CHAPTER 68: Tokyo Vs. Toyotsu

589 17 2
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 68:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Tila naging isa ang isip ni Sendoh at Hanamichi sa binabalak nila. Nakaismid si Sendoh samantala si Hanamichi ay nakangisi saka parehong nag-apir ang dalawa.

Nakita yun pareho ni Mari at Haruko ang ginawa ng dalawa.

"Aba, mukhang may binabalak ang dalawang yun ah?" nakangiting tanong ni Mari.

Tumango naman si Fujima na katabi niya lang. Ang pagkakaayos ng upo nila ay nagsisimula sa kanan. Magkatabi sa isang mesa si Haruko at Mari, katabi naman ni Mari si Fujima, sunod si Jin, Fukuda, Ikegami, Watanabe, Daisho at Nishizaki.

"Mukha nga, Ate Mari. Kung ano man yun, siguradong makakatulong yun sa laro nila lalo na't si Sendoh ang magpaplano." sagot ni Haruko sa kanya habang nakatingin sa dalawa.

"Kung sa bagay, minsan ko lang makikitang ganyan si Sendoh sa teammate niya. Kaya aabangan natin yan." Mari

"Kung ano man yang pinapalano nya siguradong konektado parin yun sa plano ni Maki. Halos pareho lang sila mag-isip." wika ni Fujima at sumang-ayon naman sila.

"Mukhang magiging exciting ito." Fukuda

"Wag lang siyang magloko sa court." Ikegami

"Hindi yan, si Sendoh pa." Fukuda

Pumito ang Referee para simulan na ang laro. Si Hanagata at Morishige naman ay sandaling nagtinginan, normal lang ang ekspresiyon ni Morishige samantala si Hanagata ay seryoso.

"Tokyo Black Samuraiz versus Nagoya Fighting Eagles. Maglaro kayo ng patas na naayon sa rules at regulations ng laro." paalala sa kanila ng Referee.

"Opo!" sagot ng nila.

"Mabuti naman. Goodluck sa inyo." pagkatapos nun ay hinagis na ng Referee ang bola nang napakataas...

"MORISHIGEEEEE!!!"

"HANAGATAAAA!!"

Pero hindi agad tumalon si Hanagata para kunin yung bola sa halip ay pinauna niya ng 2 segundo si Morishige saka sya tumalon.

Habang nasa ere ay parehong inaabot nila ang bola pero dahil sa naunang tumalon si Morishige ay sya ang nakaabot sa bola.

*Pak!*

Pinalpal yun ni Morishige papunta sa team nila at nasalo yun ni Rango.

"Ang galing mo Tol!" puri ni Rango.

Magdidribol na sana siya nang pumito ang Referee.

(Pumito...)

Napatigil silang lahat sa pitong yun.

"Hah? Bakit?" takang tanong ni Rango.

"JUMP BALL VIOLATION! GREEN NO. 15!" anunsyo ng Referee.

"Ayos." bulong ni Hanagata.

Itinaas naman ni Morishige ang isang kamay niya. Nagsibulungan naman ang mga manonood.

"Jump ball Violation?"

"Oo, bawal kase hawakan ang bola hangga't hindi pa ito umaabot sa mataas na bahagi ng ere. Kapag ginawa mo yun, Jump Ball Violation ang ipapataw sayo."

"Ahh ganun pala."

Sa Team's Bench ng Toyotsu ay napakamot na lang ng pisngi si Coach Terushima.

"Itong batang 'to... alam nya namang bawal yun. Bakit niya ginawa? Haysss..." huminga siya ng malalim.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon