YOUTH 20

110 15 0
                                    

Jeuness P.O.V

Pinipigilan ko na lumabas ang malakas kung tawa dahil sa nakita kung nakasulat sa harapan nang notebook ko.

"CORESS?,corny"mahinang tugon ko na sakto lang para ako lang ang makarinig. Mahina akong napapatawa at kinikilig habang ang kasama ko na walang alam.

Binabaybay namin ang hallway nang bigla nalang may lumapit sa amin na isang estudyante na medyo pamilyar sa akin.

"Pinapatawag ka sa faculty" tugon niya sa amin pero na kay Cordin ang tingin hindi ko tuloy alam kung sino ang sinasabihan niya ako o si Cordin.

Nang makita ko na masyado nang malagkit ang tingin niya kay Cordin ay agad na akong nagsalita.

"Cge BABE hintayin nalang kita sa gate" tugon ko sakanya at talagang diniinan ko talaga yung Babe para naman malaman niya kung ano kami ni Cordin.

Mukhang nagising na siya sa kakatitig sa boyfriend ko dahil napatingin siya sa akin.

"Ikaw ang tinatawag" tugon niya sa akin.

Ako naman pala bakit kung makatingin kay Cordin akala mo sakanya sinasabi.

Inukutan ko nalang nang mata si Ate bago ako tumingin kay Cordin.

"Hintayin mo ako jan ah" tugon ko sakanya.

Umiling ito sabay taas nang mga kamay namin na magkahawak.

"Sasamahan kita" ngiting tugon niya.

Tumango ako sakanya at sabay kaming pumunta sa faculty. Hindi naman ako kinakabahan dahil madalas naman na akong pumupunta sa faculty pag may ipinapagawa si Ma'am sa akin at bilang honor student narin.

Pagkarating namin sa faculty ay agad na akong pumasok habang nasa labas si Cordin ako nalang daw ang papasok dahil pag daw pumapasok siya dito isa lang daw ang ibig sabihin.

Napa-away

Nasa pintuan pala ako ay tanaw kuna ang mga guro na kanya kanya nang ginagawa sa kanila mga desk. Ang iba ay busy sa mga papers habang ang iba naman ay parang nagmemeeting. Nilibot ko ang mga mata ko kung sakaling malaman ko kung sino ang nagpapatawag sa akin dahil nakalimutang kung itanong doon sa estudyante kanina buti nalang ay may kumaway sa bandang dulo kaya doon ko tinuon ang tingin ko.

Malabo ang mga mata ko kaya para akong tanga na pinapaliit pa ang mga mata para lang makita nang malinaw kung sino yun. Dahan dahan nang naging malinaw ay doon ko nalaman kung sino ang nagpatawag sa akin.

Si Ma'am Vangie adviser namin.

"Bakit niyo po ako pinatawag Ma'am" bungad ko kay Madam nang makalapit na ako sakaniya.

Inalok niya akong umupo na agad ko naman ginawa.

"Pasensiya kana Jeuness kung napatawag kita dito ngayon" pag hihingi nang pahumanhin ni Madam.

"Ayy!Okay lang po sa akin iyon Ma'am" ngiting tugon ko.

"Mabuti nalang ay nandito kapa at hindi pa umuuwi. May gusto akong sabihin sa iyo, kanina ko pa dapat sasabihin ito pero nakalimutan ko." Tugon niya sa akin.

"Ano po iyon?" tanong ko kay Ma'am.

"Bilang ikaw ay isa sa honor student sa ating school ay napag pasyahan namin nang board na bigyan ka nang ibang final project sa mga kaklase mo. Kung magagawa mo nang maayos at malinis ang pag project na ito ay pwede kang makakuha nang schoolarship sa kilalang university para sa iyong Senior High." Masayang tugon ni Ma'am.

Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon sa mga naririnig ko. Ang sarap pakinggan ng mga bawat salitang sinabi ni Ma'am pangako ko sa sarili ko na kahit ano pang project ang ibibigay nila ay kakayanin ko para sa future ko.

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now