Chapter 34 *I love you*

614K 11.9K 1.8K
                                    

A/N: Forgive me with all the typos. i wasn't able to proofread it yet. Medyo nagmamadali na kasi ako XDD

Anyways, a simple reminder. Ako po ay naguupdate pag meron lang akong free time. Hindi na po ako isang estudyante, nagtatrabaho na po ako and lagi akong pagod. Sana po ay maintindihan niyo kung bakit medyo matagal ang updates :)

Salamat po sa mga matyatyagang nagaantay :)

enjoy reading.. :)

***

Chapter 34

*I love you*

 

 

[Dionne’s POV]

 

“eh sira ka palang alcohol freak ka! Tinatanong mo kung in love ako sayo di ba?! Ayan ang sagot! Oi in love ako sayo!! I hate you!!”

Uwaaaaaaaa hindi pwede to! Hindi pwede to!

Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko. Ewan ko ba kung bakit ako umiiyak. Siguro dahil sa pinaghalong pagkainis at kahihiyan. This is weird. This is very very weird. Hindi naman talaga ako iyaking tao pero bakit ayaw tumigil ng luha ko ngayon?

At ang nakakainis, bakit ako umamin kay Japoy? Bakit hindi ko na lang idinaan ulit sa ngiti yung tanong niya katulad ng madalas kong ginagawa pag nagtatanong siya ng mga bagay na ayokong sagutin?

Paano pa ako haharap sa amo ko ngayon?

Uwaaaaaaaaaaa anong gagawin ko? T__T

Tumagilid ako ng higa at bigla akong napatingin doon sa picture frame na nakapatong sa side table ko. Picture namin ni Japoy kasama si Maya. Kinuha ko yung picture frame.

“Maya kamusta ka na diyan sa heaven? Alam mob a nainlove na ang mommy Dionne mo sa Daddy Jake mo… siguro magiging masaya ka no kung pati siya maiinlove din saakin?”

Napangiti ako.

Ano ba tong sinasabi ko. Alam ko naman na kuntento na ako na parating nasa tabi ni Japoy eh. Alam ko na hanggang doon lang naman ang pwede.

Napaka imposible na magkagusto saakin si Japoy. At kung ako papipiliin, ayoko rin naman na magkagusto siya saakin… hindi pwede…

Dahil sa huli si Japoy lang din ang mahihirapan.

 

Huminga ako ng malalim.

Hay! What’s done is done. Nasabi ko na sa kanya eh. Hindi ko na maitatanggi yun. Pero pwede pa naman maging normal ang lahat di ba? Act like nothing happened.

Sana lang wag niya akong sisantehin sa trabaho. T___T

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon