CHAPTER 64:

551 16 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 64:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos ng aliwan nila sa Resto ay pumunta na silang lahat sa Tokyo Gymnasium. Ang lahat ng players ng Kanagawa ay nakatulog agad sa sobrang pagod ganun na rin ang Tokyo team. Sina Hanamichi, Kiyota at ang tatlong-others ay tulog na, ang natitirang miyembro na gising ay ang mga 3rd years, manager at ang apat na ungas.

Sa gilid ng courta ay nagtipon ang tatlong Manager na sina Sora, Mari at Haruko para pag-usapan ang susunod na laban.

"Mito, pakikuha nga ng Bluebook ko dun sa bag ko please..." utos ni Mari sa kanya.

"Oo, Ate Mari sandali lang." tumayo si Mito saka kinuha ang bag ni Mari saka nilabas ang bluebook.
"Ate Mari, napapansin ko lang sa bluebook na'to. Mukhang maraming impormasyon amg nakapaloob dito?" tanong ni Mito sa kanya.

"Ahh, oo. Marami talaga, dyan kase nakapaloob ang lahat ng records ng players since last year." sagot ni Mari.

"Ahh..." tanging sambit ni Mito saka umupo sa tabi ni Mari kasama sina Haruko at Sora.

Inilabas din ni Sora ang Bluebook niya at binuklat yun sa maliit na mesa.

"Simulan na natin Sora." sabi ni Mari.

Nagsilapitan naman sina Takamiya, Ohkusu at Noma sa kanila.

"Ayos discussion na tungkol sa ibang players!" nasabi ni Takamiya na katabi ni Mito.

"Malay mo baka kilala natin ang iba sa kanila diba?" Ohkusu

"Sigurado yan." Noma

"Unahin na'tin ang Toyotsu, Sora-kun." Mari

"Oo..." tiningnan ni Sora ang bluebook niya.
"Ang detalye na meron ako tungkol sa Toyotsu Team ay katulad ng Team natin, nagsanib pwersa din sila. Ang Toyotsu Team ay nasa dibisyon ng Nagoya na sakop ng Distrito ng Aichi Prefecture." Sora

Napatingin naman si Haruko sa kaniya. "Aichi Prefecture? Dyan nanggaling ang Team ng Aiwa na tumalo dati sa Shohoku."

"Tama ka dyan, Haruko. At saka, yung isa pa! Yung dati na Numero Unong Sentro nila na gustong makalaban at talunin ni Hanamichi na si Hiroshi Morishige." sabi ni Mito

"Oo, tama ka Mito. Sa kasalukuyang myembro ng Toyotsu ngayon ay isa si Hiroshi Morishige sa mga starting player nila." wika ni Mari.

"Ano? Nasa Toyotsu Team si Hiroshi Morishige?" Mito

"Nagulat ka pa Mito eh taga dun ang bakulaw na yun." Takamiya

"Kilala niyo siya?" sabay na tanong ni Mari at Sora.

Nagsitanguan naman ang apat na Ungas.

"Oo, Ate Mari. Ichinismis kase yan dati samin ni Hanamichi." Ohkusu

"Sabi niya malakas daw ang Morishige'ng yun kase nung sadyain siyang banggain ni Hanamichi siya pa daw ang natumba." Noma

"Talagang malakas nga siya... Magiging problema 'to." napahawak si Mari sa baba niya na tila may iniisip.

"Huwag kang mag-alala Ate Mari, alam kong kayang-kaya siya ni Sakuragi..." buhay na sabi ni Haruko. "At naniniwala ako dun."

"Tama ka Haruko." Mito

"Pero kahit na ganun, hindi lang si Morishige ang poproblemahin na'tin. Hindi lang siya ang malakas, marami sila." dagdag pa ni Sora.

"M-marami?" Haruko

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon