YOUTH 37

108 12 0
                                    

Jeuness P.O.V

Matapos ang huling klase namin nang hapon na din iyon ay agad na akong nagligpit nang gamit ko para pumunta na sa Garden ng school.

"Nagmamadali ka yata?" tanong ni Ramsey na nagliligpit din siya nang gamit niya. Ganun naba talaga akong kabilis para mapansin niya na nagmamadali nga ako.

"Ah wala naman may pupuntahan lang ako" tugon ko sakaniya bago buhatin ang bag para umalis na.

"Saan?" habol niyang tanong sa akin.

Tamad ko siyang liningon bago magsalita.

"Garden" sagot ko bago umalis na para pumunta nang garden.

Oras ngayon nang uwian kaya naman marami na din mga estudyante ang nasa labas nang kanilang mga classroom,ang iba naman ay may kanya kanyang din na pinupuntahan.

Pagkarating ko sa garden nang school ay napakaraming tao ang nandoon kaya nahirapan akong hanapin siya. Hindi ko alam pero nung sinabi ni Alanine na maguusap kaming dalawa hindi ko maiwasan na sumaya kahit wala naman talagang dapat ikasaya dapat nga ngayon wala na kung ano pa man na koniksyon sakaniya dahil nagmomove on ako pero ito ako ngayon hinahanap siya.

Nilibot ko ang buong sulok nang garden pero hindi ko siya nakita hindi kaya pinagtritripan lang ako kanina ni Alanine atsaka bakit pa siya pupunta dito para ano...para magusap kami samantalang tinapos kuna ang lahat. Laglag balikat akong palabas nang mahagilap ko si Angel sa ilalim nang puno nang mangga na titig na titig sa akin ngayon. Agad kong iniwas ang tingin ko at tuloy tuloy na naglakad iba naman ang nahanap ko sa hinahanap ko talaga. Napatigil ako nang tawagin niya ako.

"Jeuness" tawag niya na agad ko siyang tinignan.

Papalapit siya ngayon sa akin hindi ko maiwasan na mapansin kung gaano siya kaganda ang mga mapupulang labi niya at matitingkad niya mga mata,ang kanyang mukhang sobrang liit na para sinakto lang talaga ang mata,ilong at labi niya doon. Nakasuot din siya nang simpleng white t-shirt na pinaresan nang brown na palda na hanggang sa ibabaw ng tuhod niya kaya nakabandera ang kaniyang makinis na balat. Minsan talaga napapaisip nalang ako na unfair ang mundo nasaan ba kasi ako nung naghulog ang langit nang kagandahan at kakinisan nang balat baka grounded ako nun.

"Pwede ba tayong mag-usap" tugon niya sa harapan ko na hindi ko namalayan kakaisip nang kagandahan niya.

Tumango nalang ako para naman magkaroon din kami nang paguusap at mas lalo ko siyang makilala. Sinundan ko lang siya pabalik doon sa kinauupuan niya kanina sa ilalim nang puno dahan dahan kaming papalapit doon at dahan dahan ko din naaalala na dito kami nakaupo nun ni Cordin na naguusap nang bigla nalang siyang dumating at nagpakilala na girlfriend siya ni Cordin. Dito din ako mismo sa punong ito ako sinabihan ni Mark na niloloko lang ako ni Cordin na may girlfriend siya na tama naman.

Sinenyasan niya akong maupo sa tabi niya na yun naman agad ang ginawa ko. Nakatingin kami ngayon dalawa sa mga dumadaan na mga estudyante naging tahimik kami nang ilang minuto bago niya basagin ang katahimikan habang ako naman ay nakinig lang sa kaniya.

"Alam mo bang sa tuwing naguusap kami ni Cordin sa telepono nung nasa Laguna pa ako. Ikaw lagi ang kinukwento niya sa akin na sobrang bait mo daw tapos kaya mo daw ubusin ang kahit anong pagkain na ibigay niya sayo sobrang cute mo daw kasi pag kumakain ka para ka daw baboy kumain. Imbes na makaramdam ng selos o inis natuwa pa ako sa mga sinasabi niya alam ko kasi akong pakiramdam ni Cordin dahil may naging boyfriend din akong sa Laguna hindi mo naman ako masisisi dahil hindi ako kasing tapang at tatag nang iba jan na kahit LDR loyal parin pero wag kang mag alala alam na niyang ang tungkol doon. Kaya nung umuwi ako dito sa Manila agad kong sinabi sakaniya na ipakilala naman niya ako sayo pero masyado siyang malihim sayo kaya gumawa na ako nang paraan. Sinabi ko sakaniya na ipasyal ka sa Mall tapos nakipagsabwatan ako kay Mark para sabihin na emergency sila sa bahay kahit na wala naman talaga." pagkwekwento niya sa akin nang hindi ako tinitignan. So planado pala ang nangyare nung nasa Mall kami at nakita ko silang kumakain nang Ice cream.

"Yung nakita mo kami na nasa gilid at kumakain nang Ice cream planado ang lahat nang iyon sinadyang kong ipakita sayo para sana bigla ka nalang sumugod at ikaw na mismo ang magpakilala sa sarili mo para sabihin na ikaw nga ang girlfriend niya pero hindi mo ginawa. Kaya sinubukan pa kita lalo inabangan ko kayo nun dito sa Garden para magpakilala biglang girlfriend niya pero gaya padin nang minsan hindi ka parin umimik kaya doon na siya natakot bigla na hindi mo siya kayang ipaglaban. Ang daming gumugulo sa isip niya na dimo siya kayang ipaglaban at hindi ka proud na ipamukha na boyfriend mo siya. Hanggang sa nagbulag bulagan siya na ako parin ang mahal niya kahit naman kitang kita sa lahat nang kilos hanggang mata niya na mahal ka talaga niya naghihintay lang siyang ipaglaban mo siya." sa pagkakataon na ito ay nakatingin na siya sa akin. Kitang kita ko sa mata niya ang pagkaawa sa akin na para bang may ginawa nga akong mali na talaga naman meron.

Mali ko nga naman na hindi man lang kami nagkausap nang matino talaga nagdrama pa ako nun sa Pangasinan na todo iwas ako sakaniya. Hindi ko man lang siya napakinggan pero bakit wala siya dito para sabihin ang lahat nang ito sa akin bakit si Angel pa.

"Bakit hindi siya ang pumunta dito para sabihin ang lahat?" tanong ko sakaniya.

Nginitian niya muna ako at hinawakan sa pareho kong balikat.

"Masyadong busy ang boyfriend mo halos hindi na niya natutokan ang pag aaral niya kaya ngayon naghahabol siya pero wag kang mag alala makikita mo din naman siya" tugon niya sa akin.

"Hindi kaba nasasaktan?" pagiiba ko sa topic kitang kita kasi sa mata niya na parang okay lang sa kaniya ang lahat natawag niya pa nga Boyfriend ko si Cordin na wala man lang sakit sa mga mata niya.

Ngumiti siya sa akin at umiling iling.

"Tanggap ko naman na hindi na ako ang mahal niya atsaka masyado akong mahal nang bago kong boyfriend ngayon para pagsabayin sila hindi ako multi-tasker Matagal na kaming wala ni Cordin nakakalimutan lang namin minsan dahil na rin siguro simula bata kami ay magkasama na." paliwanag niya.

"Anong pinaguusapan niyo nung mga panahon na magkasama kayo doon sa Pangasinan?" curious kong tanong sa kaniya halos kasi hindi na siya naghihiwalay dalawa.

"Ikaw."

"Ako?"

"Oo,simula nang una niyong pagkikita doon sa may gym hanggang sa mga sweet moment niyo naikwento niya sa akin. Kaunti nalang palitan ko ang pangalan niya at gawin kung Jeuness." tawang tugon niya. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon na ako ang pinaguusapan nilang dalawa sa buong bakasyon namin.

Tumigil siya sa pagtawa atsaka dahan dahan na inalis ang bag niya na nasa likuran niya pinaharap niya ito at binuksan. Mukhang may kukunin siya habang ako naman ay nakatingin sa bag niya din. Maya maya lang ay nilabas niya bigla ang katamtaman na kahon. Paano naman kaya nagkasyo sa bag niya ang ganun kahon.

"Ano yan?" tanong ko.

Humarap siya sa akin at binigyan ako nang malaking smile inabot niya sa akin ang kahon bago siya tumayo at sinara ang bag niya habang ako naman ay walang kaalam alam dito.

"Ibabalik ko na iyan sayo pinilit niya lang akong suotin yan dahil gusto ka daw niyang inisin. Hindi bagay sakin yang damit na iyan dahil siguro hindi naman talaga para sa akin yan." tugon niya sa akin bago umalis tinignan ko muna siyang papalayo sa akin hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Agad kong naman tinignan ang kahon dahan dahan kong binuksan iyon at tumambad sa akin sa loob nun ay iyong couple t-shirt na binigay ko sakaniya na sinuot niya nung nagbonfire kami. Sa ibaba nun ay nakapatong ang notebook ko kung saan nakasulat naman lahat ng bucketlist namin. Kinuha ko mula sa kahon ang notebook atsaka dahan dahan na nilapit sa akin may biglang nahulog na isang pirasong papel na agad kong pinulot.

February 14,Room 28 senior high building at 11 a.m.

Sa likod ay may nakasulat din.

Pumunta ka kung ayaw mong masunog ang bahay niyo. Masyado na akong maraming ambag sa relasyon niyo. Galaw galaw naman Jeuness.

-sweet angel in heaven.

Thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now