CHAPTER 112: Tokyo Vs. Akita

656 44 10
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 112: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Lumipas pa ang ilang usapin tungkol sa mga plano ng Akita Team. Maraming task ang sinabi ni Coach Kawarama sa kanila upang sila'y makahabol.

Tumunog ang time buzzer ng gymnasium, tapos na ang time-out nila.

"Siguro naman ay malinaw sa inyo ang mga sinabi ko?" Tanong ni Coach Kawarama sa kanila.

"Opo!" Sagot ng mga players niya at naglakad na sila pabalik sa court.

"Galingan niyo Team! Huwag niyo silang hayaan na makalamang ulit. Galingan niyo Fujima!" Sabi ni Mari sa kanila.

"Oo." Sagot ni Fujima.

"HEHEHEHEH... Hangga't nasa loob ang Henyong si Hanamichi Sakuragi ay sinisiguro ko yan!" Presenta nito na ikinangiwi ni Kiyota.

"Sus... Sinisiguro daw. Eh kung di nga rumesbak si Fujima at Ikegami baka nalampaso na kayo." Pambabara ni Kiyota sa kanya.

Naningkit naman ang mga mata ni Hanamichi sa tinuran nito. Pero agad yung nawala dahil naiintindihan niya ang nararamdaman ni Kiyota.

"Mwehehehe... Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Matsing. Binangko ka kase kaya ganyan kapanget ang compliment mo sakin. Naiingit ka... Pero ayos lang sakin. NYAHAHAHAHA!"

"HINDI TOTOO YAN! Ampanget mo talagang Unggoy ka! Feelingero!" Sigaw ni Kiyota sa kanya.

Sa halip si Hanamichi ay tumatawa lang na naglakad papasok sa loob ng court.

Nagtinginan sa isa't-isa ang parehong kuponan. Hinilot ni Hanamichi ang kanyang kamay at leeg na parang wrestling ang pinasukan.

"Simulan niyo na Akita!" Sigaw ni Hanamichi sa kanila.

Sumipol si Matsumoto. "Ang yabang talaga."

Lumapit ang Referee sa kanila at binigay ang bola kay Fukatsu. Tinalbog niya ito sa kanyang kinatatayuan.

Sampung minuto na lang ang natitira sa second half at lamang ng 3 points ang Tokyo Team sa kanila. Ang nasa isip ngayon ni Fukatsu ay kapag natira sila ng isang shot ng tres ay pantay na ulit ang puntos.

(Dribbling...)

Medyo nagulat ang mga manonood dahil sa biglaang pagsimula ng opensa ni Fukatsu. Ang bilis ng kanyang padribol at ang kanyang mga kilos ay mahirap hagilapin, kapag kumurap ka ay nasa ibang zone na siya. Tumakbo sila patungo sa kanilang half court.

Si Masashi at Mikio naman ay nakahanda na sa kanilang plano.

"Babantayan ko siya!" Sabi ni Maki at hinarap si Fukatsu.

Ngunit agad pinasa nito ang bola patalikod na saktong patungo sa mga kamay ni Matsumoto na nasa 3-point area. Pagkatanggap nito ay agad itong nagpose at nag long jumpshot.

*PAKK!*

Sumulpot ulit sa kanyang harapan si Fujima at natamaan nito ang bola. Pagkababa nila sa sahig ay sabay silang sumigaw ng...

"REBOUND!!" Matsumoto/Fujima

Habang palapit ang bola sa ring ay siya namang ikinasulong ni Hanamichi sa ilalim ng basket.

Pero...

"TEKA ANO!" napatayo si Coach Zakusa sa gulat dahil...

"SI MASASHI AT MIKIO LABAN KAY SAKURAGI SA REBOUND???

ABA NAMAN TALAGA OH!

GRABE NA YAAAAAAN!"

"Ang dumi naman nilang maglaro!" Inis na tiningnan ni Coach Zakusa si Coach Kawarama na nakangisi sa kanyang gawi. "Aba, aba, aba... Palaban si Lolo!"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon