CHAPTER 75: Tokyo Vs. Toyotsu

782 34 17
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 75: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang matapos ang first-half ay bumalik ang parehong kuponan sa kani-kanilang locker room para pag-usapan ang susunod nilang gawin sa second-half.

Sa Locker room ng Tokyo Team, sina Hanamichi at iba pang kasali sa first five ay nakaramdam ng kaba.

"Fujiboo! Anong gagawin natin ngayong lamang sila?" tanong ni Hanamichi sa kanya.

Napaekis ng kamay si Fujima habang nakaupo.

"Ito ang unang beses na nakalamang ang kalaban sa'tin. Kailangan na na'ting seryosohin 'to." wika ni Maki sa kanila.

"Makinig kayo..." pukaw sa kanila ni Fujima.

Tumingin ang lahat sa kanya.

"Bago matapos ang first-half ay nakita natin silang lahat na nag-tres. Kaya sa pagkakataong ito yun din ang gagawin natin." panimula ni Fujima.

"Magti-Tres din tayo?" tanong ni Hanamichi.

"Oo, para makabawi laban sa kanila. Kailangan nating palaruin ang mga best shooter ng Team." sagot ni Fujima.

"At ikaw, Sendoh. Kailangan mo nang magtrabaho gayong second-half na. Ito na ang pagkakataon mo." dagdag pa nito.

Tumingin si Sendoh sa kanya habang hinihilot ang kanang braso saka sumagot.

"Nangangawit na nga ako eh."

Tiningnan naman ni Fujima sina Watanabe at Nishizaki na nakatayo sa gilid. Huminga siya ng malalim.

"Gusto ko sanang ipasok kayong dalawa kaso pareho kayong may injury. Lalo ka na Nishizaki, leading scorer ka pa naman." nanghihinayang wika ni Fujima.

Parehong napakamot sa ulo ang dalawa.

"Pasensya na Coach, bawi na lang kami sa Akita." sagot ni Nishizaki na halatang gusto nang maglaro.

"Oo nga, siguradong Fully-recovered na kami nyan." sagot din ni Watanabe.

"Kapag nagsecond-half na at hindi parin tayo makalamang sa kanila. Papasok na ako, Fujima."

Napatingin si Fujima sa nagsabi nun at sumagot.

"Oo, Jin. Malaki ang maitutulong mo sa laro." sang-ayon nito at tumango si Jin sa kanya. "Pati na rin ikaw, Fukuda." dagdag pa niya.

"Oo." sagot ni Fukuda.

"Oh! Tapos na ang 15 minutes break. Bumalik na tayo sa court." pukaw ni Mari sa kanila.

"Oo." sagot nila.

Natapos na nga yung break-time nila. At sa labin-limang minuto na pahinga ay kasabay na ang kanilang maging taktika para sa second-half.

Ang kuponan ng Toyotsu Team ay nagkaroon na ng kumpyansa na kaya na nilang talunin ang kabilang kuponan dahil naipakita na nila ang nakatagong galing na kanina pa nila itinago.

Samantala ang Tokyo Team naman ay handa na para sa susunod nilang galaw sa second-half. At si Fujima naman ay nakahanda na sa kanyang isipan kung sino ang ipapasok at ibabangko.

Isang hiyawan na naman ang sumakop sa loob ng gymnasium nang nagpakita na ulit sa court ang mga manlalaro. Gaya kanina ang mga media at photographers ay cameraman ay kanya-kanyang kuha ng mga larawan at detalye.

Tumunog ulit ang time buzz ng gymnasium.

Ang mga cheering squad ay kanya-kanyang sigaw para suportahan ang kanilang panig na kuponan.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon