CHAPTER 44:

541 19 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 44:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

(KINABUKASAN...)

*** GYMNASIUM ***

"SIGE TAKBO PA! LAST DAY NIYO NA BUKAS PARA SA PUNISHMENT NA'TO!" Sigaw ni Mari sa kanila.

Patuloy parin sa pagtakbo ang lima, yung Tatlong-others hinihingal na at halos mauubos na ang lakas dahil simula pa alas singko ng umaga hanggang mag-aalas-sais na nang gabi ay hindi parin sila pinapatigil ni Fujima.

Samantala si Hanamichi at Kiyota naman ay nagkukompetensiya sa patibayan ng katawan at pataasan ng stamina.

"pambihira ang dalawang Gunggong na yan, hindi pa ba sila napapagod?" hinihingal na tanong ni Watanabe habang tumatakbo.

"Ewan ko sa dalawang yan, at ang sama pa ng tingin nila sa isa't-isa... Ano kayang issue ng dalawang yan?" tanong rin ni Nishizaki.

"I don't care about their sh*ts, as long as they can still stand how long the game is... Malaki ang aasahan natin sa kanilang dalawa kahit mga Gunggong." wika ni Daisho.

"Minsan napapaisip na ako sa dalawang yan kung mga tao ba talaga sila." Watanabe

"Oo nga naman, Azu... Ayon kase sa chismis na naririnig ko minsan sa kanila mga taong gubat daw sina Hanamichi at Kiyota." Nishizaki

Binalingan nila ulit ng tingin ang dalawa...

"Sumuko ka na, Unggoy! Ako ang mananalo!" sabi ni Kiyota kay Hanamichi.

"Pweehh asa ka pang Matsing ka! Henyo ata 'to! At ang Henyong katulad ko ay kaylanma'y hindi mapapagod!" nakangising sabi rin ni Hanamichi.

"Ang yabang mo talaga! Palibhasa Laking-gubat ka at pinaglihi sa mga wild monkeys kaya ganyan ka kayabang!"

"Nagsalita ang Taong-gubat! Ikaw nga tong mas mukhang lumaki sa gubat, ang ganyang kasama na ugali tulad sayo ay hindi ugali ng isang tao lalong-lalo na sa Henyong ito... Ugali yan ng mga Matsing na naglalambitin sa kagubatan!"

"Bwesit ka talaga! Mas unggoy ka! Hindi lang sa ugali halatang-halata rin sa hitsura mo UNGGOY!"

"Ekaw panget na Matsing! Nakakasuka ang ugali mo!"

"Grrrrrrrrrrgghhh... Sumusobra ka nang Unggoy ka! Anong gusto mo away o gulo?! Oh ano?!" panghahamon ni Kiyota dahil sa sobrang inis kay Hanamichi.

"Away at gulo gusto mo?" maangas na sagot ni Hanamichi.

"Ang yabang mo talaga!"

"Oh ano gusto mong makatikim ng kamao ng Henyo?!"

"Hindi kita uurungan, Unggoy!"

"HOY TAMA NA YAN!" Agad nagsilapitan ang Tatlong-others sa kanila at parehong inawat.

"Ano ba kayo, kanina pa kayong dalawa nagpapaligsahan tapos may gana pa kayong magtalo? Hindi ba kayo napapagod?" suway sa kanila ni Daisho.

"Grrrrrrr..." talim na nagtitigan sa isa't-isa ang dalawang unggoy.

(PUMITO!...)

Napatingin silang lima dahil sa malakas na pito at napatingin sila dun sa babaeng nakatayo sa pintuan ng gymnasium.

"Tapos na ang oras sa punishment niyo, pwede na kayong magpahinga!" nakangiting sigaw ni Haruko sa kanila.

Agad nagbago ang mood ni Hanamichi at napangiti.

"A-ah ahhh hahahah sige, Haruko. Papunta na ako dyan!" nakangiting sagot ni Hanamichi at tumakbo palapit sa gawi ni Haruko.

Pagkarating niya dun ay napakamot siya...

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon