CHAPTER 83: Tokyo Vs. Toyotsu

617 28 5
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 83: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

2 minutes at 5 seconds na lang ang natitira sa second-half. Ang pag resbak ni Jin, Ikegami at Fujima ay talagang nakatulong upang hilahin ang score na nilampaso kanina ng Toyotsu Team. Ang score ngayon ng Toyotsu ay 79 parin samantala sa Tokyo Team ay 76 na.

Isang shot ng tres na lang ay magiging pantay na.

Pero syempre hindi lang pantayin ang puntos ang layunin ng Tokyo Team, kundi...

Tatalunin nila.

Magkatabing nakaupo sa bangko si Hanamichi at Kiyota na parehong nakatuon sa court.

"2 minutes na lang at magtatapos na ang laro..." panimula ni Kiyota sa usapan.

Pero nakatingin lang si Hanamichi sa court.

"Nasa loob na sina Maki, Jin, Sendoh, Ikegami at Fujima. Kung tutuusin ay hindi ka na kailangang ibalik sa loob ng court." sabi pa nito.

Napaubo ng peke si Hanamichi sa sinabi niya saka tiningnan si Kiyota.

"Hindi na ako kailangang ibalik sa court?" nakaismid na tanong ni Hanamichi sa kanya. "Sigurado ka ba dyan sa gusto mong mangyari?"

Hindi maintindihan ni Kiyota ang pinupunto niya.

"Ano ba sa akala mo? Totoo naman ah?" tanong rin ni Kiyota sa kanya.

Mahinang tumawa si Hanamichi saka sumagot.

"Kung hindi ako babalik sa court...  Sa palagay mo ba kaya nilang pigilan si Morishige?"

Tumaas ang isang kilay ni Kiyota sa kataga niya.

"Magyayabang ka na naman ba sakin?"

"Hindi..." sagot ni Hanamichi.
"Kahit silang lima pa ang magbantay kay Morishige ay wala rin silang magagawa  lalo na at sa pagkakataong ito ay nagiging dahas na sa kung kumilos ang Kalbong-bakulaw na yun. Testado ko na ang kakayahan niya... Para siyang pinaghalo na lakas ni Gori at Ouzumi. Kutob ko nga baka mag 1 on 1 to kay Mikio Kawata ng Sannoh ay matalo pa niya." dagdag pa ni Hanamichi.

Naningkit naman ang mga mata ni Kiyota sa sinabi niya.

"Tumahimik ka nga dyang Unggoy ka! Parang sinasabi mo rin na mas malakas ka sa Morishige'ng yun ah!" bulyaw ni Kiyota sa kanya.

Humalakhak naman si Hanamichi nang makuha ni Kiyota ang pinupunto niya.

"Ganun na nga, Matsing! Ako lang ang player na kayang magpabagsak sa Kalbong-bakulaw na yun. Ang henyong si Hanamichi Sakuragi lang! NYAHAHAHAHAHA!"

Talagang proud na proud pa siya sa sinabi niya.

"Sinasabi ko na nga ba eh! Pinasukan na naman ng hangin yung ulo mo!" bulyaw ulit ni Kiyota.

"SIGE FUJIMA! ISHOOT MO NA YAN!" napatayo si Mari sa kinauupuan nya habang nakataas ang isang kamay para kay Fujima.

Nasa Point-guard area si Fujima.

Shinoot niya ang bola bago pa makalapit si Mikoshiba at Muzaka sa kanya.

*Shoot*

Another tres na naman para sa Tokyo Team.

Naghiyawan ng malakas ang Tokyo Audience dahil pantay na ulit ang score.

"Coaaaaaaaaach!" Daisho

"Ang galing nya talaga!" Nishizaki

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon