CHAPTER 12:

666 19 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 12:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

HANAMICHI SAKURAGI'S POV

*** Locker Room***

Nandito kami ngayon sa locker room namin, yung apat na ungas at kasama na dun sina Haruko at mga kaibigan niya. Ang sabi kasi ni Mari isang Manager lang ang kailangan pag magkakaroon ng practice game or game matches. Pero kapag may laro din si Mari, talagang si Haruko daw ang hahalili samin.

"Makinig kayong lahat, lalo na kayo mga first years..." Napatingin kaming lahat kay Lolo.

"Ano yun Maki?" Kiyota

"Ito ang magiging unang pratice game nyo sa college kaya kahit practice game lang ito, tatalunin niyo sila." Sagot ni Lolo.

Huh? Niyo?

"Teka lang, Lolo... Anong ibig mong sabihin sa NIYO? Hindi ba kayo maglalaro?" Takang tanong ko.

"Hindi." Sagot niya

"Ha? Bakit!"

"Para sa inyo lang ang larong ito, kaya hindi kami maglalaro." Napatingin kami kay Sendoh.

"At isa pa... Magandang uportunidad ito para sa inyo. Mga dating kasamahan nina Maki at Sendoh pati na si Sakuragi ang makakalaban niyo. Kung nagtitipon tayo ngayon sa iisang team, ganun na rin sila. Lalong-lalo na sina Takasago ng Kainan at Koshino ng Ryonan siguradong may maibubuga yun." Paliwanag ni Labo the 2nd samin.

"PWEHH! Kahit lahat pa sila pumasok sila sa court kayang-kaya ko sila, Labo! ILALAMPASO KO SILA!" Sigaw ko.

"Wag mong kalilimutan si Yasuda, Sakuragi... Alalahanin mo, siya ang pangalawa sa galing ni Ryota Miyagi sa pagiging Point Guard ng Shohoku." Fukuda

"Hindi ko nakakalimutan, Fukulot!"

"Baka maalala mo ang dating samahan niyo..." Sendoh

"Tumahimik ka dyan, Sendoh! PASS IS PASS!" Sigaw ko.

"Bobo, baka 'Past is Past?' " Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Daisho.

"Arrrggghhhhhh... DAISHO!"

"College Student na pero gunggong parin..." Watanabe

"Grrrrrrrrrr ikaw rin, Watanabe!!!"

"Oo nga, gunggong talaga." Nishizaki

"EE KUNG PAG-UUNTUGIN KO YANG MGA ULO NIYO? HAH!" Sigaw ko at akmang susugurin ko sila ng...

*PAK!*

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko. "Mari naman..."

"Ang dadaldal niyo... Oh Coach! Ikaw na bahala sa magiging Jersey number nila." Binigay ni Mari ang log book kay Fujima.

"Salamat, Mari... Makinig kayo first line-up. Magsisimula tayo sa 15-10." Anunsyo ni Fujima.

"Sandali lang, Fujima. Bakit 15-10? Sino-sino ba yung 4-9?" Tanong ni Matsing sa kanila.

"Bueno... Babasahin ko na lang lahat para maintindihan niyo...
#4-Maki
#5-Fujima
#6-Jin
#7-Sendoh
#8-Hanagata
#9-Fukuda..." Basa ni Fujima samin. "At ang #15... Ikegami."

"Okay." Ikegami

"Sayo ang last number, Ikegami. Ikaw kasi ang back-up player sa Team nato. Kaya kapag nasa alanganin ang Team natin, dun ka na namin ipapasok." Nakangiting sabi ni Mari kay Ikegami atsaka ibinigay ang Basketball Uniform.

Ano! Parang secret weapon na pinapasok lang pag nasa kumplikadong sitwasyon na ang team?

Aba! Hindi pwede! Dapat ako lang!

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon