35

28.3K 668 38
                                    


SAMPUNG taon si Basil nang mamatay ang ama, Ipinagmaneneho ng ama nito ang ina patungong Maynila upang daluhan ang isang seminar ng mga guro na gaganapin sa PICC nang matumbok ng ten-wheeler truck ang owner-type jeep ng mga ito. Napag-alamang lasing ang driver ng ten-wheeler.


Guada's husband died on the spot but she had survived. Gayunman ay hindi na ito nakaalis sa wheelchair.


Ang pinsang-buo ng asawa ni Guada na si Felix ay nakapagtatakang laging nasa tabi nito matapos ang trahedya. Inaalalayan at pinalalakas ni Felix ang hipag. At sa pagkamangha at lihim na pagtutol ng lahat, walong buwan makalipas ang aksidente, nagpakasal si Guada sa bohemyong si Felix.


lilang buwan pa lang na kasal si Felix kay Guada nang makilala nito si Antonia, dalawampu't isang taon, bata at maganda. Nagtatrabaho bilang promo girl sa isang malaki at kilalang department store sa Las Piñas.


Bukod sa pagiging maganda at bata, Antonia was also smart and ambitious. Gusto nitong mahango sa hirap. At nakita nito ang katuparan ng pangarap sa katauhan ni Felix. Magandang lalaki, maayos manamit at may mamahaling kotse. Bukod pa sa ipinamamarali ni Felix na may farm ito sa San Juan, Batangas.


Nagdadalang-tao na si Antonia kay Shannon nang malaman nitong may asawa si Felix. Walang nagawa ang galit nito dahil kailangan nito ang suporta ni Felix sa batang dinadala. Isa pa, pinaniwala ni Felix si Antonia na hihiwalayan ang asawang si Guada na mas matanda rito at sakitin.


Pitong taon na ang batang si Shannon nang lubusang matanto ni Antonia na walang balak hiwalayan ni Felix ang asawa nito. At na walang kapupuntahan ang buhay nito. Isang desisyon ang nabuo ni Antonia. Dinala nito si Shannon sa farm ng mga Constantino sa San Juan, Batangas.


Si Basil na paparating ay bumaba ng owner-type jeep nang makita silang mag-ina na kinakalabog ang rehas na gate.


"Anak po ako ng may-ari ng bahay na iyan," wika niya at sinulyapan ang loob ng solar kung may dumarating na katulong upang magbukas ng gate. Mula sa gate hanggang sa mismong bahay ay malayo-layo rin at sa wari ay wala pang nakaririnig sa mga ito na may tao sa gate."Ako si Antonia at ang kasama ko'y anak ko... namin ni Felix..." taas-noong deklara nito.Basil who had been nineteen years old at that time was shocked. Niyuko ang batang si Shannon na humigpit ang kapit sa braso ng ina. Pagkatapos ay muli siyang sumulyap sa loob ng solar. Nang makitang wala pa ring nakakapansin sa kanila ay huminga nang maluwag. And then a worried frown crossed his forehead.


"Amain ko si Tiyo Felix at wala ho siya. Lumuwaskaninang umaga patungong Maynila. Sumakay ho muna kayo sa jeep at pag-usapan natin ito sa ibang lugar."


"Walang maaaring pag-usapan," matigas na sagot ni Antonia. "Niloko ako ni Felix. Kung wala rin lang siyang balak hiwalayan ang asawa niya, puwes, iiwan ko sa kanya ang aming anak! May karapatang legal si Shannon na makinabang sa kayamanan ng kanyang ama!"Lalong lumalim ang pag-aalala sa mukha ni Basil. "Huwag kayong mag-iskandalo, Misis," aniya. "May sakit ang Mama at hihdi ko gustong malaman niya ang sadya ninyo."Kumislap ang mga mata ni Antonia. "Mabuti! Kapag namatay siya ay pakikisamahan na ako ni Felix."


Naningkit ang mga mata ni Basil. "Kapag may nangyari sa Mama ay mananagot kayo sa akin," banta niya sa mariing tinig. "At kapag namatay ang Mama ay hindi ka niya pakikisamahan. Hindi ikaw ang kauna-unahang babaeng pinatulan ni Tiyo Felix noon man o kahit sa maikling panahong pinagsamahan nila ng aking ina. At hindi ikaw ang magiging huli."Marahas ang pag-angat ng tingin ni Antonia rito. "Nagsisinungaling ka!"

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon