CHAPTER 88:

579 33 2
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 88:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** K I N A B U K A S A N ***

Sa gymnasium, si Hanamichi ay nagpraktis sa kabilang court na mag-isa.

Dinribol niya ang bola palapit sa ring saka dinakdak ng malakas.

*DUUUUUUNKKKK!*

Napapikit sa lakas ng dakdak ang ibang player. Nagtataka sila sa dahas na kilos ni Hanamichi tila may inis na kinikimkim.

"Anong problema niya?" tanong ni Watanabe.

"High blood ata siya ngayon." sagot ni Daisho.

"Hindi kaya, binasted ni Haruko kagabi?" bulong ni Nishizaki.

Tiningnan naman nila si Haruko na nasa gilid. Nakayuko ito at tulala.

Nagbulungan ulit ang Tatlong-others.

"Pwede, pwede..."

Pinatalbog ulit ni Hanamichi ang bola. Naalala na niya naman ang sinabi ni Rukawa sa kanya kagabi.

("Unang natapos ang laro namin sa Amerika at ang Team namin ang number 1 Kami ang magrerepresenta sa bansang Amerika. Kung gusto mo akong talunin o makalaban ang Team namin. Gawin niyo ring number 1 ang team niyo.")

Napadiin ng ngipin si Hanamichi sa inis.

"Ang yabang talaga!" sabi nito at nagdribol.

Mula sa free throw line ay tumalon siya saka itinaas ang bola.

Napatitig lang ang ibang player sa kanya hanggang sa naidakdak niya ulit ang bola.

Parang magigiba ang rim dahil sa pwersa ni Hanamichi.

Samantala sina Maki, Fujima at Sendoh naman ay tumalikod na lang sa kanya. Naiintindihan nila ang nararamdaman ni Hanamichi.

Sinabi ni Yuki at Zakusa sa kanila ang nangyaring pagkikita nina Hanamichi at Rukawa.

Mula sa representative team ng Amerika, ang kuponan ng 'Yellow Fox' kung saan nabibilang sina Micheal Okita ng Ryukufu, Minami ng Toyotama, Moroboshi ng Aiwa, Sawakita ng Sannoh at Rukawa ng Shohoku. Ang kuponan na ito ay binubuo ng malalakas na Ace Players mula sa iba't-ibang prefecture ng Japan na kasalukuyang nag-aaral sa Amerika.

Nang malaman yun nina Maki, Fujima at Sendoh ay mas lalo silang naging determinado na talunin ang kuponan ng Akita upang makalaban ang kuponan ng Amerika.

"Hindi ko akalain na nagkita pala si Rukawa at Sakuragi kagabi." sabi ni Sendoh sa dalawa.

"Kung ganun, nandito siya ngayon sa Japan. Mag-isa lang ba siya nandito?" tanong ni Fujima.

"Hindi natin alam. Baka sumabay rin yung mga kasamahan niya sa Yellow Fox." sagot ni Maki.

Si Haruko na nakatayo sa gilid ay binalingan ng tingin si Hanamichi. Nilapitan niya ito.

"Sakuragi..." tawag niya dito.

Parang bumalik sa wisyo si Hanamichi nang tawagin siya ni Haruko.

"H-Haruko... Bakit?"

"Pinagtitinginan ka ng mga kasamahan mo. Hindi maipagkailang mainit ang ulo mo. Nag-aalala na ako sayo." nag-aalalang sabi ni Haruko sa kanya.

Ang init ng ulo ni Hanamichi ay lumamig at napangiti sa sinabi ni Haruko.

Kinilig siya sa sinabi nito.

"Ahh... Heheheh pasensya na Haruko." napakamot si Hanamichi sa ulo niya at tumawa. Napasabi na lang siya sa kanyang isipan.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon