CHAPTER 110: Tokyo Vs. Akita

583 37 13
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 110: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"A-ang kasalukuyang MVP?" Nagulat si Rango sa pagpapakilala nito samantala si Morishige ay nakatingin lang.

Ngumiti lang si Kenjiro.

"DEPENSA, AKITA! DEPENSA!"

Bumalik ang atensyon nila sa court dahil sa mga taong nagsisigawan.

"OPENSA TOKYOOOOOO!"

"Aba, magaling sila." Nakangiting sabi ni Kenjiro nang makita niya ang estilo ni Sendoh sa opensa.

Habang nagdidribol si Sendoh ay nakasunod sa kanya ang dalawang opponent players na sina Matsumoto at Kishimoto habang nakaback-up sa kanila sina Maki at Fukatsu.

Pagkarating ni Sendoh sa rebounding area malapit sa base area ng basket ay tumalon siya para tumira. Sumabay naman sa kanya ang dalawang Akita Players para iblock ang kanyang tira. Parehong nakataas ang kamay ng dalawa habang nakataas din ang isang kamay ni Sendoh kung saan hawak nito ang bola.

Dinakma ni Kishimoto ang bola gamit ang kaliwang kamay pero iniwas agad ni Sendoh paibaba.

"Iniwas niya..." gulat na sabi ni Kishimoto sa kanyang isipan.

Samantala si Matsumoto ay ginawa niya rin ang ginawa ni Kishimoto. Nilapit niya ang kanyang isang kamay para palpalin ito.

"Hah!" Nagulat siya ng naiwasan rin yun ni Sendoh at ang bola ay nasa kanyang likuran.

Saka hinagis papasok sa basket.

*Shoot!*

"AYOOOOOOOOOOS!

NICE LAY-UP, SENDOH!" Sigaw ng tagasuporta niya.

"KUYA ANG GALING MO!" Proud na sigaw din ni Menaide.

"SIGE TOKYO! WAG NIYONG PAHABULIN ANG AKITA TEAM!" cheer ng Apat na Ungas.

"Sendoh..." Tanging sambit ni Kenjiro habang nakatingin sa gawi nito.

Nakita niyang nakipag-apiran ito sa kanyang kateammates.

"Magaling siya." Dagdag pa niya.

Napatingin ulit si Muzaka sa kanya.

"Talagang magaling ang isang yan... Siya si Akira Sendoh. Ang kasalukuyang SUPER ACE PLAYER ng College Team." Sabi nito sa kanya.

"Super Ace Player huh..." Napaismid siya. "Kung hindi lang sana umalis si Sawakita papuntang Amerika, imposible maging Super Ace Player ang isang yan."

Napangiwi si Muzaka sa sinabi niya.

"Kapag narinig ka ni Yuki at Zakusa sa sinabi mong yan siguradong bugbog sarado ka sa kanila."

"Nandito ba sila?"

"Nandoon sila." Tinuro ni Muzaka kung saan nakaupo ang dalawa.

Nakita niyang nasa Press Bench si Yuki katabi ang isang magandang babae at si Zakusa na nasa Coaching Box ng Tokyo Team katabi rin ang isang magandang babae.

Yumukom siya ng kamao at napayuko na lang.

Parang maiiyak siya.

"H-hindi ko... Hindi ko akalain na magkakaroon ng mga seksing girlfriends ang dalawang mokong na yan! Naiinggit ako!" Mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Matagal ka nang inggitero." Sabat ni Muzaka.

"Tumigil ka dyan, utang mo sakin hindi mo pa nababayaran. Bayaran mo'ko!" Kenjiro

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon