CHAPTER 61: Tokyo vs. Kanagawa

487 16 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 61: TOKYO VS. KANAGAWA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Lumipas pa ang ilang minuto habang nasa loob si Sendoh, ang Team ng Tokyo ay nahirapang lampasuhin ang kabilang kuponan. Sa natitirang labin-limang minuto ang score ng Kanagawa ay 68 na samantala sa Tokyo ay 78, gusto ng Tokyo na lamangan ng sobra pa sa 10 points ang Kanagawa pero nahihirapan silang gawin ito dahil sa dalawang Power-forward ng Kanagawa na sina Nagano at Muto na siya palaging nagbabantay kay Hanamichi mula sa loob at labas.

Sa pagkakataong ito hindi na maiwasan ni Sendoh ang bumuo ng taktika kung papaano paghihiwalayin sina Muto at Nagano kay Hanamichi.

Pero ganun din ang binabalak ng kabilang kuponan. Gumagawa rin ng plano si Yasuda at Koshino kung papaano lamangan ang Tokyo sa di mabasang paraan.

(Dribbling...)

Habang pinapatalbog ni Sendoh ang bola ay pinagmasdan niya ng mabuti ang paligid para masimulan ang opensa.

"Team, maging alerto kayo!" sabi ni Yasuda sa kanila.

"Oo!" sagot nila.

Napangiti si Sendoh sa kanila.

"Syempre hindi rin kami magpapatalo..." panimula niya. "Team! Iskor tayo ngayon!" nakangiti ring sabi ni Sendoh sa kanila.

"Yan naman talaga ang gagawin ng Henyong ito eh kahit hindi mo pa sabihin." nakangising sagot ni Hanamichi.

"Sang-ayon ako kay Sakuragi." Hanagata

"Ako rin." Kiyota

Napaismid si Sendoh... "Watanabe!" biglang ipinasa ni Sendoh ang bola sa kanya.

"Depensa!" sigaw ni Takasago.

Mabilis na sinundan ni Koshino si Watanabe na nagdidribol papunta sa half-court nila.

"KANAGAWA ISKOR TAYO!" Sigaw ng tagasuporta ng Kanagawa.

"TOKYO WAG KAYONG MAGPAPATALO!" ganun din sa kabilang panig.

(Dribbling...)

Bago makapasok si Watanabe sa half-court ay mabilis na nakarating si Takasago sa ilalim ng ring nito.

"Ang bilis talaga ng Center nila..." sabi ni Watanabe.

"Watanabe dito!" sigaw ni Hanamichi at kumaway-kaway pa.

Nakita nyang libre si Hanamichi kaya ipapasa na sana niya ang bola ng nakasunod agad sa likuran nito si Nagano.

Sakto namang dumaan si Kiyota sa harapan niya kaya doon niya ito ipinasa.

*Air pass*

"Ano!" napangiwi si Hanamichi.

"Subukan mo munang maging libre palagi, Unggoy!" sigaw ni Kiyota sa kanya habang nagdidribol.

Napatingin naman si Hanamichi sa kinatatayuan niya at nakita niya si Nagano sa likuran niya.

"Bwisit kaya pala hindi sakin pinasa ang bola." inis niyang sabi. "Pero syempre hindi ako magpapatalo, HENYO ATA 'TO!" dagdag pa niya.

"Binubulong mo dyan?" bulong ni Nagano sa kanya.

"Wag kang epal!" biglang lumingon si Hanamichi sa kanya at aksidente niyang natamaan si Nagano sa mukha.

BLAG!

Napaupo si Nagano habang nakahawak kanang dibdib niya dahil nasiko siya ni Hanamichi.

(Pumito...)

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon