CHAPTER 8:

923 24 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 8:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos makapuntos ng mga First year, ang bola naman ay nasa panig na naman ng mga Sempai.

"MAY 15 MINUTES PA! GALINGAN NIYO PAREHO!" Sigaw ni Mito at sinimulan na ang oras.

Nagdribol si Jin papunta sa court nila, habang nagdidribol nakasunod si Kiyota sa kanya.

"Tsk... " Napaismid si Jin. "Hindi ka na makakulit sakin."

"Sinong sinabihan mo Jin?"

Nabigla si Jin nang makita niya agad si Hanamichi sa harapan niya.

"S-Sakuragi..." Bumagal ang galaw ni Jin.

Mabilis na umatake si Kiyota at inagaw ang bola saka pinasa kay Watanabe.

"NICE ONE KIYOTA!" Sigaw ni Watanabe at nagdribol.

Nakita niyang bakante si Nishizaki saka pinasa niya ito dito, pero biglang dumating si Fukuda at nakuha yun.

"Ikaw ang mabagal, first year." Sabi Fukuda at mabilis na gumawa ng opensa.

"FAST BREAK!" Sigaw ni Sendoh.

Matulin na nagdidribol si Fukuda papasok sa area nila. Nakita niya si Maki at Hanagata sa ilalim ng ring.

Mukhang makakapuntos na sila dahil dalawa sa team niya ang nasa ilalim.

Biglang dumating si Ikegami para depensahan siya. Pero nakita niya si Jin na nasa shooting area kaya pinasa niya ito.

Nakuha ni Jin ang bola at nakita nyang libre pareho si Maki at Hanagata.

Ipapasa sana niya kay Hanagata ng sumulpot sa harapan niya si Kiyota.

"Wala yan Jin..." Nakangising sabi ni Kiyota habang gumagawa ng depensa.

Inilipat niya ang kanyang atensyon kay Maki pero nakita nya si Hanamichi na parang alam nya ang gagawin nyang pasa para kay Maki.

"Mga matatalino..." Napaismid si Jin at pinasa pabalik kay Sendoh ang bola na nasa point guard area.

"Nice pass, Jin!" Sabi ni Sendoh.

Tumakbo papalapit sa kanya si Watanabe mula sa likod at sinubukan itong palpalin pero pailalim itong ipinasa ni Sendoh pabalik kay Fukuda na nasa lane ng center area.

Nakuha ni Fukuda ang bola at gumawa ng jumpshot pero tumalon ng mataas si Kiyota at natamaan ito sa mga daliri niya.

Pero nakuha ni Hanagata ang bola at gumawa ng lay-up shot.

*Shot!*

"Ayos!" Hanagata

"Nice pass, Fukuda!" Nag-apir si Hanagata at Fukuda.

"Ayan na naman! Nagsimula nang bumawi sina Hanagata." Sabi ni Tamamiya at binago ang score na nasa 21-27 na.

"Kaasar!" Kiyota

"AYOS LANG TEAM! BABAWI TAYO!" Sigaw ni Watanabe habang nasa kanya ang bola.

Pumwesto ang pangkat nina Sendoh para pigilan ang opensa ng pangkat nina Watanabe.

Mabilis na nagdribol si Watanabe at sinalubong siya ni Sendoh pero nagkunwari itong pupunta sa kanan kaya nakalusot siya agad sa depensa ni Sendoh pero nakita niya si Hanagata na sumalubong sa kanya, kaya ipinasa niya ang bola kay Nishizaki na binabantayan ulit ni Jin.

Nagdribol palapit si Nishizaki pero naagaw ni Maki ang bola na nasa likuran niya.

"Ano!" Nagulat si Nishizaki dahil sa bilis ng galaw ni Maki.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon