nagknow each other pa ata ang peg na talukbong nang tuwalya din gaya ko syempre me,ako and I ay nasa pinakalikod laging napagiiwanan ang sarap itulak sila isa isa dito sa mga nadadanan namin na mapuputik. Pati ba naman sa paglakad by pair din ganun din naman na ako dati pa pag nagbabakasyon kami nun na kami lang apat medyo dumami lang sila ngayon kaya mas lalo akong nabibitter isama mo pa na nandito siya.

Tinitignan ko silang lahat nang may bigla akong naiisip tutal naman ay hindi ko susuotin yung mga binili niya paano kaya kung ibigay ko nalang sa kanilang mga couple tutal naman bagay sa kanila iyon dahil magjowa naman silang lahat wala naman na sa aking halaga iyon eh mas okay na din siguro iyon para magamit at hindi na magamit pa balak ko na din na ibalik yung bracelet na bigay niya sa akin nung first day namin masyadong mahirap pag may alaala pa.

Nakarating kami sa palayan nila Lennon napakagandang pag masdan ang kulang dilaw na kulay nang mga palay na nakatanim sobrang welcome naman ang ipinaramdam sa amin nang mga ilang trabahador nila sayang nga lang at hindi kami nagdala nang makakain para dito sana magpicnick magandang kumain dito habang tanaw na tanaw mo ang paligid. Kanya kanya na din sila nang kuha nang mga litrato nila dahil sa gandang view.

"Hindi ka magpapapicture" biglang tugon ni Lennon sa aking likuran. Agad akong umiling.

"Hindi ako pwede jan oh,by pair" malungkot kong tugon sakaniya. Kanina ko pa tinatago ang bigat nang dibdib ko.

Mas mabuti nalang sigurong nagpaiwan nalang ako dito kaysa dito pakiramdam ko mag isa lang ako habang ang dami ko naman kasama. Akala ngayong taon kuna mararanasan ang magtravel kasama ang someone nawala pa bigla iba rin kasi sa pakiramdam nang may pinagsasabihan ka nang mga thoughts mo yun bang.

"Tignan mo iyon oh ang ganda."

"May ganito palang kagandang lugar."

Kasi ngayon lahat nang gusto kong sabihin sinasarili ko nalang dahil wala naman akong kasama ako lang mag isa. Naiintindihan ko naman sila Lennon dahil may inieentairtain silang mga bisita nila. Siguro sa ngayon lahat nang gusto kong sabihin akin muna iyon. Ang hirap maout of place parang pakiramdam mo dika belong.

"Halika nga dito" malungkot na tugon ni Lennon sabay yakap sa akin kaya diko na napigilan umiyak.

"Ang lungkot" mahinang tugon ko sakaniya na mas lalo naman niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin buti nalang silang lahat ay abala sa pagpipicture.

"Nandito naman kami ah" tugon niya sa pagitan nang yakap niya.

"Pero diko kayo maramdaman,hindi naman sa nagtatampo pero kahit sana habang naglalakad tayo kanina naiisipan niyo akong lingunin doon sa likod at kamustahin." may pagtatampo kung tugon sakaniya masiyahin akong tao pero hindi sa lahat nang oras.

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now